(Thriller) Gateway to Death

831 27 9
                                    

Foreword: This book will contain my entries on different writing contests since 070120. Expect diverse themes, mature contents, tear jerker subjects, campaign or my purpose for every content, and twisted plots. Enjoy! I am no pro, but rest assured I did my best and gain layers of eyebags because of this. Don't forget to leave feedbacks for each, for my improvement and hit the vote if it deserves it. Tata. (Images I used is not mine. No copyright infringement intended. Credits to all the rightful owner.)

----------

Signmate Writerhood 200-300 words entry. This is awarded as 1st place/champion (yieeh), with 30 worth of load, account, and 15 aesthetics. Comments of the judges will be posted at the comment section. Drop yours too, after.

----------

"Gateway to Death"

"May aliens! Bi-bitiwan niyo ako, kailangan kong iligtas ang pamilya ko!" malalakas na pagsisigaw ko. Ramdam ko ang lamig ng metal na nilagay nila sa akin.

Pilit kong hinuhuli ang tingin ng mga lalaking nakaitim. Naghahanap ng eksplanasyon sa nangyayari.

Nagising na lang ako sa isang masikip na silid, may napakalaking ilaw sa gitna. Gumagalaw ito pa kanan at pa kaliwa, na nagpapahilo sa akin.

Nasaan ako? Kailangan kong bumalik. Ang pamilya ko.

"Ilabas niyo po ako rito! T-tulong! Parang-awa niyo na, ang pamilya ko," nahihintatakutang pagmamakaawa ko.

Biglang may isang 'di mawaring anyo ang biglang lumitaw mula sa pinto na may katabing salamin. Damit niya'y kulay berde, may bagay sa kaniyang balikat na kumikinang, at ang mga mata niya ay nakakatakot. Seryoso, purong matiim at puno ng awtoridad.

"Nasaan ka ng gabi ng alas diyes? Sumagot ka!" malalim na sigaw nito. Naglabas pa siya ng mahabang pamalo na nagpakain sa akin sa takot.

"H-huwag niyo po akong saktan. Ang pamilya ko... iligtas niyo sila sa mga aliens. May aliens, papatay sila. Papatayin nila tayong lahat," pagsagot ko at saka pumalahaw ng iyak.

Napakagat ako sa aking maruming kuko sa daliri. Napasabunot sa sarili at 'di mapakali.

Wala na. Wala ng tutulong sa akin. Mag-isa na lang ako. Papatayin nila kaming lahat.

"Bata, walang aliens. Tumingin ka sa akin," aniya, "nakikita mo ba itong mga hawak ko?" sabay taas sa paborito ni Mama na kutsilyong pang-luto sa bahay. Nakalagay ito sa supot ng plastik. Nababalot ng dugo.

"Mama..."

Sa aking pulang lutang na mata, bumalik ang lahat. Ang sigawan, bantaan at takbuhan sa bahay. Ang amoy ng malalansang dugo, saka ako nagwala sa takot.

"Hindi ito totoo! Aliens... niligtas ko lang naman sila laban sa mga aliens. Hindi ko po sila pinatay."

♡♡♡
Edited

Message: Bawal na gamot talikuran, kung ayaw mo pati iyong minamahal sa buhay ay mawakasan.

[Side Note: Sa tingin niyo, effective ba? Nakuha niyo ba lahat ng palatandaan? Sulit ba ang 300 words? Pahingi pong komento o advice sa baba. Masaya talaga ako ngayong 26-27, hakot awardee po tayo.

Note 09112020
Nag-first na naman ito sa weekly activity of Shibo WEG, so happy for this piece.]

Coffee, Tea, or Ice cream?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon