Chapter 7
Nica’s POV
“You’re both crazy! Considering that scheme!”
Galit na talaga si manager George.
Nandito kami ngayon sa condo unit niya. Kasama ko si Karen.
Sinabi na kasi ni Stefan ang mga plano niya, at gaya ng inaasahan ko, hindi pumapayag si George dito.
“And Nica, bakit ka naman pumayag?!” si George.
“Oo nga Nica, hindi ko ine-expect na papasok ka sa ganitong sitwasyon. Ikaw na ang may sabi nun na ayaw mo magpanggap sa mga fans mo. Na gusto mong maging totoo sa kanila” Sinabi ni Karen habang nakatingin silang dalawa sa akin.
Bakit nga ba?
Bakit ako pumayag dito?
Hindi ko sila masagot. Kaya yumuko na lang ako.
“Don’t harass her with your questions. It’s my idea. At pumayag lang si Nica dahil sinabi ko na para narin sa career namin ‘to.” Ang sabi ni Stefan.
Si Karen napailing na lang, si George out of frustration, tumayo at lumakad papunta sa bar niya sa kabilang side ng kitchen. Dun nagbuhos siya ng alak sa isang baso at straight na ininum.
“Hey, it’s not a bad plan. I can’t see anything negative about it! In fact makakatulong pa nga yun eh!” pakikipagtalo ni Stefan.
“It’s not that, Stefan. Paano na lang kung may makaalam na peke ang lahat? Parehas lang kayong mapapahamak.” Sabi ni Karen.
“At isa pa, it’s been a practice to the showbiz world na kapag may bagong movie ang magka-love team, they will go on a relationship at pinapalabas na nagka-developan on shooting para mabenta. And I don’t like the idea of you both engaged on that situation. Bata pa kayo pareho.” Tumingin sa akin si George.
“Nica is still not on the right age para magka-boyfriend.”
Oo nga pala, hindi ko naisip na hindi pa pala ako nagde-debut. Pansamantala akong nahiya. Kasama kasi sa contract ko na bawal pa akong magboyfriend hanggat hindi pa ako 18years old.
Tumayo bigla si Stefan.
“That’s why I said I’m going to court her. Hindi naman agad-agad na kami na.” Para na siyang naa-upset.
Walang nagsalita kahit na isa sa amin. Nagpapalitan naman ng tingin sa amin nila Karen si Stefan. Napapailing pa din si George. Si Karen naman mukang disappointed sa akin. Hayyyy.
“George, please. I already made the first step. Kaylangan ko na lang ng tulong niyo ni Karen.”
Bumuntong-hininga ng sobrang lalim si George. Tumingin siya sa akin, tapos kay Stefan. Halata mong nagiisip siya kung ano ba ang dapat niyang gawin.
“If you’re that desperate enough. Ikaw ang bahala. Pag-uusapan namin ito ni Karen.”
Ngumiti na lang ng alanganin ni Stefan.
“Thanks George!”
Iniwan muna namin ang dalawang manager para magusap.
Nasa balcony kami ni Stefan at parehong tahimik.
Pasilip-silip pa din siya sa dalawa.
Ako, eto at nagiisip nanaman. Tama ba na hinayaan ko na pasukin ang ganitong sitwasyon? Alam ko na hindi tama na magsinungaling sa mga fans. Pero,, kasi,,
“What do you think?”
I suddenly pulled out on my own trance ng magtanong siya bigla.
“A-about?” tumingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Star Falls, in-love?
Teen Fictionyou're really inlove with him, and that means, you have to do anything or everything FOR HIM. no matter what it takes. Nica is an artist and so he is. alamin kung paano niya ipaglalaban ang feelings niya sa kabila ng mga kaplastikan at gulo ng showb...