VIII

27 1 3
                                    

A/N:

May malignong nanggugulo sakin... cute daw po siya -__-

napilitan lang akong mag UD, next Wednesday pa sana... I dedicate this chap kuno kay @bluecupcakes143

geh.

----

KASALUKUYAN...


"Allie tapos ka na ba?" katok sa kanya ng kaibigang si Claire.

"Wait." Sigaw niya, kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok at bihis ito, mukhang may pupuntahan, bago pa niya makalimutan hinablot niya na ang kanyang bag.

Lumabas na ito at bumungad sa kanya ang kaibigang si Claire na may nakalagay pang facial mask sa kili-kili, chos malamang sa mukha.

"Teka! Kala ko ba sasamahan mo ko?" nagtatakang tanong nito sa kaibigan.

"FYI bes, sabi ko sayo papasamahan kita di ko sinabing ako ang sasama sayo." Inirapan lang ni Allie ang huli.

"Di sige na lang jeep na lang ako." nagtungo na ito sa sala nang nakahalukipkip, nanlaki ang kanyang mata nang makita ang isang nilalang na kasalukuyang nakapikit at may suot na headphones take note naka dekwatro pa ito.

Binalikan niya ang kaibigang si Claire na ngayo'y nasa nakabukas na CR at kakatanggal lang nito ng facial mask. "Anong ginagawa ng ungas na yan dito?!" singhal niya.

Walang gana siya nitong nilingon at ngumisi tila nang-aasar. "Sasamahan ka niya malamang."

"Dapat kasi di mo na pinahiram kay Jazz yung sasakyan eh." Sisi pa nito.

"Aba malay ko bang may lakad ka rin ngayon." Deadma nito.

"Pero ba't nandito yan?! Of all people you want me to be with that Jerk?!" reklamo pa niya.

"Hep! Wait, lang ha baka nakalimutan mo yung pinagkasunduan natin the moment na pinayagan kita sa gusto mo."

Tiningnan lang siya nito nang may pagtataka at tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.

"baka nakalimutan mo yung pinag-usapan natin sa coffee shop." Paalala pa nito.

"Alin dun? Yung pangalan mo bang 'JOSEFINA CLARITA'?" inosente nitong sagot.

"Gahhd! Stop reminding me of my ancient name!!" singhal nito.

"Sinabi ko sayo na once I set you up, wala nang urungan." Paalala nito.

"Di naman ah, sumulpot naman ako sa date." At tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.

"You know what?! Napaka baby mo talaga eh ano!" at marahas itong napakamot sa kanyang pisngi.

"Oh gosh! Kasalanan mo 'to. Kakalagay ko lang ng facial mask eh, nakakahigblood ka gurl!" At agad itong tumingin ulit sa salamin at naglagay na naman ng panibagong facial mask.

Nagtaas ng dalawang kamay si Allie bilang pagsuko.

"Anyway anong akala mo sa date, Parang 'Hi nice to meet you, I hope we don't meet again'? Isang beses lang ganun?!" sarkastiko nitong litanya habang kinakabit ang panibagong facial mask.

"What do you mean?!" asik nito sa kaibigan.

"What I mean our baby ampalaya is that, this will be your second date with him." Sabay turo sa nilalang na nag-iinat sa kinauupuan.

"Claire! Nagpapasama lang ako, di date ang pakay ko sa pupuntahan ko!" reklamo nito.

"Well, why not? Multitask na lang and I'm just being practical." At nagkibit-balikat ito.

Love? What for.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon