Zack
"Zaaaaack" napatalon ako sa gulat ng sumigaw nalang bigla si Lucy mula s labas ng kwarto niya nandito ako ngayon sa unit nya.
Agad akong lumapit sa kanya"Lucy bakit ka sumisigaw"tanong ko agad sa kanya ng makalapit ako.
Pinalo niya ang braso ko"naiinis ako sayo alam mo ba yon"mukha nga siya naiinis at ano naman ang kinalaman ko.
"Bakit ka naman naiinis sa akin,may nagawa ba ako na hindi mo na gustuhan"
"Ahh basta naiinis ako sayo"
"Eh bakit nga kasi"
"Gusto ko ng katahimikan"ano daw
Pagkasabi nya non padabog nya isinara ang pintuan" Anong nangyari don"napa iling nalang ako.
Kailan pa siya natuto mainis sa akin hay Lucy...
Ilang linggo naba ang nakalipas mula nong tulungan ko siya at ilayo sa gubat,sa araw-araw na kasama ko siya,palalim ng palalim Yong nararamdaman ko para sa kanya,kapag hindi ko naman siya nakakasama parang laging may kulang sa akin basta gusto ko lagi nakikita at nakakasama siya,kahit hindi pa kami ni Lucy gusto ko muna iparamdam sa kanya na napakahalaga niya sa akin at sana ganun din ako sa kanya at sana higit pa don,hindi sana dumating yong araw na bigla nalang siya kunin sa akin si Lucy,ayaw kong mawala sa akin si Lucy,habang magkasama pa kami ni Lucy ipaparamdam ko sa kanya na kong gaano ko siya kamahal kahit magkaiba pa kami kahit na isa akong tao at siya ay isang Diwata._
Gumawa ako ng paraan para mawala na ang pagkainis ni Lucy sa akin na hanggang ngayon hindi ko pa din alam kong bakit siya naiinis,umalis muna ako saglit sa unit niya para bumili ng mga bulaklak at prutas at pagkain gusto ko siya isurprise.
Ng makabalik na ako mabilis akong nag ayos sa loob ng unit nya habang hindi pa siya lumalabas,hindi na ako humingi ng tulong sa mga kulugo kong kaibigan baka kasi manggulo pa sila sa araw namin ni Lucy.
"Lucy"tawag ko sa kanya
Ilang saglit lang bumukas yong pintuan nya.
Ngumiti ako sa kanya at saka lumapit"Naiinis kapaba sa akin" tanong ko sa kanya.
"Ano"naka simangot siya mukhang hindi maganda ang araw niya.
Pumunta ako sa likuran nya at saka ko tinakipan ang mga mata niya gamit ang dalawa kong kamay"Sandali"sambit niya at tinanggal ang kamay ko"Ano ba kailangan mo,diba sabi ko naiinis ako sayo"hindi nga maganda ang araw nya ngayon.
"Bakit kaba naiinis sa akin may nagawa ba akong kasalanan sayo"naguguluhan ako sa kanya.
"Oo Napakalaki ng kasalanan mo sa akin"
"So ano yong kasalanan ko sayo, sabihin mo sa akin lucy para alam ko kong ano yong nagawa ko para akong tanga na nag iisip kong ano ba yong nagawa ko"
"Naiinis ako sayo Zack dahil hindi ko alam kaya ayaw kitang makita ngayon"
"Naiinis ka lang sa akin kaya ka nagkaka ganyan tapos ngayon ayaw mo pa akong makita"
"Kong maaari lang sana Zack umalis ka muna sa harapan ko ayaw talaga kita makita"anong kadramahan to lucy.
Napahinga nalang ako ng malalim"Okay kong yan ang gusto sige aalis na ako"pagkasabi ko non sa kanya lumabas na ako ng unit nya.
Ano ba nangyari don wala naman akong maalala may ginawa akong kalukuhan sa kanya,hindi ko nga magawang biruin siya o takutin manlang,napailing nalang ako makauwi na nga lang sa bahay siguro hintayin ko nalang na mawala ang pagkainis niya sa akin.
Sa bahay.
Pagka park ko palang ng kotse ko sa harap ng bahay nakita ko na agad ang maganda kong nanay na naka pamaywang sa pintuan"Hi Mom"yayakapin ko sana siya pero lumayo siya sa akin.
YOU ARE READING
Ang Girlfriend Kong Diwata(short story)
Short StoryDiwata. Marami ang hindi naniniwala na may Diwata sa Mundo natin,may iba ding nagsasabing katang isip lamang yan at walang katutuhanan. Zack Smith - ang nagsasabing "walang katutuhanan na may Diwata sa mundo natin,maniniwala lang ako kapag nakaharap...