Sorry guys! Tagal ng update.. huhuhuhu T.T june 2 na kasi pasukan namin eh.. inggit ako sa August 11 pa yung pasukan.. huhuhuhu T.T lol joke hehe.. ^^V
So eto na.. asahan niyong short UD lang 'to..
--------*****----------
Nag-angat siya ng tingin at lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang kanilang mga mata...
MyGhad.. Inaakit ata siya ng lalaking ito. At ang utu-uto naman niyang puso ay nais na rin yatang magpaakit dito.
H-hindi ako naniniwala sa'yo. sikmat niya. Kung talagang hindi mo gustong maging miserable ang buhay ko, bakit lagi mo akong inaasar? Lagi mo akong ginagawang laughingstock mo.
Gusto ko kasi na mapansin mo'ko. Brian
Ano ba ang sinasabi nito? Bakit tila may nahihimigan siyang kalungkutan sa tinig nito?
Nakangiti na ito nang subuan uli siya ng sopas. Wala namang nagawa si Jade kundi tumalima. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi?
Ano uli'ng sinabi mo? tanong niya.
Ang sabi ko, ubusin mo na itong sopas nang makainom ka na ng gamot. nakangiting wika nito. Muli siya nitong sinubuan bago pa uli siya makapagsalita.
Bakit ang layo ata ng sinabi nito sa narinig niya kanina? Imposible namang guniguni lang niya 'yun. At lalong 'di siya bingi.
Hindi naman 'yun ang sinabi mo kanina, eh.. aniya rito nang maubos na niya ang sopas.
Ngunit tila walang narinig na tumayo ito at lumapit sa bedside table. Inilapag nito ang bowl sa tray, saka kumuha ng isang basong tubig at gamot. Ibinigay nito ang mga 'yun sakanya.
Inumin mo na ang gamot mo. Brian
Tumango nalang siya kahit naiilang siya sa pagmamasid nito sa kanya. O-okay na ako rito, pwede mo na akong iwan, Brian. sabi niya pagkatapos. Ibinigay niya rito ang walang lamang baso. Inalalayan siya nitong humiga sa kama. Gusto ko nang matulog.
Go ahead. Babantayan kita. anito. Umupo ito sa gilid ng kama at inayos ang comforter niya.
Hindi na kailangan. Jade
Kailangan iyon. Baka tumaas ang temperatura mo. Para ma-monitor ko. Brian
Uminom naman na ako ng gamot, diba?, Jade
Oo nga, pero hindi pa naman iyon umeepekto. Marami pang pwedeng mangyari. Brian
Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kanyang buhok. Gulp. Maya-maya pa ay unti-unti na siyang hinihila ng antok.
--------****---------
Heya guys!! :D Vomment naman jan!! Hahahaha 'til next update!
~Imma_GirlInLove
BINABASA MO ANG
The Key to Your Heart (KathNiel)
FanfictionInis na inis lagi si Jade kay Brian, ang anak ng madrasta niya. Tila layunin nito sa buhay ang asarin at pagtawanan siya. Kung gaano ka-sweet ang mama nito, ganoon naman kasama ang ugali ng binata. At nang hindi na niya matagalan ang ugali nito, nag...