Introduction

29 0 1
                                    

Star Falls, in-love!

By FudgeMunch

Sikat ako, sikat din siya.

Marami akong fans, ganoon din siya.

Artista ako, at magaling na artista din siya.

Updated ako sa kanya,,, pero siya kaya, updated din sa akin???

Stalker niya ako, pero siya sa akin, hindi.

Ganoon ba talaga pag na-in-love ka sa ka-loveteam mo???

Eto ang storya ko, ang storya na akala mo isinulat ng isang taong walang lovelife, pero meron naman.

Chapter 1

Nika’s POV

“CUT!!!” Malakas na sigaw ni direk.

Maagang natapos ang taping namin. And I’m glad na hindi ako nagkamali.

Hi! I’m Nika Marie.

Nika Marie ang screen name ko, pero Marie Jennifer Gonzaga ang tunay kong pangalan.

Isa akong artista.

Tama, a very in demand na artista sa mundo ng showbiz.

Artista at the same time, slash model.

Sa totoo lang, sa sobrang sikat ko, wala na akong mahihiling pa ngayon…

“MERON!”

,Ay nakuh po.

Nagulat ako ng sumigaw si Stefan.

Tumingin ako agad sa kanya, di lang ako, kundi lahat kami sa set.

Ng makita ko ang muka niya, natauhan ako.

Tulad ng isinigaw niya, “Meron”, meron pa nga na kulang sa buhay ko…

Siya.

Si Stefan, ang leading man/love team ko.

Siya na lang ang kulang at masasabi kong napaka-perfect ko na talaga.

Stefan Philip was one of the great, no, let me say this, the best of all the best leading man dito sa Pinas.

Professional at talagang serious sa mga binibigay na role sa kanya.

If he cries, everyone does.

If he’s happy, everyone goes insane. Can you imagine that?

Gwapo and very charismatic. Intelligent and elegant at the same time.

Hindi matatapos ang listahan ko ng magagandang traits niya.

Mga babae at kahit mga bading nagkakandarapa, at handang ipunas ang sarili nilang damit sa lalakaran ni Stefan.

Crazy fans nuh? But sad to say, I’m one of them. L

Sinuwerte lang naman ako na ako ang napiling maging ka-love team ni Stefan, hindi dahil sa maraming nagsasabi na bagay kami. Actually, maraming fans ang kontra sa love team na ito, kesyo hindi daw ako bagay sa kanya at pinapababa ko daw yung level ni Stefan.

Pero after mailabas yung previous movie namin na “FAULT”, mukang mas lalo silang nabaliw sa kanya, at hindi na sila nag-react sa pagiging love team namin. Tutal naman daw, magaling naman daw ako umarte at hindi ko nadudungisan ang acting skills ni Stefan. Kaya ayun, nagkasunod-sunod na ang mga projects naming dalawa, na nasundan ng mga commercials at mga interviews.

Hindi mo kami makikita na magkahiwalay sa mga shows namin. Kung hindi kami magka-holding hands, magkahawak kami sa baywang, or nakaakbay siya, in which sa isip ko, kilig to the bones na ko, pero that was called an ACT. Arte lang, para sa career naming dalawa.

Star Falls, in-love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon