Makalipas ang isang taon, naging 3rd year high school na kami. Naging mag-close kami ni Lei at naging kabarkada namin siya. Si Gelo, nag transfer sa Catholic School at pinagbawalan nang magkita kay Michael dahil ang mommy niya mismo ang nakahuli sa kanila habang ginagawa ang kababuyan sa loob ng kwarto niya. Si Michael naman, lumagpak at naging section 5 dahil na rin siguro sa nangyari sa kanila ni Gelo na talagang dinamdam niya. Lumalayo sila sa amin kapag nakikita namin sila. Ok lang kahit kaming tatlo na lang ang natira sa magbabarkada at masaya na rin kami dun, sabay dagdag na rin sa buhay ko si Lei at si Cheney na pinakamamahal ko.
Minsan naging kakumpitensiya ko si Lei sa oratorical contest namin pati na rin sa essay writing contest at quiz bee. Well, angat siya ng konting puntos pero mukhang makakahabol pa naman kapag naging Mr. Junior ako sa Mr. and Ms. Lakanduleñan katambal ng GF ko.
August, 2003 noon, kalagitnaan ng pagrereview sa first periodical test nang niyaya ako ni Lei sa bahay nila para magreview. Nagtext ako kay Cheney para magpaalam hanggang sa dumating ang isang oras na hindi siya nagreply. No choice pero kailangan kong pumunta para makabawi kay Lei sa mga lamang nito sa akin.
Tumungo ako sa sakayan malapit sa kanto ng Pacheco St. at dun sumakay ng Jeep na ang ruta ay Sangandaan-Pajo-Divisoria papuntang Bulacan St. Medyo traffic at biglang nagtext sa akin si Lei para i-remind sa akin na kung sakaling dumating ako na wala siya, kailangan niya akong hintayin sa bahay. Ito yung first time ko na makakatuntong sa bahay nila. Excited ako noon.
Tumagal ng 30 minutes ang traffic na talagang kinasakitan ko ng ulo
dahil sa mga pasaway na colorum na mga tricycle sa gilid ng palengke. Nang nakita ko ang Bulacan St. ay agad-agad kong bumaba hanggang sa may kumalabit sa akin sa likuran.
"Hoy, saan ka pupunta?"
Nakita ko si Lei na nakasandong kulay puti at naka Jersey Shorts na puti din. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya noong mga panahong na-realize ko na gwapo pala siya kapag naka-sando. Mas ok pa kapag medyo lumaman siya ng kaunti sa akin.
"Punta ka sa Pampanga St. ayun ang 7-11 at dun ka dumaan, tas liko ka. Pagliko mo, hanapin mo yung 8th St. at pag me nakita kang kulay green na gate na mayroon Francisco Family na nakalagay, iyon yung bahay namin."
Hay ewan, parang ayaw kong makinig sa kanya. Parang nanaig sa akin ang pakiramdam ko nang nakita ko si Lei na nakasando at nakabukol ang alaga nito sa puting jersey short niya. Hanggang sa naalala kong bigla si Cheney, at kaagad na tinanggal ko ang pagapantasya sa binatilyo kong kaibigan.
"Hintayin mo ako dun ah!! Andun si Tita, pasabi mo, bisita kita!!"
"Sige!!"
Pumunta ako sa Pampanga St. at nakita kong kaagad ang 7-11, ayun nga at mayroon at tumungo ako sa sinabi sa akin ni Lei. Nakita ang 8th St. at ang medyo malaking bahay na 3 stories ang taas. Sa loob nakita ko ang nasa 37-39 years old na Tiyahin niya at kumatok sa kanila pagkatapos.
"Tao po.. Ako nga po pala si Jacob Inocencio, kaklase po ng pamangkin ninyo."
"Si Jacob ka, ah.. Sige iho, pasok ka."
Binuksan ni Tita ang gate na may halong tuwa sa akin. Agad kong tinanggal ang tsinelas ko at tumapak sa mala-marmol na sahig nito.
Sabay sa pagpasok agad kong kinilatis ang bahay nila. Mukhang kakaiba dahil puro muebles galing Saudi ang lahat ng gamit. May malaking carpet sa gilid ng dingding nila na parang Mecca ata yung theme na may nakasulat na Arabic Calligraphy tapos sa gilid ng sofa, nakita ko ang mga magazines at pati na rin ang mga photo albums.
"Sige iho, upo ka lang. Pakihintay lang si teng na dumating."
Ah!! Teng pala ang palayaw ni lei. Natawa naman ako dun!! Hindi ko pa talaga nakita ang ganitong bahay na akala mo nasa ibang bansa ka. Medyo may pagkakahawig sa bahay nina Cheney sa Tondo, pero mas angat pa rin ang ganda at mysteryosong Arabic Style na pamamahay nila.
BINABASA MO ANG
Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)
Roman d'amourAno ba ang pagiging bakla? Paano nasasalamin ang bawat kwento ng pagiging bakla? Halina't tuklasan ang hiwagang nababalot sa makamundong pagnanasa ng mga kabadingan at mga silahis at ng mga di sigurado sa sexualidad. Handa ka na ba? Written by I...