Chapter 6

786 10 1
                                    

Thursday night, dumating kami ni jess sa party ni paco. Nilapitan siya ni Paco at sinama na kung nasaan siya..si jess yata ang date niya for the night. Puro mayaman ang mga nasa party, mga friends yata ni Paco from the country club. Na-surprise nga ako na may mga kumakausap sakin na mga lalaki.. mabuti na lang inayusan ako ni ate wendy. 

Sa di kalayuan may nakita akong lalaki na pinapaligiran ng mga kakabaihan.. "Ang ganda naman ng katawan niya " naisip ko. Nakatalikod siya eh kaya di ko nakikilala kung sino. Lumapit ako ng konti.

"Sino yun?" tanong ko sa babae na katabi ko sabay turo sa gawi ng lalaking maganda ang katawan

"Ah, yun ba? Hot noh? Si Slater yun.. ilang months palang yata since lumipat sila from cebu. Ang alam ko diyan sila sa kabila nakatira eh..yung big house" sagot nung babae

"Lahat naman ng bahay sa village na to malalaki" mahina kong sagot  "teka slater ba kamo?"  tanong ko sa babae pero hindi niya nadinig

As if on cue, biglang lumingon si slater at nakita niya ko "Hi Tintin!" masaya niyang bati

"Hi slater!" bati ko rin sa kanya

"Wow kilala mo pala si slater eh! pakilala mo naman ako" sabi ng babae sa tabi ko

"sige mamaya" sabi ko

Dumaan ang gabi at madami akong naging bagong kaibigan na babae dahil kay slater.. andami nilang tanong tungkol sa kanya

Si jess naman hindi ko mahanap dahil kasa-kasama ni paco at pinakikilala sa mga kaklase niya sa law school

Pumunta ko sa may kitchen kasi nandun yung drinks.. kumuha lang ako at palabas na ng makasalubong ko si slater

"Looks like you're enjoying ah" sabi niya sakin

"Umm..oo..I like meeting new people" sagot ko sa kanya

Napansin kong matagal lang siyang nakatitig sa mukha ko..

"Anong ginawa mo sa buhok mo?" tanong niya

"Wala.. pinalantsa ko lang" sagot ko sa kanya

"Maganda..bagay sayo" 

"salamat, nambola pa to.." palabas na ko ng kitchen ng hinila niya ko..

"Wait, dito ka muna" pabigla niyang sinabi

"bakit?" gulat kong tanong sa kanya

"ay, sige na nga wag na" disappointed niyang sabi

Hindi na kami nagusap ulit ng gabing yun pero tuwing masasalubong ko siya, ang laki ng ngiti niya sakin.. bakit kaya?!

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon