Padabog na sumalampak sa couch si Allie, halos di maipinta ang nakabusangot
niyang mukha.
Bigla namang nagbukas ang pinto ng kanilang main door hudyat na andyan na ang kanyang mga kaibigan. Nilingon niya ito. "Ahahaha!" humahalagapak sa tawa si Claire habang sinasabunutan nito si Jazz sa pagkakagigil, si Jazz naman ayun busy pa rin sa pagkain ng siopao.
Nanggigigil na kinuha ni Allie ang isa sa mga unan sa couch at agad itong tinapon sa natatawang si Claire. Sapul! "Aray ko! Nyemas naman Amps!" bulyaw nito sabay punas ng tumalsik na piraso ng kinakain ni Jazz.
"Ako dhapat." Protesta ni Jazz ngumunguya pa rin ito ng kinakain niyang siopao, tiningnan siya ng dalawang kaibigan nang makita niyang nasa kanya na ang atensyon ng mga ito ngumawa siya. "Aray ko!! Huhubels, kainis ka Allie bebe." Reklamo pa nito at nagdadabog, nagmintis kasi ang pagtapon ni Allie at tumama ito kay Jazz dahilan para maibuga niya ang kinakain na siopao kay Claire.
Mas nag-init ang ulo ni Claire at nalipat ang kanyang pagkainis sa kaharap, binatukan niya ito. "Naku! Bilib na ko sa pinsan ko ha!" napansin ni Allie ang pamilyar na kasuotan ng dalawa pati na rin ang suot na heels ni Claire. Dapat pala sinipa ko na siya kanina doon sa istasyon, isip niya.
"So..." biglang sabat ni Allie.
Napatingin naman sa kanya ang dalawa.
"Anong ginagawa niyo sa Baclaran?" tila nagpipigil din ito ng inis.
"Ahh, yun ba Bebe? Ito sabi niya masaya daw maging secret third-wheel, mag-ssail daw kami ng bagong ship." Laglag ni Jazz sa tunay na salarin, nanlaki naman ang mata ni Claire dahil napag-usapan na nila kanina na walang laglagan.
"Galing ni Kuya Ernie diba! Yung mukhang sumo wrestler doon sa tren, kinilig nga kami sa ginawa ni Oli-" bigla namang sinubo ni Claire ang natitirang siopao ng kaibigan.
"Ang daldal mo ha?!" halos sungalngalin na nito ang siopao sa kaibigan.
"W-wala Allie... Nag-ala chaperone lang po kami." At nag-peace sign pa si Claire.
"Kaya pala!" at marahas niyang ginulo ang kanyang buhok nang maalala ang nangyari kanina sa Baclaran.
----
Balik-tanaw
Kasalukuyang kumukuha ng mga litrato si Allie sa labas ng Baclaran Church samatalang si Oliver naman ay nakalupasay sa isang tabi habang nakikinig sa kanyang tugtugin, tinatamad nitong sinusulyapan ang mga dumaraan. Katulad din kanina, pinagtitinginan na naman siya ng mga tao ngunit ang lahat ng kanyang atensyon ay naka'y Allie lang binabantayan niya ito dahil baka takasan na naman siya nito.
BINABASA MO ANG
Love? What for.
Humor"Love? Fvck that senseless four letter word!" While she doesn't see the benefit of having one, her friends were the opposite. Jazz has Rich Claire has Lee Allie? She doesn't care. Allie always had this unpopular opinion about love, while e...