"O tin, bakit malungkot ka?" bungad ni ate wendy pagdating ko sa bahay
"Nako ate, Nakita ko kasi si Slater at Jess kanina..magkasama tas ako di pinapansin"
"Habang may buhay may pag-asa tin, tandaan mo yan. Tignan mo ko, akala ko katapusan ko na nung iwan ako ng daddy ng magiging baby ko pero ngayon..."
"Pero ngayon may Carlo ka na.." natatawa kong sabi
"Utang na loob...ikaw nagsabai niyan...hahaha"
"Hay...nasa huli talaga ang pagsisisi..." malungkot kong naisip
------------------------------------------------
Dumaan ang Tuesday na hindi ako kinakausap ni Slater, kahit man ang ngiti niya na madalas sumasalubong sakin ay hindi ko nakita. Dumating na ang Wednesday at ang game ni Kevin
"Ang galing naman ni kevin, tin! Pwede na siya sa Azkals!" wika ni pamu nang matapos ang game nila
"oo magaling nga sila" pagsang-ayon ko naman "Halika na ipapakilala na kita ky kevin"
"Hi Tin!" tawag ni kevin habang palapit sa kanila
"Hi kevin! Great game!" bati ko naman sa kanya
"Buti dumating ka, thank you talaga" at sinubukan niya kong yakapin pero inawat ko siya
"Kev, this is Pamu nga pala.. You're biggest fan!" announcement ko sa kanila
"Oh hi Pamu!" maligayang bati ni kevin sa kanya
"Hello! Ang galing mo talaga parang Azkals" puri pa ulit ni pamu sa kanya
"Thanks Pamu! You should watch again next time!" masayang paganyaya pa ulit niya kay Pamu
"Uy,, sige guys may pupuntahan pa kasi ako.. kevin ikaw muna bahala kay Pamu ha.." sabay umalis na ko
"Tin, sandali!" narinig ko si Pamu pero hindi ko na nilingon
Hindi naman sa gusto ko lang layuan ako ni kevin, nakikita ko kasi na bagay sila. Pati personalities nila eh nagma-match kaya mas mabuti pa na sila na lang ang magkilanlan..sigurado na kasi ako kung sino ang gusto ko. Too bad kasi it's too late na..
----------------------------------------------------
Kinabukasan kinausap ako ni Carlo habang hinahatid ko ang mga bata sa bus nila.
" Tin, pauwi ka na ba?" tanong ni Carlo
"Not yet, why?" tanong ko sa kanya
"Can you come with me to the mall? I'm buying a gift for wendy..I need your opinion"
"Umm..Okay sige..ano ba plano mo bilhin?"
"Baka necklace or bracelet"
"Nako, wag bracelet kasi pag binigyan mo siya ng bracelet eh maghihiwalay kayo"
"Hindi pa nga kami eh"
"Basta wag bracelet" pilit ko pa
*Sumakay ako sa car ni Carlo at nagpunta na kami sa mall. Pumasok kami sa jewelry area ng mall kung saan sunod sunod ang mga jewelry stores nang makita ko si Jess and Slater na palabas sa isa sa mga store na may hawak na paper bag na maliit. Siguro binilhan ni Slater ng something si jess. Ouch lang. Ang sakit..
"That's Slater right?" tanong ni Carlo sakin
"Yeah si Slater nga yun" Sang-ayon ko naman
"Like mo siya noh??" Tanong niya sakin
"Huh? ano ba sinasabi mo? sinabi ni ate wendy?" gulat kong tanong sa kanya
"It's obvious tin..nagdate pa nga kayo eh tapos next thing I know nirereto mo na kapatid ko kay kevin" explain ni carlo
"Grabe ka carlo, hindi ganun..bast.. magulo eh.. don't tell Slater na lang huh.." pakiusap ko sa kanya
"Sure tin.." sabi naman niya sakin
Pumasok na kami sa isang store at binilhan ni Carlo si ate wendy ng Locket na pwedeng lagyan ng pictures. Pagkatapos namin bumili ay kumain muna kami at umuwi na.
"Ate wendy! andito si Carlo..baba ka dito" sigaw ko kay ate wendy
Bumaba na si ate wendy at binigay ni carlo ang gift niya, laking tuwa naman ni ate wendy dito.
"Thanks Carlo" at niyakap naman niya si Carlo
"O..I think I should call you Kuya Carlo now..hehe" biro ko sa kaniya
" Bawal yannn..." sabi ni Carlo habang tumatawa
---------------------------------------
Bago kami matulog ni Ate wendy nagdasal muna kami at nagusap
"I'm happy for you ate wends.. magkakaron na ng new daddy ang baby mo"
"Thanks tin...alam ko everything will work out for you too"
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Fanfic“The best way to find your perfect match is to meet love halfway.”