Chapter 5

69 5 0
                                    

Here :)


---------******----------

Anong binabalak mo? agad na tanong niya kay Brian. Maingat na tinulungan siya nitong bumangon at umupo sa kama. Naglagay ito ng unan sa likuran niya upang magsilbing sandalan niya. Mataman siyang nakatingin dito habang inaalalayan siya nito dahil nagdududa siya sa ipinapakita nitong kabaitan sakanya.

Bumuntong-hininga ito ngunit hindi sinagot ang tanong niya. Nang masigurong komportable na siya ay kinuha nito ang bowl ng mainit na sopas. Umupo ito sa gilid ng kama at maya-maya pa'y inumpisahan na siyang subuan. Pero nanatiling nakatikom ang bibig niya.

Say 'ah'. utos nito sakanya habang nakauman ang bibig niya ang kutsrang may sopas. Come on, Jade. Be a good girl and say 'ah'.

Anong binabalak mong gawin? tanong niya imbis na sundin ito.

Ang balak kong gawin ay pakainin ka at painumin ng gamot. Babantayan ko na rin ang pagtulog mo para ma-monitor ko ang temperature mo. 'Wag kang pasaway, kung 'di ay isusumbong kita kay Tito. Kaya sige na, kumain ka na, okay?


Medyo nagdududa pa rin siya pero napilitan siyang ibuka na ang bibig.

Good girl. anito.

Inirapan niya ito. Muli niyang tinanggap ang bawat subo nito ng sopas sa kanyan. Nangangalahati na ang laman ng bowl nang muli siyang magsalita.

Alam kong may kalokohan kang binubuo sa utak mo. aniya

Nagsalubong ang mga kilay nito. Tila ba hindi ito matanggap na nabasa niya ang laman ng isip nito.

Pero pwede bang hintayin mo nalang munang gumaling ako bago mo uli ako asarin? aniya pagkatapos lunukin ang sopas na isinubo nito. Masama pa kasi ang pakiramdam ko. Hindi ko pa kayang makipag-away sa'yo kay---

Napatigil siya sa pagsasalita ng umangat ang isang kamay nito at marahang hinaplos ang gilid ng kanyang labi. Nakaramdam siya ng tila kuryenteng nanunulay sa balat niya. Sumikdo ang dibdib niya at ang tangi niyang nagawa ay tumitig sa mga mata nito. He was lookibg at her with a weird expression in his face.

A-anong ginagawa mo? sa wakas ay nagawa niyang itanong dito. Lalong nagwala ang puso niya nang ngumiti ito. Napatanga siya rito.

You're such a messy eater. anito. Muli siya nitong sinubuan na agad naman niyang tinaggap. At wala akong binabalak na kalokohan. Gusto ko lang talagang alagaan ka. I have nothing but good intentions. Is that so hard to believe?. He raised a questioning eyebrow.

O-oo. Inirapan niya ito.

Jade, my honeyloves, nakakasakit ka na ng damdamin, ah. tila nagtatampo ang wika nito. For a moment, tila may nakita nga siyang dumaang sakit at lungkot sa mga mata nito. Ngunit agad naglaho iyon kaya ipinagpalagay niyang baka guni-guni lang 'yun. Imposible bang gumawa ng kabutihan sa mundo?

Ewan ko sa'yo. naaasar na tugon niya. Palagi mo akong inaasar at inaaway. Siguro natutuwa ka ngayong may sakit at miserable ako. Hindi niya ng napigilang isumbat ang mga saloobin niya rito. Gayunman, alam niyang mali iyon. Napayuko nalang soya nang makita ang sakit sa mga mata ni Brian.

Kahit kailan, hindi ko ginustong maging miserable ang buhay mo, Jade. Kahit kailan 'di ko ginustong saktan ka. madamdaming pahayag nito.

Nag-angat siya ng tingin at lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang kanilang mga mata...

--------*****---------

Abangan.. :)) <3<3

The Key to Your Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon