Lucy.Lucy
Lucy
Lucy
Napamulat at napabangon ako sa pagkahiga lagi ko nalang naririnig ang boses ng taga lupa ano na kaya ang nangyari sa kanya,nagagalit kaya siya sa akin dahil sa hindi ko pagpapakita sa kanya ng mga nakalipas na maraming araw,kaya hindi na siya pumupunta sa gubat,hindi kaya napagod na siya sa kakabalik,dahil hindi niya ako makita.
"Lucy,mabuti at gising kana,kanina pa kita hinihintay dahil may dala akong balita at alam kong matutuwa ka" ang kaibigan ko,natutuwa ako at dumating na siya.
Lumapit siya sa akin"Kaibigan kong Maribell,natutuwa ako at dumating kana,yong taga lupa bumalik naba siya"masayang sambit ko sa aking kaibigan
"Oo Lucy bumalik na siya at hinahanap ka na naman niya" natutuwang sambit niya.
"Masaya ako kung ganun,kailangan na natin magmadaling umalis bago pa tayo maabutan ng aking Ina" nagmadali kaming lumabas ng Palasyo at nagpapasalamat ako dahil wala si Ina ngunit hinarang kami ni Aki at kasama ang kanyang mga kawal.
"Saan ka patutungo Mahal kong Lucy,diba at pinagbawalan kana ng Mahal na Inang Reyna na lumabas ng palasyo" sambit niya,hindi ako natutuwa sa mga lumalabas sa bibig niya.
Masamang tingin ang aking ibinigay ko sa kanya"Aki,hayaan muna na ako,may kailangan pa kaming puntahan ni Maribell" lalampasan ko na sana siya ngunit mabilis niya hinawakan ang aking kamay at mabilis ko naman iyon binawi.
"Hindi ka maaaring umalis Lucy dahil ipinagbilin ka sa akin ng Inang Reyna na huwag kang paalisin"pagpigil niya sa akin.
"Kung hindi mo sana sinabi sa aking Ina na nakikipag kaibigan ako sa mga tao,hindi niya sana ako pagbabawalan na umalis ng palasyo,kaya kahit anong pagpigil mo sa akin na umalis ng Palasyo,a-alis ako at hindi mo ako mapipigilan" pagmamatigas ko.
"Basta Lucy hindi ka pwede umalis dahil mapaparusahan ako ng Reyna"nakikita ko sa mga mata niya ang pagkatakot alam kong siya ang paparusahan ng aking Ina dahil sa aking pagmamatigas kasalanan naman niya ang lahat eh kong hindi lang siya hangal.
"Wala akong pakialam Aki kong maparusahan ka ng aking Ina,kasalanan mo naman ang mangyayari sayo,kung hindi lang sana makati ang dila mo"
"Hindi ako papayag Lucy na umalis ka" galit na sambit niya"mga kawal kunin niyo si Lucy at Maribell,ibalik sila sa Palasyo"ginagalit talaga ako niya ako,mabilis kong hinawakan ang kamay ng aking kaibigan na si Maribell upang lisanin ang kaharian na tinutungtungan namin.
______
Zack.
Nakakapagod mag-ikot at lumakad dito sa loob ng gubat tapos ang dami pang mga damo na makati,ahh kong hindi lang talaga ako na love at first sight sa Diwatang na si Lucy nako hindi ako magtyatiyaga sa kanya.
Sabi nga sa kanta,Tunay na lahat ay hahamakin pag iyong nararamdaman.oh diba gagawin mo ang lahat.Nong una kami nagkita nabighani na ako sa kakaibang kagandahan nya,kahit sa pagkauwi ko sa bahay hindi na siya maalis sa isip ko kahit sa pagpikit ng mga mata ko mukha niya ang nakikita ko tapos ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko nailove na nga ako sa Diwatang yon.
Nagpapakahirap akong bumalik dito sa gubat para lang makita siya,kaso nasaan na siya hindi na siya nagpakita sa akin isang beses pa lang kami nagkita at yon palang ang una.
