Nine

85 1 0
                                    

Zack.

Ilang batok at sipa na ang natatanggap ni Louis mula sa akin,sobra na ako naiinis sa mga pinag-gagawa niya,type nya ba ang Lucy ko at lapit ng lapit siya sa amin at itong si Lucy naman hinahayaan nya lang na dumikit sa kanya ang matakaw na yon,nakaka inis na talaga.

Napalingon ako kay liam ng bigla niya akong akbayan"Okay ka lang ba tol "mukha ba akong okay.

"Okay lang ako" kahit hindi naman talga.

Natawa siya"Nagseselos ka no"

"Bakit naman ako magseselos" pagtangi ko

"Kaibigan kita kaya alam ko kong nagseselos ka at saka halata naman eh kasi yong noo mo naga kulubot na oh daig mo pa yong matandang kulubot at makunat Hahaha" aba luko to ahh kung kanina napaka seryoso nya tapos ngayon abnormal na siya.

"Pakyu" sabi ko pero pinagtawanan lang ako ang lakas nya mang trip ha hindi nakakatuwa.

"Sana mautot ka sa kakatawa mo"tumayo na ako at umalis sa tabi niya baka maamoy ko pa utot niya.

Nandito kami ngayon sa park,
Nangako kasi ako kay Lucy na ipapasyal ko siya dito na sana kami lang dalawa,masyadong makulit si Lucy gusto niya daw makilala ang mga kaibigan kaya ayan pati dito sa park pinasama niya.

Ang saya ni Lucy habang pinag mamasdan ang mga bulaklak na nasa harap niya,madaming mga halamang  bulaklak dito sa park kaya nga dito ko naisipan ipasyal si Lucy alam kong matutuwa siya.

Tumabi ako kay Lucy at napatingin naman siya sa akin" Pwede ba akong pumitas ng bulaklak kahit isa lang Zack"tinuro ko kanya yong karatula na may nakasulat na BAWAL PUMITAS NG BULAKLAK kaso sumimangot lang siya.

"Ipinag babawal kasi dito sa park na pumitas ng bulaklak"

"Gusto ko nang bulaklak Zack"sabi niya habang nakatitig sa bulaklak,bigla ko nalang naalala nong palagi ko siya dinadalahan ng bulaklak at prutas sa gubat matagal na din na hindi ko na siya nabibigyan ng bulaklak.

"Lucy" sabay kami napatingin ni Lucy kay Louis ng bigla nalang sumusulpot na akala mo kabuti lang.

"Ano naman kailangan mo Louis" tanong ko nagsisimula na naman ako mainis sa kabuting to.

"May ibibigay lang ako kay Lucy huwag ka nga Zack" sabi nya at sabay abot kay Lucy ng isang bulaklak"Lucy oh bulaklak para sayo"saan nya naman nakuha yang bulaklak.

Kinuha naman ni Lucy at saka inamoy niya"Napaka sarap amuyin at ang bango pa"sabi niya habang inaamoy ang bulaklak

Sinamaan ko ng tingin si Louis "Saan mo kinuha yan" tanong ko

Ngumiti muna siya sa akin"Dyan sa harapan nyo"ay ang gago talga.

"Hindi kaba marunong magbasa sa nakasulat"inis na sabi ko at itinuro ko pa sa kanya yong karatula.

"Oppss sorry,eh gusto kasi ni Lucy kaya ko kinuha hehe"napa iling nlng ako

"Kapag tayo nahuli Louis patay ka sa akin" sigaw ko at nakatikim ulit siya ng batok sa akin

Kinuha ko yong bulaklak kay Lucy at ibabalik ko kay Louis "hoy tokmol itago mo nalang yan baka makita pa tayo ng guard di-----" hindi pa ako tapos magsalita ng bigla nalng may nag pito sa amin

Yong guard papalapit sa amin"Ikaw bakit ka pumitas ng bulaklak hindi kaba marunong magbasa ang laki na nakasulat sa karatula hindi mo pa nabasa,huli ka ngayon sa akin"
nanlaki ang mata ko ng bigla nalang ako hulihin ng guard.

"Teka lang sir,hindi po sa ako ang pumitas nito" sabi ko at tinuro si louis"ang gagong to ang kumu---"ang gagong yon bigla nalang nawala pati si Lucy dinala.

Ang Girlfriend Kong Diwata(short story)Where stories live. Discover now