VI

17 1 0
                                    



Kasalukuyang nagbabasa ng libro si Allie sa paborito niyang pwesto ng Library, nawala na rin naman ang kanyang nilagay na post-it. Mukhang kinuha na nga ito nung lalake kahapon.

Basa-basa pa rin nito ang libro na pagmamay-ari ng binata at binabalik-balikan niya ang mga pahina na gustong-gusto niya.

"Hahahahamp." Napatakip ito ng bibig para matigilan ang pagtawa.

"Is the book really funny?" agad na napatingin si Allie sa biglang nagsalita.

It was the guy from yesterday, may suot itong maroon knitted cardigan at white shirt na pinartneran pa ng fitted pants at blucher mocs shoes, paano nalaman ni Allie ang kasuotan nito? Di niya alam, ang alam niya lang gwapo itong manamit na bumabagay sa mukha nito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kasalukuyan itong nakahalukipkip habang nakasandal ang kanang balikat nito sa may shelf, ngumisi ito at iwinagayway ang libro ni Allie.

Tumayo naman si Allie at lumapit dito ng kaunti.

Tiningnan nito ng mabuti ang libro na pagmamay-ari ni Allie, "Aren't you a bit too old for this? May book 2 ako if you like?"

Tinaasan siya ng kilay ni Allie at inirapan niya ang binata at humalukipkip din, "Aren't you a bit too old for this, too?" at tinaas ang hawak na libro na pagmamay-ari ng lalake.

He smirked. "Just as what I have expected. You'll be these typical kind of person with a blunt personality, with a look that says I don't care about anything at all."

She laughed sarcastically tila ba nabasa na siya nito.

"So?"

"Wala lang." at natatawa itong umiling.

"Amin na." akmang kukunin niya na ito nang itaas ng lalake ang kamay na may hawak nito at tiningnan lang siya ng masama ni Allie. 

"Amin na kase!" inis niyang bulyaw at pilit na inaabot ang libro, hinawakan niya sa may balikat ang lalake at pilit na inaabot ang libro ngunit tumingkayad pa ito para di niya maabot.

"So bakit Noli Me Tangere?" tanong nito sa kanya.

Walang gana siya nitong tiningnan, "So bakit Joke book?" ganti nito.

Maririnig ang papalapit na yabag ng takong, napasinghap ang librarian at tumikhim. "Shh... dating is not allowed in here. Sa labas kayo maglandian." Biglang suway ng matandang librarian.

Nanlaki ang mata ni Allie nang mapagtanto ang ibig-sabihin ng librarian.

Ang pwesto nila kasi ngayon ito yung katulad din sa mga eksena sa isang library sa mga palabas... nakasandal ang lalake sa bookshelf nakaangat ang kanang kamay na may na libro niya habang si Allie naman ay nakahawak sa balikat nito tumitingkayad pilit na inaabot ang libro, ngunit kung iba ang makakakita mukha silang couple at si Allie ay mukhang nobya na sabik halikan ang kanyang boyfriend dahil na rin sa lapit ng kanilang mga mukha sabayan pa ng pagnguso niya.

Love? What for.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon