..Six

98 5 0
                                    


Zack.

Dinala kuna si Lucy dito sa hotel pagkatapos namin mamili at kumain sa Mall mukha naman siya nabusog sa mga pagkain kanina.

"Lucy,kailangan ko na umalis,babalik nalang ako bukas pagkatapos ng klase ko"sabi ko,nakakatuwa nga eh parang hindi pa siya napapagod sa ginawa namin pag-iikot sa mall.

Napasimangot nalang siya sa akin ng mapatingin siya sa pwesto ko dito sa sofa" Ang sabi mo sa akin sasamahan mo ako matulog dito"lumapit ako sa pwesto niya.

"Hindi kasi pwede may pasok pa ako bukas ng maaga,basta yong mga binilin ko sayo na huwag kang lalabas ng unit kong wala pa ako,pagkatapos ng klase ko bukas agad na ako pupunta dito,tapos mamasyal tayo sa park" nakangiting sabi ko at siya naman nakasimangot pa din,hay kahit ngayon palang kami nagkasama parang ang tagal na namin magkakilala dahil madali lang namin nakuha ang loob ng isa't isa,masasabi ko nga na mabait siyang Diwata, sana hindi dumating yong araw na iiwan niya ako,nakakalungkot at masakit kong mangyari iyon baka hindi ko kayanin,hanggat magkasama pa kami ni Lucy papasayahin ko siya at ibibigay ko ang lahat ng gusto niya para hindi siya mawala sa akin lalo na lumalalim na ang nararamdaman kong pagmamahal ko para sa kanya.

Napahinga siya ng malalim at pinilit ngumit sa akin"Babalik ka ha"walang ganang sabi niya.

Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya at nagulat siya sa ginawa ko"Ang cute mo talaga,pangako babalik ako dito bukas pagkatapos ng klase ko"napatango nalang siya"aalis na ako mag-iingat ka dito ha,tatawag ako sa Telephone sagutin mo ha"sabi ko at tumalikod na ako at isasara ko na sana ang pinto ng magsalita siya.

"Ano yong Telephone "

Napakamot nalang ako sa batok,oo nga pala hindi nga pala niya alam iyon,pumasok ulit ako at dumiretso kong nasaan nakapatong ang telephone, naka sunod naman siya akin,itinuro ko sa kanya kong papaano,at naiintindihan naman niya agad,hindi na ako nagtagal pa umalis na ako,sigurado ako magagalit na naman sa akin ang INA kong nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses kapag nagagalit sa akin.

Kinabukas.

Gusto kong tukuran ng buho ang talukap ng mata ko sobra pa akong inaantok, dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay Lucy kong makakatulog ba siya na walang kasama lalo na nandito siya sa mundo natin,nakatulog kaya siya ng maayos,hintayin mo lang ako Lucy after ng class pupuntahan agad kita.

"Tol,mukhang ina-antok kapa ah,may date kaba kagabi" napa angat ang tingin ko kay Larry na ngayon nasa harap ko.

"Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi,at saka wala akong date kagabi" pagsisinunghaling ko"Nasaan na yong dalawa"tanong kasi hindi ko pa nakikita ang dalawang ugok kong kaibigan.

"Mamaya nandyan na sila,baka naghahanap lang ng makakadate nila mamaya sea side haha" napa iling nalang ako.

"Bakit ang aga mo umuwi kahapon"

"Wala lang,trip ko eh" ano kaya kapag nalaman nila na may tinatago akong Diwata, paano nalang ang mga babies ko,kawawa naman sila kong mapunta lang sila sa mga kaibigan ko,sana pala hindi na lang ako nakipag pustahan sa kanila,hay sabagay hindi ko naman inaakala na magkakatotoo ang mga kalokuhan namin magkakaibigan,ah basta hangat hindi pa nila nalalaman na may tinatago akong Diwata at si Lucy iyon, hindi nila makukuha si peter at ang dalawa kong sports car.

"Hoy Zack" nagulat ako sa pagtapik sa akin ni Larry "Natulala ka tol saan ka pumunta kahapon" tanong niya

"Natulog pag uwi ko ng bahay"sabi ko at isinubsob ang mukha ko sa desk ng upuan ko,Lucy ginamitan mo ba ako ng kapangyarihan mo ano na kaya ang ginagawa niya sa unit sana okay lang siya,Shit muntik ko ng kalimutan tatawagan ko nga pala siya ngayon.
Napa-ayos ako ng upo at saka ko kinuha ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at saka tinawagan siya,ilang saglit lang sinagot na niya,pumunta ako sa gilid ng room para hindi marinig ni Larry ang pag-uusap namin ni Lucy.

Napangiti ako"Lucy kamusta ka dyan" sambit ko pero hindi naman siya nagsasalita"Lucy okay ka lang ba dyan"tanong ko ulit pero hindi siya nagsasalita"Lucy may nangyari ba sayo dyan"tanong ko ulit bakit hindi siya nagsasalita"Lucy"ulit ko pero isang malakas na sigaw ang narinig ko shit may nangyari ba kay Lucy bakit siya sumisigaw"Lucy anong nangyayari sayo dyan sagutin mo ako lucy"shit bakit hindi siya nagsasalita,hindi ako mapakali baka ano na ang nangyari sa kanya,kinuha ko ang bag ko at saka mabilis na lumabas ng room narinig ko pa tinawag ako ni Larry hindi ko na siya pinansin kailangan ako ni Lucy.

