CHAPTER 1:Entering Her Life
Belle’s PoV :
~Nandito ako ngayon sa isang napakagandang hardin.Isang hardin na puno ng iba’t-ibang klase ng paru-paro at kulay berde, puti at ginto ang kapaligiran. Hardin na puno ng magagandang bulaklak .Mala-rosas ang hugis ,mayroong kulay ginto na ‘petals’ at puno ng kumikislap na tila mga diamante sa gitna ng mga ito
..Parang isang Harding-Paraiso
...At Ang naging dahilan upang napangiti ako ng TOTOO.
Naglakad ako ng naglakad habang hinahaplos-haplos ang mga mga nag-gagandahang bulaklak. ..Hanggang sa may nakita akong isang magandang babae, na nakasuot ng Bistidang puti at ginto.May maganda itong buhok na itim-na-itim.Magaganda’t mapupungay na mga mata ,mapupulang labi at nakakapa-walang pagod kung ngumiti. Mayroon itong kumikislap na bagay na nakapaligid sakanya ngunit di ko mawari kung ano iyon...Namalayan ko nalamang na nasa tabi ko na pala ito at sinabing:
“Anak ko. Mahal na mahal kita.. Tandaan mo yan . Ipagpaumanhin mo kung kailangan mong sumunod sa aking mga yapak pagdating ng panahon .. Sana maging isang mabait kang essere . Tandaan mo, mahal na mahal ka ng iyong merre at pere, hindi kita pababayaan ,di kita iiwanan,Andito lang ako.Mahal na mahal kita.”
“Sino ka?! At anong pinagsasabi mo??!! Hindi kita maintindihan !!An—HOY BUMANGON KANA--“
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang pinakamamahal kong nanay ..
“Babae !! Magluto kana ng pagkain ko!! Di mo ba alam na kanina pa ako gutom na gutom?!! ..WAG KANG TATAMAD-TAMAD!! “-Mama
Bumangon na ako at binilisan ang pagkilos. Nagluto na rin ako ng almusal namin ni nanay. Alam kong hindi nyo wari kung anung pinagsasabi nya .. Oo,alam kong may pagka-masungit si nanay ,at di nya ako tinatrato ng maayos ..pero kahit ganoon man ,mahal na mahal ko parin sya .. Alam ko naman kung bakit naging ganoon nalamang ang trato nya sakin .. Yun ay dahil sa kasalanang nagawa ko..
‘Nanay ,andito na po ang pagkain nyo. Kumain na po kayo’- Sulat ko .
“Yan na pala e.Sige na’t lumayas kana sa harapan ko! Kakain na ako’t ayoko ng istorbo!”
Hay ..umalis na ako roon at dumiretso na sa aking silid .. Nag-aayos na para sa pagpasok ko nanaman mamaya sa eskwelahan . Nasa ika-4 taon na pala ako sa ‘High School’ ..Nagaaral ako sa Divine Academy .. 15 anyos na din ako,magsi-sixteen 2 weeks from now..
BINABASA MO ANG
Finding the Real Me:My Journey to Reality
FantasyMystic is a silent-type girl.Madalas ,di nagsasalita .Ang dahilan nito ay ang paniniwala nya na sya ang malas sa pamilya nya .Pano kung malaman nyang ampon lang sya at hindi totoong anak ng tinuringan nyang magulang nya ? Pano pa kaya ang mangyayari...