Zack.
Galit na naman si Mama sa akin,dahil inuubos ko daw ang mga frutas niya sa Ref.lagi niya tinatanong kong saan ko daw ba dinadala ang mga frutas,pati nga si Papa ginagalitan ako kahit ngayon ginagalitan ako"Zack saan mo ba dinadala ang frutas ang mga na binibili ko para sa Mama mo"napapakamot nalang ako ng batok dahil hindi ko masabi kila Mama at Papa kong saan ko dinadala ang frutas, ang hindi ko lang maintindihan,bakit sila nagagalit sa akin,bakit ganyan sila magtaas ng boses sa akin.
Nakita ko si Mama na naka pamaywang na sa harap ko,patay na"Honey,yang anak mo na yan kapag hindi ako nakapagtimpi dyan papalayasin ko yan kasama ka"nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama hindi ako makapaniwala ng sabihin nya yon,kaya niya talga ako palayasin dahil lang sa pagkukuha ko ng frutas sa ref.namin
Mabilis na lumapit si Papa kay Mama para yakapin"Honey naman,anak lang natin ang may kasalanan hindi naman ako eh siya nalang palayasin mo---"
"PAPA" sigaw ko kay papa, nakakainis bakit umabot kami sa ganitong sitwasyon dahil lang sa frutas papalayasin nila ako.
"Tumigil ka Zack,kasalanan mo kong bakit nagagalit ang Mama mo,pati ako nadadamay sa kalukuhan mo" ano daw wala naman akong ginagawang kalukuhan ahh,kainis,frutas lang naman ang pinag aawayan namin kanina napunta na sa pagpapalayas sa akin.
"Mama Papa,ano po bang meron sa mga frutas nyo na sa Ref.ehh kumuha lang naman ako ah"
"Isang lingo ka kumukuha ng frutas sa ref.tapos hindi kapa nagpapaalam sa akin,alam mo bang ayaw kong ginagalaw yong mga frutas ko" galit na sabi ni mama ah naguguluhan na ako sa kanila bakit sila ganyan makareact dahil lang sa mga frutas.
"Zack, anak pinalaki ka namin ng maayos,pinapa-aral,binibigay lahat ng gusto mo,kulang paba yon anak ha---"
"Balak nyo na ba akong itakwil Mama Papa, dahil lang sa frutas" sigaw ko
"Anong kaguluhan ito,nasa labas palang ako ng gate nyo naririnig ko na ang mga sigawan nyo,Nestor at Lorie at ikaw apo bakit mo sinigawan ang mga magulang mo" papalapit sa amin si Lola, ang Mommy ni Mama.
Lumapit ako kay Lola at sabay yakap ng mahigpit,ganito talga ako kay Lola,Lola's boy ako eh"Lola si Mama at Papa parang itatakwil na nila ako"sumbong ko kay Lola,napatingin ako kila mama at papa napa iling nlang sila alam kong sila din ang papagalitan ni Lola sa binabalak nilang pagpapalayas sa akin blee sila sa akin kala nyo ha.
Tumingin si Lola kila Mama at Papa at tinaasan sila ng kilay taray ng Lola ko no"Anong kalasanan ng apo ko sa inyo at balak nyong itakwil"yes matakot na kayo mama papa.
"Mom,yang apo mo sobra niya akong ini-stress" lumipat naman ang tingin ni Lola sa akin
"Lola hindi po yan totoo,kumukuha lang naman po ako ng frutas sa Ref.eh sobra na magalit si mama sa akin hindi ko nga po alam kong bakit siya nagagalit ng ganyan" umiling si Lola
"Kayong dalawang mag-asawa nasabi nyo naba sa aking apo na magkakaroon na siya ng bagong kapatid" ano sinasabi ni Lola
"Lola anong pong ibig iyong sabihin"
"Zack,anak alam kong magugulat ka,kasi anak buntis si Mama mo,magkakaroon kana ng bagong kapatid" bagong kapatid, hindi ko yong pinangarap na magkaroon non.
"Zack anak" tawag sa akin ni Mama,alam kasi nila na ayaw ko ng kapatid.
"Kaya pala laging mainit ang ulo nyo sa akin kapag nakikita nyo ako,lagi nyo ako sinisigawan dahil buntis po pala kayo Ma,ayaw ko ng kapatid ma" napatulo ang luha ko,may dahilan kong bakit ayaw ko ng kapatid.
"Apo bakit ayaw mo magkaroon ng bagong kapatid, ayaw mo ba non may maka kasama ka,may makakalaro ka" umiling ako
"Lola hindi na po ako bata para makipaglaro pa sa bata"
"Apo"
"Lola,ayaw ko,ayaw kong mahati ang atensyon nila mama at papa sa akin at bago kong kapatid,alam kong mas mamahalin nila yon,tapos ako mababaliwala na nila,nasa kapatid ko na ang buong atensyon nila"
"Anak hindi ganun,mahal ka namin at hindi yon magbabago kahit magkaroon ka ng bagong kapatid,anak huwag mong isipin na mababaliwala ka namin o mawawalan kami ng atensyon sayo dahil sa kapatid mo,ang pagmamahal namin sayo ng mama mo hindi yon magbabago ikaw kaya ang first baby namin na sobrang nagpasaya sa amin nong una ka namin nasilayan ng lumabas ka,walang oras anak na hindi mo kami pinapangiti ng mama mo,kaya nga minsan ayaw kong pumasok sa Company dahil sayo kasi gusto ko oras oras ko kayo nakikita at binabantayan ng mama mo ganun ka namin kamahal anak. "Napahagulhol ako sa iyak sa mga sinabi ni papa,lumapit si papa sa akin at niyakap ako ganun din si mama,siguro nga kailangan kong tangapin at mahalin ang kapatid ko.
YOU ARE READING
Ang Girlfriend Kong Diwata(short story)
Storie breviDiwata. Marami ang hindi naniniwala na may Diwata sa Mundo natin,may iba ding nagsasabing katang isip lamang yan at walang katutuhanan. Zack Smith - ang nagsasabing "walang katutuhanan na may Diwata sa mundo natin,maniniwala lang ako kapag nakaharap...