Chapter 10

757 9 0
                                    

Ngayong gabi na ang "friendly or group date" (according to slater) namin nila jess,slater at carlo. Mabuti na lang at pumayag si Carlo. Naging close na rin kasi kami at parang kuya ko na siya.  

*Sa Living Room nila Tin

"So sino sainyo ang date ni Tin"  kunwaring nagtataray na tanong ni wendy kay slater at  carlo

"Hi! actually group date lang po ito among friends" sagot naman ni Slater na nakangisi

"Now I know why tin is so pretty, she got it from her ate" malakas na sabi ni carlo kay slater

"Utang na loob wag mo ko bolahin ha.. buntis ako" sabi naman ni wendy

"So you have a husband already?" tanong ni Carlo na parang nadismaya

"Ah, wala eh inawan ako nung bobong tatay ng anak ko"  nahihiyang kwento ni wendy

"So..single ka?" mausisa pang tanong ni Carlo

"Utang na loob..oo naman..tama na ang tanong hahaha" naiilang na sagot ni wendy "Tin bumaba ka na nga"

                                                        ----------------------------------------------

Narinig ko si ate wendy na tinatawag ako kaya bumaba na ko.

"Tin umalis na nga kayo.. naloloka ko sa mga ka-date niyo ni jess etong isa nosebleed" sabi ni ate wendy

"Don't you wanna come wendy?" tanong ni Carlo na parang ikinabigla ng ate ko

"Naku,, hindi na.. baka mapagod lang ako pero thanks for the offer ha" nakangiting wika ni ate wendy

"Bagay sayo tin yung suot mo" puri ni slater sakin

"Thanks slaturrr.. tara na" at inakay ko na ang dalawa palabas

Nag-una si Carlo papunta sa kotse ni Slater at dali-daling sumakay sa backseat. Panira naman tong si Carlo oh..No choice ako kundi umupo sa passenger seat. Binuksan ni Slater ang pintuan ko at sumakay na ako.. (Nice! gentleman si slater.. magugustuhan ni Jess yan)

"Tintin, pakituro ang  way ah" nakangisi nanamang sabi ni slater

"Okay sige" sabi ko naman

Pagdating namin sa bahay nila jess bababa na sana ako ng hinawakan ni Slater ang kamay ko

"Carlo, ikaw na lang sumundo kay Jess please?"  pakiusap ni slater kay carlo

"Sure man" at bumaba na si Carlo para sunduin si jess

"Ano ka ba slater baka maunahan ka ni carlo kay jess" pagsaway ko kay slater

Hinawakan ni slater ang mukha ko.."Tintin.. for the 100th time..this is a friendly date..okay?" malambing niyang sabi sakin

"yes boss hehehe" natatawa kong sagot sa kanya

Tumugtog ang why can't it be na kanta ng 3rd avenue sa radyo at ililipat ko na sana sa rock station ng hawakan ni slater ang kamay ko para pigilan ako.... para akong kiniliti sa hawak niya at napaurong na lang ako sa silya ko.

Pagkatapos na ilang minuto ay sumakay na rin si carlo at jess..

"hey guys! so saan tayo?" ani jess

" I think we should have dinner first" sabi ni Carlo " tapos saka tayo pumunta sa museum"

"Okay great. Let's go!" sabi naman ni jess

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon