Dumating na ang gabi ng "date" nami ni Slater. Nalaman to ni ate wendy at pinilit akong ayusan.
"Tin, isuot mo tong shorts na maikli.. makikita legs mong maganda" pilit ni ate wendy
"Ate wendy, basketball pupuntahan namin"
"Utang na loob tin..umeffort ka naman.. gwapo naman si Slater"
"Ate naman"
"Wag ka magulo diyan lalagyan kita make-up at aayusin ko buhok mo"
Wala na akong nagawa at inayusan na ko ni ate wendy. Pagkababa namin nagulat ako ng nakita ko si Carlo nakaupo sa Living Room.
"Bisita ko" nahihiyang turan ni ate wendy
"Ikaw Carlo ha, nanliligaw ka na pala sa ate ko" panunukso ko kay carlo
"Hahaha.. kaw talaga tin" sagot ni carlo
Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na si Slater..pumasok ito sa loob ng bahay
"Hi wendy, Hi Carlo?" parang nabiglang tanong ni slater
"Hi slater!" sagot ni carlo
"Are you here for tin too?" napa-kunot noo na tanong ni slater
"No, I'm visiting wendy, actually" sagot naman ni carlo
"Oh I see...tara na tintin?" nakangiting pag-aaya ni slater
"Bye tin, bye slater" sabay na wika ni ate wendy at carlo
"Okay, tara na" at umalis na kami
----------------------------------------
Lumabas na kami ng bahay at as usual, ang gentleman na si slater ay tumakbo para mabuksan ang pinto ng car niya para sakin. Hindi ko na siya sinaway at sumakay na lang ako
"Ang ganda mo naman! Nagpaganda ka yata talaga para sakin" tanong ni slater
"Loko ka.. maganda ko matagal na" pagbibiro ko naman sa kanya
"Alam ko.. totoo yun" sabay ngumiti siya sakin
Hindi na ko sumagot dahil hindi ko alam kung bakit parang kinilig ako na ewan..
"Excited na ko.. sana manalo B-MEG.." sinabi ko na lang para mabasag ang katahimikan
"oO nga sana manalo sila" pag-sang ayon naman niya
Habang papunta sa araneta ay puro basketball na pinagusapan namin, pag pasok namin sa coliseum.. hinanap na nami ang seats namin.. true to his word nasa lower box nga kami.
Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin si slater "Thanks slaturrr! ang lapit natin sa players..dapat pala sinama natin dad ko"
"Sige next time" nakangiti namang sagot ni slater
Next time? Next time daw? May next time pa kaya? Naisip ko
"Tintin, bili lang ako popcorn and drinks sa corridor ah.. you want anything else?"
"Umm..no..okay na ang popcorn, thanks"
Mga limang minuto paglabas ni Slater ay may umupo sa upuan ni Slater na lalaking matangkad at gwapo din naman
"Hi miss I'm David, May I know your name?"
"Tin" maikli kong sagot..
"Brother mo ba yung kasama mo? Can I have your number?"
"Boyfriend niya, actually.." sagot ni slater na nasa likod na pala niya
Nagulat ako sa sinabi ni slater pero sinakyan ko na lang
"Babe, he was just asking my name..but he's leaving na..bye david"
"Sorry bro, I though she's single. My bad" nahihiyang paumanhin ni david at bumalik na sa upuan niya sa dulo ng row namin
"Nako naman babe, ang daming may crush sayo ah"
"Tse! tigilan mo ko sa babe na yan..hahaha"
"O eto popcorn...at coke" sabi niya. malaking popcorn ang binili niya at malaking coke na may dalawang straw
Pinatong ni slater ang kamay niya sa balikat ko. Hindi tuloy ako nakapagconcentrate masyado sa game dahil mas pansin ko ang pagbilis ng heartbeat ko pati ang napakabango naman talagang amoy ni Slater. Natapos ang game at nanalo ang team na gusto namin ni Slater
"Dinner tayo, Let's Celebrate"
"Wag na..10 na kaya"
"Text mo ate mo na malalate ka ng uwi"
"Sige na nga"
Nagdinner kami sa may Manila Bay. Sa Fisherman's Wharf
"Bakit naman kasi dito pa tayo? ang layo-layo" natanong ko nang nakaupo na kami. Naamoy ko ang dagat dahil ang restaurant ay isang Yacht na ginawang lang na restaurant. Nakalutang pa ito sa tubig.
"Maganda naman di ba? Romantic"
"Uhmm..oo maganda"
"Parang ikaw"
Nanahimik nanaman ako. Pagkatapos namin kumain, binayaran niya ang bill at lumabas na kami
"Lakad-lakad muna tayo sa may bay"
"Sige"
Pinanonood ko ang mga waves sa dagat ng bigla na lang pumunta si Slater sa likod ko
"Tintin, kung may hahalik sayo san mo gustong i-kiss ka?" malambing niyang sabi habang niyakap ako galing sa likod
"Uhmm..ano ba ginagawa mo,, pinagpapraktisan mo ba ako?" Kinakabahan kong tanong sa kanya
"Saan nga tintin?"
"Kung si Jess siguro sa Lips na lang"
"Eh ikaw?"
"Ewan ko.. neck?"
"Ah okay.." sabay hinilig niya ang ulo niya sakin
------------------------------------------
Pagdating namin sa bahay ko. Bumaba si slater sa kotse at hinatid ako sa front door namin.
"Nyt slaturr" paalam ko sa kanya
"Good Night tintin!" Malambing niyang sabi
Nilapit niya ang mukha niya sakin at halos nose to nose na kami, akala ko hahalikan niya ko sa lips kaya napa-pikit na lang ako. Nagulat ako ng biglang humalik sa siya leeg ko. tapos ay niyakap ako ng mahigpit at umalis na. Saka ko lang naimulat ang mata ko. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Kailangan ko makausap si Ate Wendy!
BINABASA MO ANG
Perfect Match
أدب الهواة“The best way to find your perfect match is to meet love halfway.”