Chapter 38

1.5K 63 21
                                    

Lea

"O, okay na tayo?" I asked the twins.

"Not completely but we're fine, 'di ba kambal?" si Ada ang sumagot at bumaling kay Ara, the latter nodded as she gave us a thumbs up.

I smiled. "Good. Tara na sa loob, mahamog na dito sa labas."

They both nodded as we finally went inside.

"Sina Aga?" tanong ko sa isang katulong nang makasalubong ko siya.

"Sa taas po Ma'am, sa kwarto nina Caeleah." sagot niya kaya tumango ako at kaagad na tumungo sa taas.

Naningkit ang mga mata ko upon seeing their room. It's a huge mess na parang dinaanan ng bagyo, nakakalat ang mga gamit sa sahig at may mga bubog pa, probably from the vases na ngayo'y basag na lahat.

Nilibot ko ang paningin ko hanggang madako ang paningin ko sa banyo, agad akong naglakad papunta doon, avoiding all the crystals scattered on the floor.

I found Aga sitting at the floor habang nakayakap si Cae sa kanya na umiiyak, nakatalikod si Cae mula rito so Aga's the one facing me, he noticed my presence at agad naman siyang ngumiti as he mouthed. "Were okay."

Napangiti na lang rin ako tsaka sumandal sa pinto habang tinitignan ang mag-ama kong nagyayakapan.

Aga once told me na may anger management issues si Cae, she's not the sweet and bubbly Caeleah we all know kapag nagagalit so how surprising to see Aga na napakalma niya si Cae.

After awhile, bumitaw na ng yakap si Cae sa Daddy niya as she turned her back and she seemed surprise to see me standing here.

"Mommy!" she called as she rushed to my direction, muntik na akong ma- out of balance sa ginawa niyang pagyakap pero agad din naman akong napakapit for support.

"Slowly, sweetie." I told her and chuckled, binaon niya ang ulo niya sa leeg ko as I carrasassed her long hair.

"Sorry po, Ma. I made a mess." pag- hinging paumanhin niya.

"It's okay, I understand." sambit ko, I heared her sighed as she let go of our hug.

"Okay na Dad, I'm ready to listen." wika niya while looking at Aga, napatingin naman si Aga sa'kin kaya agad akong tumango at ngumiti, he can do it, I know him.

Cae

"Her name is Sofia Ledesma, by any chance you know her? Same school lang kayo eh." Dad said after explaining everything.

'Di na ako nagulat upon hearing na si Sofia nga ang anak niya, I'm not stupid not to recognize Sofia's foolish acts. Lapit siya ng lapit sa'kin, asking me about our family and such. At first okay lang pero habang tumatagal? I find it weird then this... nalaman ko na kapatid ko pala siya sa labas.

There's one time she asked me about that matter tas siya na mismo ang nadulas sa mga pinagsasabi niya.

"Cae, what if isang araw, malaman mong may anak sa iba ang Daddy mo, anong gagawin mo? Matatanggap mo ba siya?" agad akong napatigil sa pag- sulat ng notes namin upon hearing Sofia's question.

Wala kaming teacher for now dahil absent siya at nagiwan lang ng notes for us to copy kaya malayang makipag-chismisan sa iba ang mga kaklase ko, including us.

Destinesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon