Chapter 4

5 0 0
                                    

Chapter 4

Nica’s POV

“Text me later, after ng talk show.”

Naiwan ako na parang tanga sa loob ng dressing room ko. Nakanganga pa ako. Sheeeemmmmaaaayyyyyy.. ibig niya bang sabihin na makikipag-textmate na siya sa akin? Annnnnnnggggg lllaaaaabbbbooooo!!! Kulang na lang lamukusin ko ang muka kooooo.. shooooocccckkkksss!

~.~

Napa-upo na lang ako sa stool chair ko. Parang naging jelly yung mga binti ko. Dahil ba minsan lang ako kausapin ng ganun ni Stefan? Bakit parang may kakaiba sa kanya?

Tinitigan ko ang hand writing niya,, ang ganda at ang ayos… Sus, pati penmanship in-love na ko.. anu ba yan?

Talaga bang binigay niya yung number niya?

Isang malaking, BAKIIIIIT???

Nandito na kami sa talk show ngayon. Scripted naman kasi yung iba dito, pero ilang beses na akong nautal at hindi makasagot ng maayos sa host, mabuti na lang sinasalo ako agad ni Stefan, na hanggang ngayon awkward parin ako sa kanya.

Dagdag pa, na ngayon ay nakaakbay siya sa akin.. Oh my,,,

Wala naman sa plan kanina ‘to eh. Bakit may paakbay-akbay pa???

Im starting to go crazy na talaga ng biglang may itanong yung host ng talk show kay Stefan.

“So, may chismis na nililigawan mo daw si Nica, Stef.”

Nagsigawan ang mga fans at lahat ng tao sa studio. At kilig na kilig naman ang host. Whaaaattttaaa? Although may chismis nga na ganun, kaso,,

Lahat ng camera nakatutok kay Stefan. Hinihintay ang isasagot niya.

Tumingin si Stefan sa akin, na ngayon lang niya ginawa, well pati sa movie ginagawa niya yun, pero this time,, hindi naman scripted ‘tong tanong na ito eh… wala kaya yun sa list ng mga dapat itatanong sa amin.

Kahit si Karen, napatayo na lang sa upuan niya, shock at naghihintay sa sagot nito.

“Well it will not be a rumor anymore.. Because, I’m going to ask her first if I can court her?” pagkatapos niya sabihin yun, ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa akin.

Parang nabingi naman ako sa lakas ng hiyawan.

At sa lakas ng pintig ng puso ko, mas nabibingi pa ko sa puso ko ngayon. ‘rang tanga lang, may nabibingi ba sa pintig ng puso???

Totoo ba yung naririnig ko? Di nga??? Joke ba ‘to?

Natingin ako sa mga guest ng show, nakita ko din si Karen na sumisigaw, “Nicaaa, sagot ka na!!”

Saka ako natauhan na tinatanong pala ako ng host.

“Ahahaha, mukang shock siya at hindi inaasahan ang sagot ni Stef. Okay, I’ll repeat it, papayag ka ba na manligaw si Stefan sa iyo?”

Aaaaaaayyyyyyyyyyyiiiiiiiiiieeeeeeeee!!! Tuloy na sigaw ng mga tao sa paligid!

Tumingin muna ako kay Stefan.

At parang nabasa ko ang gusto niyang isagot ko.

Pumayag ka, para sa career natin ‘to.. parang yun nga.

Tulala naman ako na napatango na lang sa host.

Nagsigawan nanaman lalo ang lahat sa paligid ko.

Hindi ko maintindihan, pero parang nanlambot ako sa sinabi ko at sa plano niya. Bakit ganoon?

Pati ba ang magiging first love life ko, scripted din??? ~~, labo talaga ng nararamdman ko.

Lalo pa akong naloka, ng may isa pang itanong yung host.

Star Falls, in-love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon