"In my life, Nagmahal ako ng isang tao. Bago pa si Cheney. Bata pa ako noon. Nakilala ko siya when I was lost by my mommy, piyesta noon ng Tondo. Tinulungan niya akong hanapin si mommy. Habang tinutulungan niya ako, naisipan niya na pasayahin niya ako kasama niya si Cheney kasi iyak ako ng iyak noon. Saglit lang iyon, pero para sa akin, iyon ang pinakamasayang araw ko simula noong ako'y namulat sa pagkabata. May binili pa ako sa kanila na singsing palatandaan ng pagiging magkakaibigan naming tatlo. After that, dumating si mommy kasama si father. Agad niya akong niyakap sabay kuha sa akin. Agad akong nagpaalam sa kanila, na kahit masakit sa akin ay tinanggap ko iyon. Naging malungkot ako pagkatapos ng mga araw na iyon. Kinabukasan pagkagising ko, may nakita akong pulang pajero at doon huminto malapit ng kaunti sa bahay namin. Tinignan ko iyon at sinuri kung sino-sino ang mga bago naming kapitbahay. Pumunta ako at nang nakita ko ay sila palang dalawa. Simula noon ay naging maganda at mas naging matatag ang pagkakaibigan naming tatlo."
"Nang makalipas ang ilang araw ay nakita ko si Patrick na umiiyak sa gilid ng bahay nila. Tinanong ko siya at agad niyang sinabi ang lahat-lahat sa akin. Agad kong kinompronta ang umaway sa kanya. Pinatulan ko, sinuntok, inaway ang mga taong umaway sa kanya. Nang umalis ay agad niya akong niyakap sabay hawak sa aking mga kamay. Nang sumunod ang mga araw ay naging mas nakilala namin ang isa't-isa, hanggang sa nahulog ang aming mga loob at nagpasiyang magmahalan kahit sa ganoong edad namin."
"Lumilipas ang mga araw at dumating ang panahon na kailangan na nilang umalis ng mommy niya. Nasaktan ako dahil ayaw kong mawala siya sa akin. Pinuntahan niya ako sa bahay at nagpaalam. Kasabay niyon ay binigyan niya ako ng kwintas dahilan para panghawakan ko ang pangako niya na mamahalin niya ako pagkabalik niya sa bansa, 3 taon pagkatapos. Lumipas ang mga araw na hinihintay ko siya. Kahit ang mga sulat at bawat pagdating ng kartero ay hinihintay ko para lang malaman kung me pinadala sa akin pero wala. Nagmukha akong tanga noong mga panahong iyon.. Lei, alam mo ba, iyon ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko!! Parang gumuho ang buong mundo ko noong nawala siya sa akin. Halos kalahati ng buhay ko ang nawala nang iniwan niya ako. Masakit sobra!!"
Agad akong umiyak ng di-oras. Hanggang sa humagulgol ako, palatandaan na hindi ko talaga kaya na I-kwento pa sa kanya istorya ng buhay ko. habang tumutulo ang luha ko sa pisngi ko, ay kaagad niya itong pinunas.
"Much have been said, kuya. Much have been said!!"
Agad na lumapit sa akin si Lei at kaagad niya akong inakap. Doon ako umiyak sa dibdib niya. Mas lumala.. Mas bumulusok..
"Hiss!! Calm down my big bro!! Minahal ka din ni Patrick!!" sabi niya sa akin habang hinihimasmasan ang likod ko
Agad niyang kinuha ang mukha ko at itinapat sa mukha niya.
"From now own, you'll never be alone, I'm here now and I'm going to keep those promises alive!!"
Napapikit ako. Na-realize ko na si Patrick ang nagsasalita sa harapan ko. Oo at tumindi ang pag-asa ko na makikita at makakasama ko si Patrick sa buhay ko. Agad akong hinalikan ni Lei sa labi ko, tulad ng nangyari sa amin kagabi. Ramdam ko ang init ng kanyang mga labi at ang hininga niya sa mukha ko. Ansarap ng pakiramdam. Parang sa tingin ko, dumating na sa buhay ko si Patrick, pero sa katauhan ni Lei. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa sa akin ni Lei. Sumandal si Lei sa uluhan ng kama niya at doon ay ipinagpatuloy ang paghahalik niya sa akin. Inilabas niya ang dila niya ng marahan sabay pinasok niya sa aking labi para galugarin ang loob nito. Hindi ako nagpatalo at binanatan ko din siya ng ganoong init ng halik.
"This is the right time for us to spend those wasted moments for both of us. I love you kuya!!"
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Lei sa akin, pero wala na akong pakialam. Sa pagkakataong ito, susundin ko ang puso ko. Tulad ng sinabi sa akin ni Lei.
BINABASA MO ANG
Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)
RomanceAno ba ang pagiging bakla? Paano nasasalamin ang bawat kwento ng pagiging bakla? Halina't tuklasan ang hiwagang nababalot sa makamundong pagnanasa ng mga kabadingan at mga silahis at ng mga di sigurado sa sexualidad. Handa ka na ba? Written by I...