Nakasalubong ko si prof.Alden hindi ko siya pinansin diretso lang ang pagtakbo ko mas iniisip ko Lucy baka kong ano na ang nangyari sa kanya "Mr.Smith where you're going,start na ang klase" napatigil ako sa sigaw ni prof.Alden at humarap sa kanya at nakita ko nakataas na ang dalawa niyang kilay mamaya iisipin kong bakla siya,teka ano ba itong iniisip ko,ang dapat kong isipin ngayon kong papaano ako makakatakas sa kanya napaka higpit pa naman prof.na ito.

"Eh Prof.absent po muna ako sa class niyo" sabi ko sana pumayag siya teka ano pala ang dahilan ko para payagan niya ako.

Lumapit siya sa akin,shit para akong natatae sa itsura niya ngayon habang papalapit siya sa akin "Anong dahilan at a absent ka ngayon sa class ko Mr.Smith" nakataas pa din ang mga kilay niya,ahh papaano ah shit bahala na si Batman.

Kunwari napa hawak ako tiyan ko"Prof. Hindi ko na talaga kaya,lalabas na eh"yong pagtaas ng kilay niya kanina napalitan ng pagkakunot ng noo"Prof naga LBM po kasi ako kanina pa po ng umaga kaya nga po ako tumatakbo dahil pupunta po ako ng Cr."sana gumana ang kalukuhan kong ito.

"Ganon ba o Sige magbilis kana baka abutin kapa dito" sabi niya saka siya tumalikod sa akin.

"Thank you prof." Nagmadali akong tumakbo palabas ng University at sumakay sa kotse ko,ano na kaya ang nangyari kay Lucy sana walang nangyaring masama sa kanya.

Hotel.

Ng makarating sa hotel mabilis ako pumasok ng elevator, ilang saglit lang nakarating na ako agad akong pumasok sa unit kong nasaan si lucy"Lucy "tawag ko sa kanya saan na siya" Lucy"tawag ko ulit,pumasok ako sa kwarto niya pero wala siya.shit may kumuha ba sa kanya kaya ba siya sumisigaw.

"Lucy" sigaw ko shit nasaan kana,pumunta ako sa kusina pero wala siya,pumunta ako sa may sofa kong nasaan ang nakalagay ang Telephone ng makita ko ang landline nasa sahig na siya"Shit"bulong ko agad kong denail ang number ng hotel na to para malaman kong may tao ba pumunta sa unit ni Lucy at nawawala si lucy natataranta na ako na ako hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanya.

Snob

Snob

Napatigil ako ng makarinig ako ng isang pag hikbi parang may umiiyak,inikot ko ang tingin ko sa paligid wala namang tao,hinanap ko iyon at napagtanto ko nasa ilalim ng sofa ko narinig ang paghikbing iyon biglang pumasok sa isip ko "Lucy" tawag ko at saka sinilip ang ilalim ng sofa at doon ko nga nakita si Lucy na umiyak"Lucy anong ginagawa mo dyan"tawag ko at napatingin siya sa akin

"Z-Zack" umiiyak na sambit niya,inalalayan ko siya lumabas sa ilalim ng sofa,hindi ko maisip kong papaano siya nakapasok sa ilalim ng sofa,Nang makalabas na siya mabilis niya akong niyakap ng mahigpit nagulat pa ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin"Zack natakot ako"umiiyak pa din siya.

Hinagod ko ang likod niya"Huwag kana matakot Lucy nandito na ako"Sabi ko at lalo pa niya hinigpitan ang pagkayakap sa akin,ginantihan ko nalang.

Ng mahismasan na siya tinanong ko na siya kong ano ba ang nangyari at kong bakit siya nasa ilalim ng sofa ang sabi naman ng guard sa akin kanina wala naman daw sila nakita sa CCTV kong may pumasok na mga masasamang tao dito sa unit"Yong Telephone na ituro mo sa akin kahapon"kumunot ang noo ko anong meron don"Nagkaroon siya ng kakaibang ingay,tulad ng iyong sabi sa akin kapag narinig kong tumunog yan ilagay ko siya sa akin tainga,ganon ang aking ginawa, ngunit hindi ko akalain na ikaw ang nasa loob ng kakaibang teknolohiya na iyan kaya nagtaka ako kong bakit ka nasa loob at natakot ako na baka hindi kana makalabas sa loob na kakaibang teknolohiya na yan"so iyon pala ang dahilan kong bakit siya nagsisigaw iniisip niya nasa loob ako shit gusto kong tumawa dahil don sobra akong nag-alala sa kanya akala ko kong ano na ang nangyari sa kanya dito sa unit"Teka paano ka pala nakalabas"Kumunot ang noo ko tinutukoy ba niya kong paano ako nakalabas sa school ah.

"Ang Sabi ko kay Prof. may LBM ako kaya pinayagan akong umabsent sa klase niya" siya naman ito kumunot ang noo"Oh bakit"tanong ko sa kanya.

"Aking tinutukoy kong paano ka lumabas sa loob ng Telephone" ah yon ba tinutukoy niya natawa nalang ako kahit din siya,nawala na ang takot niya ng makita niya na maayos ang lagay ko,ganon din ako nawala na ang takot na naramdaman kanina,napalitan na ng kakaibang saya.

Ang Girlfriend Kong Diwata(short story)Where stories live. Discover now