Zack
Kanina pa ako nakatago sa likuran ni Lucy dahil nga ang sama ng tingin sa akin ni pangit na Diwata,hindi ko alam kong naka alis naba siya kanina pa nga siya pinapaalis ni Lucy pero nagmamatigas pa din siya"Naka alis na si Aki,maaari ka ng lumabas diyan sa likuran ko" hay salamat namn at nkahinga ako ng maluwag, nakakatakot kasi yong itsura nong Diwatang pangit na iyon
Pumunta ako sa harapan ni Lucy para makita ang kagandahan niya,Napakaganda nya talaga.
"Lucy" tawag ko sa kanya
"Bakit"sagot nya
"A-ano" hindi ko masabi ang gusto kong sabihin dahil tinabunan ako ng hiya
"May gusto kang sabihin" tanong niya habang nakakunot ang noo niya
Gusto ko lang naman itanong kong pwede ko ba siya ligawan,pffff
"Ahh wala pala akong sasabihin"hehe wala naman talga eh."Gumagabi na kailangan niyo na umalis ng mga kaibigan mo dito sa gubat"pag iiba niya.
"Maaga pa naman ahh"katwiran ko eh maaga pa nga eh ang taas pa nga ng araw eh.
"Dalikado dito sa gubat kaya kong maari umalis na kayo,ihahatid na kita kong saan tayo unang nagkita"
"Eh paano ka dito wala kang kasama,paano kong may mangyari sa iyo dito sa gubat"Napakunot ang noo ko ng tumawa siya ng mahina.
"Isa akong Diwata,kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kong may panganib,pero kong kayo hindi niyo kaya dahil maraming mga hayop na mababangis dito lalo na kong pagabi na,kaya kong maaari umalis na kayo dito hanggat hindi pa kumakagat ang dilim" bigla naman ako kinabahan sa sinabi niya at bigla ko naalala ang mga kaibigan ko
"Teka,sandali yong mga kaibigan ko baka napaano na sila"
"Huwag kang mag alala sa kanila,nararamdaman ko nasa maayos na kalagayan sila,pero kong magpapa abot pa kayo ng dilim dito,hindi ko na masasabi na magiging maayos pa kayo dito" nanlaki ang mga mata ko
"Tinatakot mo ba ako Lucy,pero nasaan na nga sila,yong mga kaibigan ko,ibalik muna ako sa kanila,baka kanina pa sila naghahanap sa akin doon" naga alala na ako sa kanila baka kong ano na ang nangyari nasa kanila,napatingin ako kay Lucy na umiikot ang tingin niya sa paligid"Bakit Lucy may problema ba ma-----" bigla niya tinakpan ang bibig ko at may ibinulong siya sa akin na ikinatindig ng mga balahibo ko.
"Ti-tinatakot mo ba ako Lu-Lucy" kinakabahang sabi ko sa kanya,hindi kasi maganda ang ibinulong niya sa akin
"Huwag kang maingay,may isang mabangis na hayop ang nakatingin sa atin,hanggat maaga pa at hindi niya pa tayo sinasaktan,kung maari umalis na tayo dito" pagkasabi niya agad siyang pumunta sa harapan ko at saglit niya tinakpan ang mata ko,pagka-alis ng kamay niya napaikot ang tingin ko sa paligid at doon ko napansin na bumalik na kami kong saan ko siya nakita kanina.
"Zackkkk"
"Duwaaaag"
"Iyakin nasaan kanaba"
"Tol"
Narinig ko na ang mga boses ng mga kaibigan ko,napangiti ako sigurado kanina pa sila naghahanap sa akin,napatingin naman ako kay Lucy ng magsalita siya"Kailangan ko na umalis,kayo din baka kong mapaano pa kayo dito"aalis na sana siya ng pigilan ko siya
"Sandali lang Lucy" pigil ko at saka ko kinuha ang phone ko sa bulsa ng short ko at saka ko siya kinuhaan ng picture
YOU ARE READING
Ang Girlfriend Kong Diwata(short story)
Short StoryDiwata. Marami ang hindi naniniwala na may Diwata sa Mundo natin,may iba ding nagsasabing katang isip lamang yan at walang katutuhanan. Zack Smith - ang nagsasabing "walang katutuhanan na may Diwata sa mundo natin,maniniwala lang ako kapag nakaharap...