Chapter 15

1.5K 45 1
                                    


 

24th of December, 2004. Friday. Medyo malamig ang gabing iyon kaya napagdesisyunan kong mag-jacket na kulay brown at tumambay sa water station na family business namin. Bakasyon ngayon at marahil ay busing-busi ang mga tao para sa pagsapit ng kapaskuhan. Nandun si Kuya Elmer, ang maasahang boy at helper ng family business namin. 20 years old siya noon at nakahinto ng tatlong taon after niyang grumradweyt noong high school. Nag-usap kami tungkol sa kalakaran at mga nangyayari sa negosyo namin para me idea ako kapag ako na ang namahala dito balang araw. Nang natapos ay binigyan ko siya ng regalo at binati ng Maligayang Pasko.

Nagtext si mommy sa akin at ipinag-utos na isarado ko ng maaga ang water station para makasama naman ni Elmer ang mga magulang nito ng maaga ngayon isang araw bago magpasko. Buti na lang at nandiyan si Kuya Elmer para tulungan ako. Mabilis naming nasarado ang water station at nagpasyang magpaalam siya sa akin. Hinawakan ko ang kanang balikat nito sabay ngiti na nangangahulugang sumasang-ayon ako. Hinintay ko munang umalis si Kuya Elmer sa harapan ko bago ako umalis at nagpasyang umuwi sa amin.

Pasko na nga at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Naka-jacket na ako ha, pero parang tumatagos pa rin ang lamig sa kailaliman ng balat ko. Hindi ko maiwasan na manginig habang naglalakad. Sa kalye ng Varona sa Tundo, napansin ko ang mga bata na nangangaroling, gamit ang improvised musical instrument na paniwala kong ginawa nila. Nakakaaliw sila. Hindi kong maiwasan na maipasok sa isip ko ang mga panahong pinagsamahan namin nina Cheney at Patrick Noong mga bata pa kami. Na-missed ko tuloy sila.

Sa itaas, napansin ko ang bahay nina Cheney ang gate nila na puno ng Christmas light na naka-pormang Christmas tree. Sa second floor nila ay ang parol na napakalaki. Matagal na nila iyong ginagamit simula pa pagkabata ko. Napansin ko si Cheney na nagbabalot ng regalo sa sofa nila malapit sa bintana sa labas kaya napagdesisyunan ko na wag muna siyang abalahin.

Agad kong naisipan na kunin ang CP ko sa bulsa ko at binuksan. Nakita ko na nagtext pala si Lei at mukhang gusto niyang pumunta sa amin, kaya nagreply ako at pinapunta ko siya. Sa labas, napansin ko si Daddy at mukhang busy sa pagluluto ng lechon sa harapan ng barangay hall kasama ang mga ka-constituents niya.

"♪Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako... Hinahanap hanap pag-ibig mo... At kahit wala ka pa, nangangarap at umaasa pa rin ako, muling makita ka, at makasama ka, sa araw ng Pasko...♪"

Iyan ang naririnig ko habang kinakanta ng mga tambay sa tindahan ni Aling Perla ang kanta. Biglang pumasok sa isip ko si Patrick. Buti na lang at hindi "Remember me this Way" ang kinanta nila kundi, nagwala ako sa harapan nila. Sa daanan, nakita ko si Joseph na kaibigan ko sa school. Niyaya niya akong pumunta sa kanila para sumalo sa darating na noche buena mamayang madaling-araw at pumayag naman ako. Pumunta ako sa kanila at nakita ang mommy nito, si Tita China.

Hindi ko na hinintay ang noche buena kaya napagdesisyunan ko na kumain ng maaga sa kanila. Pinaupo ako ni Joseph sa sofa nila at ipinaghain niya ako.

"Mukhang Masarap yan ah!!"

Nang ibinigay ni Joseph ang pagkain sa akin ay agad akong nagpasalamat. Niyaya din ako ni Joseph na mag-inuman sa kanila, pero hindi ako pumayag dahil ayaw kong malasing sa mga panahong iyon. Gusto din pala niyang iinvite si Nikol, Hiro at Lei kaso baka daw busy sila sa mga oras na ito.

Lumipas ang isa't kalahating oras at nagpasya akong umuwi na ng bahay. Hindi ko naubos ang mga kinain ko, siguro tama lang na ginawa ko iyon para makakain ako mamaya sa amin. Sinamahan ako ni Joseph pauwi sa amin at nang nasa labas na ng bahay namin ay agad na nagpaalam siya. May kailangan daw muna siyang asikasuhin at pagkatapos daw nun ay pupunta siya sa amin.

Pagkauwi, nakita ko sa loob si mommy na nagluluto ng ube halaya. Mukhang Masarap kasi habang nasa labas pa lang ako eh naaamoy ko na ang manamis-namis na panghimagas.

Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon