Chapter 2

11 2 0
                                    

Chapter 2

Nica’s POV

Nandito ako sa sarili kong condo. At last nakauwi din. Tapos na din ang shooting namin sa Tagaytay. Yung mga susunod na shoot around Manila na lang.

Ang mama at papa ko ay nasa Italy, kaya bumili na lang ako ng condo para sa sarili ko tutal naman my parents stays there for good.

Simple lang naman ang kwarto ko eh, walang masyadong display or kung ano man. Shade of blue lang ang pintura ng ding-ding at ilang furniture’s. Isang dambuhalang cabinet para sa mga damit ko at isang cabinet din para naman sa mga sapatos.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, dumiretso ako sa study table ko.

Ilang picture frames kasama sila mama ang nasa table. Ilang libro din at iba pang mga gamit sa pagaaral. Ah, opo, nagaaral pa po ako.

Plano ko na nga sanang magpahome schooled dahil sa ilang mga fans, kaso ayaw pumayag ng manager ko. Isa pa, sa isang school kami nagaaral ni Stefan, hindi daw kami pwedeng magkahiwalay ngayon pa, kung kelan matingkad na ang career namin.

Ang awkward since hindi naman kami close ni Stefan eh. >.<

Habang hinahalungkat ko ang pouch bag ko, nakita ko yung cellphone ko.

Kinuha ko na may halong kilig pa.

Binuksan ko yun at pumunta sa gallery.

Makikita mo sa list ng mga albums:

Camera (79)     Selfie (25)     Dad mom (20)

Bluetooth (56)  Images (40)     S.i.y.a (45)

Pansin niyo? Yung S.i.y.a na album?

Tama po kayo, si Stefan lang ang laman ng album na yun.

Hayyyy..

Para akong tanga na nanginginig sa sobrang kilig.

Tinitingnan ko nanaman kasi yung mga stolen shots niya.

Yung umiinom siya ng mineral water sa set, yung nakatayo lang siya at nakasandal sa pader while listening sa iphone niya, naglalakad sa loob ng studio na kasama si George, nakafrown dahil nagkakabisado siya ng mga lines niya. Yung iba dito stolen at yung iba, sa official page pa niya ko nakukuha.

Umaasa ako kay internet para sa mga close up at nakasmile niyang pictures.

After ng kilig moments ko ngayon-ngayon lang, ibinaba ko na yung cellphone ko sa table at parang lantang gulay na sumandal sa upuan.

Bakit nga kaya hindi kami close kahit na magka-love team kami?

Galit kaya siya sa akin?

Ayaw niya ba sa akin?

Hayyyy..

Anu ba yannnn, nawiwiwli na ko sa kakabuntong hininga.

All those days watching on the windows

All those years outside looking at

All that time never even knowing just outline I think

Nagulat ako ng tumunog ang cp ko. Dinampot ko agad.

Karen Calling. . .

Ang manager ko, tumatawag.

“Hello, Karen, bakit?”

“Nica, dali, buksan mo yung tv mo.!!!” Halos pasigaw na sinabi sa akin ni Karen.

Sa taranta ko, madapa-dapa pa ako na lumapit sa flat screen tv ko sa may kanan. At agad kinuha ang remote at pinindot ito.

Isang balita ang lumabas sa tv.

Star Falls, in-love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon