Nasa cafeteria ako ng makabangga ko nanaman si kevin. As usual eggs at juice lang inorder niya.
"Oh hi tin!" bati niya sakin
"Hi kevin! Kamusta soccer training?"
"Great, actually the coaches here are the best" "blah, blah, blah...."
"ooh wow...that's nice..hehe" tanging sagot ko (ang boring pala niya..buti na lang gwapo)
"By the way tin, can I have your number? Eto cellphone ko o..save it here"
"Okay" nagulat kong sabi
------------------------------------------------
Pagdating ko sa bahay, nagbihis lang ako tapos umalis na rin at pumunta sa mall. Ako kasi ang naatasan na bumili ng mga goggles ng mga bata sa sports camp. Habang namimili ako ng goggles, narinig kong may tumawag sakin. "Christine?" lumingon ako..at nakita ko si Paco pala yun, ang third grade classmate namin ni jessy.. Only now, hindi na siya uhugin.. muka siyang mayaman at medyo gwapo na.
"Hi paco! long time no see ah! Kamusta?"
"I'm okay, I'm super okay. How's jessy?" tanong ni paco
"Si jessy?..syempre..maganda pa rin..dapa makita mo siya eh" sagot ko sa kanya
"I'd like that! kunin ko number mo para macontact ko kayo" sabi niya
"Bigay ko na lang sayo number sa staff room sa sports camp" (sinulat ko ang number sa papel at inabot sa kanya)
"Great, I'll go ahead na ha. Nice seeing you!" (umalis na siya at nagbayad na ng mga pinamili niya)
---------------------------------------------------
Kinabukasan, ako at si slater ang naka-assign magbantay sa mga bata habang nagla-lunch sila.
"May-message ka pala..pinost ko sa bulletin board sa staff room" sabi ni slater
"Pano mo nakilala si paco?" tanong niya.
"Ha?" nagulat ako sa tanong niya
"Si Paco Evangelista...He's hoping na free daw kayo ni jessy on thursday night"
"Binasa mo yung message ko?" pagalit kong tanong sa kanya
"Ako kaya sumagot ng phone. May party si paco thursday night. Punta daw kayo mga eight-thirty. Maraming guests dun" kwento niya
"Baka naman i-gate crash mo yung party ha" sarkastiko kong sabi sa kanya
"I don't have to. Last week pa niya ko ininvite" sabi ni slater
"Oh" yun na lang nasabi ko
"Neighbors kasi kami" pageexplain pa niya
"Oh! So sa la vista ka rin nakatira? Rich ka pala eh!" gulat kong nasabi
"Sino pala si Jessy?" tanong niya sakin
(Yes! Interesado na agad siya kay jess)
"bestfriend ko.. super ganda! pakilala ko sayo sa party ni paco" sagot ko kay slater
Just then nagstart ang mga kids na magbatuhan ng pagkain, lumilipad ang mga carrots, patatas at kung ano ano pa.. pinigilan namin sila.. ang ending.. napuno ng ketchup ang t-shirt at mukha leeg braso ko. Dumating si carlo at joya, kinuha na nila ang mga bata para linisin.. Nakita ko si slater tawa ng tawa sa isang tabi..pinagtatawanan niya ang ketchup sa mukha ko. Tinignan ko lang siya ng masama.
"Tintin, wag ka magalit..halika punasan natin yang ketchup"
"No thanks..ako na lang"
"Sure ka? May extra t-shirt naman ako sa bag ko..gamitin mo na muna"
"Wag na.. mas okay pa habulin ako ng mga bubuyog"
"Ikaw bahala.hehe" natatawa pa rin niyang sabi
Hindi pa ako nakakalayo kay slater nang nakasalubong ko si kevin.
"Hi Tin" bati ni kevin sakin
(Fudge naman. Why now?! Nakakahiya)
"Hi kevin..kamusta?" bati ko na naman sa kanya
"Okay lang..nagutom lang ako. hehe" sabi ni kevin
(Ramdam kong pinanonood kami ni slater)
Nagulat ako ng nilabas ni kevin ang towel niya galing sa sports bag niya at pinunasan ang mukha leeg at braso ko.. pagkatapos tiniklop niya ang towel at nilagay sa kamay ko..
"Better?" sabi niya habang nakangiti
"Yeah Thanks.." pasalamat ko sa kanya
"Kain muna ko ha?" umalis na siya at pumunta na sa may counter
Maya-maya ay lumapit si slater sakin at sinabi niya na parang may lungot at pang-iinis "Ang laki naman niyang bubuyog ha"
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Fanfic“The best way to find your perfect match is to meet love halfway.”