Chapter 5

8 0 0
                                    

Chapter 5

Eto na yun Nica, go go go lang! kaya mo yan! Tyak na kakausapin ka lang naman niya about sa plano niyo. Hwag ka nerbyosin, kung may gawin man siyang masama saiyo, madami naman tayong knife sa kusina-

Muli eh, pinigilan ko na ulit magsalita si inner thoughts ko. Grabe naman kasi siya makapag-conclude. Gagawing masama agad? Di ba pwedeng maguusap lang? Masyadong advance mag-isip kasi eh! Kainissss!

Nandito ako sa kusina at hinihintay na lumambot ang pasta na niluluto ko, hindi parin ako mapalagay. Ang alam ko cooking is my way of easing my tension. Kaya kapag may mga interviews or live guesting, magluluto ako ng kahit ano para mawala ang kaba ko.

Pero gurl, ibang bagay ‘to! Si Stefan ‘to nuh!???

Alam ko naman ang sinasabi ni inner thoughts eh, si Stefan nga ‘to. Kaya nga ako kinakabahan eh, dahil pupunta siya dito sa condo unit ko na hindi man lang niya sinabi kung bakit.

It’s been 20 minutes since na i-text ko sa kanya ang buong address ko. And for what I know, it will take 30 minutes from his place until dito. Depende pa kung may traffic or wala.

Habang tumatagal, lalo nangangatog ang kamay ko. Ang lamig. Masyado bang malakas ang aircon ko ngayon?

Habang pumipitik ang kamay ng wrist watch ko, parang lalo akong nahihilo. Alam niyo ba yung feeling na parang masakit ang tyan mo at nadudumi ka? (Forgive me sa word) at parang may mga lumilipad sa loob ng tyan mo na hindi mo alam kung ano? Shuckssss.. Kabado talaga ako..

Nag-focus na lang ako sa paghahango ng pasta noodles at paglalagay nito ng neat sa dalawang plato. Kahit naman biglaan ang pagpunta niya dito, hindi ako pwedeng ma-shock na lang at hindi mag-prepare ng kahit ano, para hindi naman nakakahiya.

Kumbaga first time ‘to.

Oh my,,- natigilan ako, oo nga, first time nga ‘to! 

First time ko din na magpatuloy sa bahay ko ng isang lalaki.

Namula ako na parang sauce na niluluto ko. Nag-init ang muka ko at lalong nadagdagan ang nerbyos na nararamdaman ko.

Hoo.. hoo.. hoo.. inhale, exhale.. inhale, exhale.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko, pinipilit maging relax at magkarun ng lakas ng loob.

Nauwi nanaman ang isip ko sa maaaring pagusapan namin.

Paano kung totoo yung gusto niyang mangyari? Malabo gurl.

Paano kung palabas nga lang talaga ang gusto niya mangyri? Well, mas malinaw yan, Nica-gurl.

Whaaaaaahhhh!!! Ayaw tumahimik ni inner thoughts!!

Parang tumalon naman ang puso ko ng tumunog ang doorbell ng condo unit ko. Lalo nanaman akong nangatog.

Dali-dali kong tinanggal ang apron na suot ko at patakbong pinuntahan ang pinto, dahil naka-dalawang pindot na siya ng doorbell.

Waaaaahhhh, tagal kong nakatanga un. >_<

Pagdating ko sa may pinto, huminga muna ako ng malalim ng dalawang beses, at naisip na, it’s now, or never!

Binuksan ko ng bahagya ang pinto.

Nanlaki ang mata ko.  O.O

Isang lalaki na nakajacket na leather at may malaking salamin na itim sa mata ang nasa harap ko.

Ilang Segundo bago ko napansin ang features ng muka nito.

Si Stefan!

Tinanggal naman nito ang salamin niya.

Star Falls, in-love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon