"Jacob!! Kamusta!"
Si Jan. Tinawag niya ako habang naglalakad papuntang PLM. kinamusta niya ako. Nginitian ko lang siya. Napansin ko sa dibdib niya na nakatago ang necklace sa t-shirt niya na nakasulat ay "dao wears bench". Tinanong ko kung ako yung tinatawag niya. Gusto daw ni Lei na lumabas kami para magkaroon naman kami ng bonding kasi napapansin niya ang paglayo ko sa kababata niya. kinumpirma ko sa kanya na sasama ako.
Bigla akong ninakawan ng halik ni Jan. Halik daw yun ng pasasalamat. Kinilig ako pero hindi ko na lang yun pinahalata sa kanya. Umalis siya habang nilalagay ang malaking headphone sa ulo niya. Habang naglalakad, nakita ko si Gelo at sumabay ako sa kanya.
Nakakaasar ang second day ko sa eskwelahan. Agad kaming nag-exam sa Philippine Literature ng suprise. Hindi yun inaaasahan kaya bokya ako dun sa exam. Natapos ang subject ko na nakasimangot.
"Bawi ka na lang next time!"
Sabi ng kaklase ko, si Faith. Nagtapos siya sa Manila Science ng highschool at nakasalamin siya na tulad ni Lei. Mukhang matalino, pero kolokoy din pala siya tulad ko, bagsak sa exam. Napangiti ako sa kanya at sabay tapik sa balikat.
Natapos ang klase ko ng alas tres. Mahaba kung tutuusin pero ok lang. Tinignan ko ang CP ko kung may nagtext sa akin at meron nga. Binuksan ko ang inbox at nagtext sa akin si Lei.
"big bro. punta u d2 now! beside mapua. im hir with jan. ka2labas lng nmin. treat daw niya ulit."
Ui.. Treat! May kaya kasi si Jan eh. Varsity player siya ng Mapua at naging best player of the month ng kanyang sport. Agad akong pumunta para maabutan sila.
"Lei, tignan mo siya! Ang gwapo pala niya no?" Sabi ni Jan Kay Lei habang papalapit ako sa kanila
"Narinig ko yun! Ikaw Jan ah!! Bakla ka ba?!"
"Please.. Promise me you would never say this to anybody?! Sige, aamin ako, I'm in the closet. Yup you hear it right! Bisexual ako, discreet lang."
"Grabeh!! sa itsurang yan na gwapo, matipuno, maganda ang kutis, malalaman namin na you're just like us?!"
"Psst.. Baka may makarinig! Be careful to what you might have to say. Varsity ako dito and I don't want to ruin my name here just because of my identity."
"Sorry!!" sabi ko ng pabulong.
Tumingin ako kay Lei. Napagiti din siya. Parang me gusto akong sabihin kay Jan kaso baka magalit lang siya kaya nanahimik na lang ako.
Niyaya kami ni Jan na pumunta ng SM Mall of Asia. Kakabukas lang nun kaya kailangan daw kaming makapunta to experience something like that, pero bago muna ang lahat, kailangang samahan daw muna namin siya sa condo niya para kunin ang wallet.
Sa me likod ng SM Manila ang condo niya. Hati sila ng ka-boardmate na nag-aaral sa isang prestihiyosong pamantasan. Medyo maliit na kwarto lang kung tutuusin, pero dama sa maliit na condo ang lamig at preskong pakiramdam. Nakita ko rin sa loob ang picture niya nung nasa states pa siya. Gwapo na pala siya eversince! Naka-bonnet siya na printed ang watawat ng USA. Sa isang tabi, sa ibabaw ng kanyang study table, nakita ko ang violet na notebook. Medyo makapal ito at mukhang luma na. Nang bigla kong nilapitan ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Parang inuutusan ako ng sarili ko na basahin ang nilalaman ng violet notebook na nakapatong sa study table niya. Walang anu-ano ay bigla kong tinungo ang kinaroroonan ng notebook nang biglang..
"Kuya, saan ka pupunta?!"
Bigla kong narinig ang boses ni Lei. Tumingin akong bigla sa kanya. Hindi ko pala alam na kasama ko siya kanina pa, kaya dali-dali akong lumapit para sabihin ang dahilan kung ano ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)
Storie d'amoreAno ba ang pagiging bakla? Paano nasasalamin ang bawat kwento ng pagiging bakla? Halina't tuklasan ang hiwagang nababalot sa makamundong pagnanasa ng mga kabadingan at mga silahis at ng mga di sigurado sa sexualidad. Handa ka na ba? Written by I...