"Ate Wendy" sumbong ko habang nakayakap ako sa kanya
"Ayan, ayan na nga ba sinasabi ko" pangangaral naman niya sakin habang hinahaplos ang buhok ko
"Bakit ganun? Si kevin ang gusto ko..pero parang nanginginig ang tuhod ko pag masyado siyang malapit sakin" kwento ko pa sa kanya
"Hay tin,, ganyan talaga ang buhay.. minsan yung taong para sayo nandyan lang pala sa paligid mo"
"Ate naman eh.. si jess ang gusto ni slater,, kaya nga kami lumabas ngayon eh para magselos si jess" malungkot kong sinabi
"Tintin kasi masyado kang mabait, try mo naman agawan si jess! katulad ng palagi niyang ginagawa sayo" suggestion ni ate wendy
"Gusto nga ni slater si jess..bahala na nga..saka pano si kevin? hay.."
--------------------------------------------
*Monday
Buong araw ko iniwasan si Slater. Natatakot akong harapin siya after ng nangyari nung "nag-date" kami. Habang naglalakad ako papuntang cafeteria. Narinig kong may tumawag ng pangalan ko.
"Tin" tawag ni kevin sakin
"Oh hi kevin!"
"Tin.. gusto mo manood ng game namin on wednesday?" tanong niya sa english accent niya
"Umm..kevin..ano kasi.. busy ako"
"Ay ganun?" tanong niya
"Yeah" sagot ko naman
"Even if I do this?" at lumuhod siya sa gitna ng field
"Hala kevin get up!" nagpapanic kong sabi sa kanya
"Please watch my game?" pakiusap niya
"Sige na nga, tumayo ka na diyan" sabay hinatak ko siya patayo
"Thanks tin" at niyakap niya ako
Agad naman akong kumwala sa yakap niya at dun ko lang napansin na nandun pala si slater sa kabilang dulo ng field at nanonood lang samin
Shucks.. nakita kaya niya mga pinagagagawa nitong si kevin? Eh baka naman wala siyang paki kahit nakita niya. Ano ba tong mga naiisip ko.. arrgggh!
-------------------------------------------------
Pagbalik ko sa staff room nadatnan ko sila slater carlo pamu at joya. Pagpasok ko ng room bigla na lang nag-iba ang mukha ni Slater at lumabas, ni hindi ako binati.
"Anong problema nun?" tanong ko sa kanila
"Ewan, baka masama lang ang araw" sagot naman ni joya
"Pamu! sasama kita sa gamme nila kevin, di ba crush mo si kevin?" tanong ko sa kanya
"Oo,, eh di ba boyfriend mo yun? wag mo ireto sakin" sagot niya
"Huh? hindi ko boyfriend yun ah..san mo nakuha yan?" tanong ko ulit sa kanya
"Kwento ni slater, kanina daw sa field lumuhod pa daw si kevin" sagot ni pamu
"Ay,, hindi mali..basta..sumama ka sakin okay papakilala kita kay kevin" pilit kong pagexplain sa kanya
"Okay sige, thanks tin" nakangiting pasasalamat ni pamu
-------------------------------------------------
Pauwi na ko ng makita ko si Slater at Jess magkasamang naglalakad. Parang sumikip ang puso ko. Parang hindi ako makahinga. Parang gusto ko na maiyak kaya nagmadali na lang akong umuwi.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Fanfiction“The best way to find your perfect match is to meet love halfway.”