"Woahhh!!" hiyawan ng mga kalalakihan at pabiro pa siyang siniko ng mga ito.
"Isa ka pong dakilang hokage Sir! Este Tristan." kantyaw pa ni Ivan.
"Galawang Salazar! Mehnnn." Tila bilib ang mga kaklase ni Allie sa siniwalat ng kanilang dating propesor.
"Muling ibalik na ba this?" natatawa pang saad ng isa sa mga kalalakihan.
Inakbayan naman si Tristan ng mga lalake niyang estudyante, mukha silang mga lasing sa kanto, bigla na lang nilang inawitan ang guro. "~Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" with matching pasway-sway pa.
Natatawa na lamang si Tristan sa mga ito.
"Tigilan niyo na nga si Sir." Suway ni Jay sa mga kasama.
"Ok. Guys your turn." Napangisi naman ang mga ito dahil gusto nila talagang itarget si Allie.
---
3rd round na at sa kabutihang palad ay di pa naman nabibiktima si Allie, ang pinili kasi na item ng mga kalalakihan ay isang bracelet dahil ito naman ang suhestyon ni Tristan kanina.
Nagpa-sorry naman ito dahil akala lang daw talaga niya na kay Allie ang bracelet gayong kay Jana pala iyon.
Ngunit huwag kayo sa kaloob-looban at kaibuturan ng kukote ni Tristan ay ngiting tagumpay ito at sinadya niya lang iyon dahil alam niya naman na dati pa lang ay hindi naman talaga masyadong nagsusuot ng charm bracelet si Allie.
This time si Tristan na ang magtatapon ng bola, nawawalan na ng pag-asa ang mga kalalakihan dahil di pa rin nila mapunterya ang baso ni Allie.
Tiningnan niya muna si Allie at ang pwesto nito.
Napangisi siya kung kanina'y nagdadalawang-isip siya kung nasaan ang baso ni Allie ngunit ngayon parang siguradong-sigurado na siya.
Tumikhim muna siya at nilingon si Jay na nasa kaliwang bahagi ng mesa mistula itong referee. "Oh can I ask something? Pwede bang yung baso ang piliin ko then tsaka sasabihin sakin kung ano yung item." Nangngiti nitong tanong tila naeexcite.
"Vice versa will do." Sagot nito sa kanya.
"Iba talaga pag Salazar level na eh. Cunning." Tukso ni Ivan, nginitian niya lang ito.
"I'll choose that one." Sabay turo sa baso na nasa pinakahulihan right most part, kung nasaan kanina pa nakapwesto si Allie aakalain mong nagbabantay ito ng teritoryo.
Nakita niyang napaawang bahagya ang labi nito, tila natigil ang dalaga. Nag-angat ito ng tingin at sinalubong naman ni Tristan ang mga mata nito at itinaas niya ang kanyang kanang kilay. Nakita niya na bigla siya nitong sinimangutan at ang paghalukikip nito. Galaw pa lang nito, alam niya na.
Pinulot ni Jay mula sa lalagyan ang isa sa pinakamaliit na item, tuso rin pala itong si Allie sa binigay niyang item dahil napakaliit nito at hindi rin kapansin-pansin, akala niya pa naman makakatakas siya pero napakaimposible nga pala nun lalo na kapag isang Tristan Salazar ang makakalaban niya. "Hairpin." Sabi ni Jay.
"Woah!! We have another cunning one here!" hiyaw ni Ivan dahil ngayon lang nilang lahat nakita ang item na ito.
Please, di naman niya siguro mashoshoo- di pa man nagtatapos sa pagdadasal si Allie ay naghiyawan na ang lahat, opo nashoot ng walang kahirap-hirap ang bola
"Who owns this?"Dagdag pa ni Jay.
Tumikhim si Allie. "Mine." Agad naman siyang hinatak ni Jana para pumwesto sa kabilang dulo ng mesa para makaharap nito ang magtatanong sa kanya, si Tristan.
BINABASA MO ANG
Love? What for.
Humor"Love? Fvck that senseless four letter word!" While she doesn't see the benefit of having one, her friends were the opposite. Jazz has Rich Claire has Lee Allie? She doesn't care. Allie always had this unpopular opinion about love, while e...