Aga
Our dinner went well. Tawanan dito, tawanan doon. Nagkwekwento lang sina Ara at Cae sa Mommy nila habang tahimik lang kaming nakikinig, minsan sasali kami ni Ada sa usapan.
Up to now, I still can't belive na ayos na kami ni Lea. I'm thankful and grateful at the same time.
"Muhlach, buhay ka pa ba?" I snapped myself back to reality nang biglang pitikin ni Lea ang noo ko. Amazona rin 'tong babae na 'to eh! Pasalamat siya at mahal ko siya!
"Oo, bakit?" tanong ko, tinaasan niya ako ng kilay bago magsalita muli.
"We're done eating dinner, baka gusto mong umuwi na tayo?" she asked. Kanina pa kami tapos kumain kaso napasarap ang usapan kaya 'di man lang namin naisipan na umuwi muna.
"Oh..." kinamot ko ang batok ko at tumayo na, nakatayo na rin pala silang lahat.
"Let's go home, ihahatid muna namin kayo sa bahay niyo." I told Lea, tumango lang siya in agreement.
"Daddy, sa condo mo pa rin tayo tutuloy?" Ara asked in disbelief, tumango naman ako. Alangan naman sa bahay nila Lea, 'di ba?
Teka, pwede rin... That's it kung papayag siya.
"Daddy! Gusto ko pong makatabi si kambal at si Cae! Sa bahay na lang po kayo tumuloy, please.." Ada pleaded and looked at me meaningfully na tila ba, may pinapahiwatig..
Oooh.. I get her point. "That's it kung papayag ang Mommy niyo." I said, they all looked at Lea, Lea looked at me. Kahinaan niyan ang mga bata at syempre, ako. Minsan.
"May choice pa ba ako?" she asked and smiled, all three of them jumped in joy kaya pati ako, nakisali na rin pero syempre, patago lang.
"Basta in one condition." wika niya kaya napatingin kaming lahat sa kanya, akala ko okay na?
"Doon na lang kayong tatlo matulog sa kwarto ko." she announced. 'Yon lang naman pala eh..
Wait, what?! Eh paano ako? Saan ako matutulog?
"Ha? How about me? Saan ako matutulog?" tanong ko sa kanya, she rolled her eyeballs at me in return.
"Sino ba ang nagsabi na dun ka sa bahay ko matutulog? Ang sabi ko, ang mga bata lang."
"Babes naman eh, gusto kaya kitang makatabi ngayon!" I said, in my peripheral vision, I can see Ada trying to stop herself from laughing.
"Eh bakit, gusto ba kitang makatabi?" she answered me back with a firing question.
"Ayaw mo 'nun? Makakasama mo ako boung gabi, at saka isa pa, you can kis--" before I can finish my sentence, Lea covered my mouth using her hands.
"Isa pa, Muhlach. Subukan mo lang na sabihin iyang sasabihin mo at ako mismo ang papatay sa'yo." she said seriously while gritting her teeth.
Pikon na naman siya! Umiling na lang ako, basta, kahit anong sasabihin niya, doon ako matutulog sa bahay niya.
"Sabi ko nga." saad ko at 'di na umimik pa, tila nakahinga naman siya ng maluwag dahil dun.
"Let's go, uwi na tayo."
Lea
Gaya ng napag-usapan, ihahatid kami ni Aga sa bahay. The whole ride was filled with silence, tahimik lang ako at gano'n din ang mga bata. Napagod ata.
"We're here!" Aga exclaimed at saka hininto ang sasakyan, nasa bahay na pala kami kaya kaagad ko namang ini-unbuckle ang seatbelt ko. I went out of the car at gano'n din sila.
BINABASA MO ANG
Destinesia
Fanfiction(n) when you get to where you were intending to go, but forget why you were going there in the first place. 「 A LeAga Fanfiction 」