Chapter 9
Nica’s POV
Matapos naming ibigay ang papel kung saan kami pumirma ni Stefan, ipinilit ni Ate(tindera) na bigyan kami ng dalawang animal caps na nilalako niya. Ayaw sana naming tanggapin kaso wala na kaming nagawa, kasi tinakot niya kami na kapag hindi namin tinanggap yun, sisigaw daw siya at pagkakalat na nandito kami.
Takot lang namin. >.<
Nakasuot sa akin ngayon yung kulay pink na bunny cap tapos nakashades pa ko. Si Stefan naman nakasuot ng kulay green na crocodile cap, bumili din siya ng transparent na eyeglass na wala naman grado. Ang cuuutttteeee..
Matapos namin kumain ng dinner sa isang sizzling house, nag-umpisa na kaming maglibot at sumakay sa mga rides.
Kung ide-describe ko ang gabing ito, PERFECT.
Ang saya-saya, parang nakawala kami sa mga mascara namin. Ironic kasi ngayon nakamaskara kami, ehe!
Parang hindi nga kami nagpapanggap eh. Kasi totoo yung mga ngiti ni Stefan. Hindi yung pigil. Hindi yung siya na tulad na nakikita ko noon na napaka-stern-look, hindi nag-i-smile.
And I felt that I somehow entered his world.
Breakthrough!
“You’re not tired?” tinanong ako ni Stefan after namin sumakay ng pang-4 na beses sa Star Flayer. Take note, 4x kami sumakay dun, at hindi kami makuntento. Halos lahat ng rides na sakyan namin. Natawa ako ng tinatanong niya ng paulit-ulit kung hindi ba ako nahihilo. Eh hindi naman talaga ako nahihilo sa mga rides, laking perya kasi ako. Hahaha.
Umiling ako, “Hindi pa naman. Ikaw ba?”
“Grabe ka hah? Di ka pa napagod sa dami ng rides na sinakyan natin?”
Pareho kaming naka-upo sa isang bench ngayon at may hawak na drinks.
Tumawa na lang ako. “Bakit ikaw ba?”
Ewan ko ba paano ako nakakakilos ng normal sa harap niya, sana ganito na lang palagi.
“Medyo. Pero enjoy naman.”
Nakatingin ako sa kanya. Hayyy. Para akong die-hard-fan niya na sinusundan bawat galaw ng mga kamay niya.
Ngayon nakita ko na hinawi niya ang buhok niya pagkatapos niyang tanggalin ang cap, at shoocckksss, ang gwapo talaga niya, sobra.
Bakit ba para siyang prince charming na naghihintay ng prinsesa na magdadaan sa harap niya ngayon?
Ngayon lang rumehistro yung sinabi niya sa akin, enjoy daw siya. Hay, salamat naman.
Napangiti na lang ako, at ramdam na medyo nagbu-blush.
Bigla siyang tumingin sa akin.
“Hey, don’t be so shy now.” Nakita ko na nakatingin pala siya sa akin.
“Hi-hindi kaya!” nagulat naman ata siya sa reactions ko.
“I can see that.” Bahagya siyang natawa sa nakita niya sa akin. hindi ko maintindihan pero natawa nanaman ako.
“I’m not so used to hear you laugh.”
Bigla lang niyang nasabi.
“Siguro tumatawa din yung boyfriend mo kapag tumatawa ka, kasi kahit ako natatangay mo kapag humahalakhak ka eh.” Sabay tingin niya sa akin na naka-awkward smile, pero parang malungkot ang mga mata.
I felt the urge na dapat talaga ako magpaliwanag eh.
At nagulat ako sa ginawa ko, tumayo ako bigla at humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Star Falls, in-love?
Fiksi Remajayou're really inlove with him, and that means, you have to do anything or everything FOR HIM. no matter what it takes. Nica is an artist and so he is. alamin kung paano niya ipaglalaban ang feelings niya sa kabila ng mga kaplastikan at gulo ng showb...