Naubos na ang mga Frutas ni mama sa Ref.niya dahil sa kakadala ko dito sa gubat,pero walang Lucy nagpapakita sa akin,minsan maghapon ako naghihintay at nagbabakasakali na magpakita siya sa akin,pero wala pa din Lucy nagpapakita,natatakot ba siya sa akin, sa tingin ko hindi naman,nakita ko yon sa mga mata niya nong naisama niya ako sa batis,hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita at nakakausap."Lucy"
"Lucy"
"Lucy"
Ilang beses na akong sigaw ng sigaw sa pangalan niya hindi pa siya nagpapakita gusto ba niya mapaos ang maganda kong boses.
"Nakakapagod,Lucy nasaan kanaba,please lang magpakita kana sa akin" sabi ko.
Gusto ko na magpahinga ang sakit na ng mga paa ko,naupo muna ako at isinubsob ang mukha sa dalawang tuhod ko,pawisin na ako at basa na ang t-shirt ko."Taga Lupa"
Napaangat ang ulo ko dahil sa narinig kong boses na ngayon ay nasaharapan ko at nanlaki ang aking mga mata sa nakikita ko si Lucy at my kasama siya katulad din niyang maganda"Lu-Lucy"gulat na sabi ko sa pangalan niya.
Ngumiti siya"Ako nga taga lupa"hindi ako makapiniwal na nandito na siya sa harap ko.
Sobrang saya ko"Salamat at nagpakita kana"masayang sabi ko parang gusto ko siyang yakapin.
"Masaya din ako dahil naabutan kapa namin dito" gustong kong kiligin dahil sa sinabi niya,pero sympre itatago ko muna hehe.
Napatingin ako sa kasama niya na alam kong Diwata din siya na katulad niya"Sino siya"sabi ko habang nakaturo ang aking daliri sa kasama niya.
"Ang aking kaibigan si Maribell" pagpapakilala niya nag hi lang ako kay Maribell"Siya ang aking inutusan para alamin kong ikaw nga ay bumalik dito sa gubat upang hanapin ako at totoo nga palagi ka bumabalik dito at natutuwa ako"kaya pala hindi siya nagpapakita sa akin.
"Bakit hindi ka nagpapakita sa akin"
"Mahabang salaysayin,hindi mo mauunawaan." ayon lang ang sinabi niya gusto ko malaman kong bakit.
"Eh yong mga frutas na iniiwan ko dito,natatanggap mo ba" tanong ko sa kanya
"Oo maraming salamat sa mga dinala mong frutas"
"Taga lupa" napalingon ako kay Maribell "Maaari mo bang tulungan ang aking kaibigan" tulungan.
"Bakit,may problema ba kayo" tanong ko at nagkatingin sila.
"Alam kong naaalala mo pa ang Diwatang si Aki" tumango ako kay lucy anong meron sa Diwatang pangit na yon"Gusto niya akong hulihin kaya kami tumakas sa kaharian,gusto ko sana tulungan mo ako at ilayo dito sa kagubatan at isama mo ako sa inyong tirahan kong maaari lang sana taga lupa"teka ano daw,hindi ko maintindihan,ay teka naiintindihan ko na gusto niya na isama ko siya sa amin,eh isa siyang Diwata paano kapag nalaman ni mama at papa na may babae akong inuwi sa bahay baka kong ano pa ang isipin nila at tuluyan akong palayasin sa bahay.
Natutuwa naman ako dahil gusto niyang isama ko siya sa amin,eh hindi ko pa nga siya nililigawan at saka hindi ko pa siya Girlfriend tapos gusto niyang isama ko siya sa amin..

YOU ARE READING
Ang Girlfriend Kong Diwata(short story)
Proză scurtăDiwata. Marami ang hindi naniniwala na may Diwata sa Mundo natin,may iba ding nagsasabing katang isip lamang yan at walang katutuhanan. Zack Smith - ang nagsasabing "walang katutuhanan na may Diwata sa mundo natin,maniniwala lang ako kapag nakaharap...