C-And???

869 27 10
                                    

ARA





Ang dami ng nangyari sakin, samin ni Daks simula ng umalis kami. Ang bata ko pa pala talaga dati kaya kahit anung talino ko(di ako humble ngayon besh) marami parin akong maling desisyon. Living away from home made me forgive myself and strive real hard to improve. Tapos na akong magpagago at magpakagago. I learned the hard way kaya as much as possible nagiingat na ko ngayon, nagiingat na masaktan ang mga taong importante sakin. Buo ang suporta sakin ng pamilya ko nung nagdecide akong mangibang bansa kahit halata naman na mas gusto sana  nilang nasa pilipinas ako, di nila ako pinigilan. Mga kaibigan ko na iniwan ko ng walang paalam, shit siguradong masasakal ako ng  mga yun. Teammates ko pati si coach, naiwan namin sila ni daks sa ere,nakakalungkot din na hindi kami nakasama sa dream team sa pro league na hahawakan ni coach. Planado na sana ang mga bagay bagay bago pa kami nakagraduate pero naging mahina ako at isinawalang bahala ang mga bagay na importante din sakin. Yung focus ko puro na kay Torres, yung buhay ko pinaikot ko sa kanya, di ko na sya sinisisi kasi choice ko naman yun. Nakakatakot lang yung klase ng pagmamahal na meron ako para sa kanya, ibinigay ko lahat kaya wala ng natira para sa sarili ko, pwede pala talaga yun. Yung kahit masaktan di mo na maramdaman, ayoko ng bumalik sa ganun, it's good to feel and live again, all thanks sa pagtyatyaga ni Mika at ng mom ko. Kabisado na nila ako. It should be a good thing pero....







Mika: Subukan mong sindihan yan at ng masindihan din kita!





Me: Fuck! Ayan na sinasabi ko. Kakalabas ko lang ng terrace natunugan nya na agad na magyoyosi ako. Walang kupas! Alam na alam kahit simpleng galawan ko. Haha





Mika: Aba! Na fuck pa ako. Sindihan kita jan eh. Nakapamewang na.





Me: Come on, di ka pa tapos mag ayos ng gamit mo. Isa lang naman eh. Hehe Sa tanda kong toh nagpapacute parin ako, baka lang gumana. Haha. Pero jk lang, tinapon ko na agad yung stick baka mamaya magbeast mode na sya, daig ko pa asawang inaunder nyan eh. -.-















THOMAS







Nanghihina, naguguluhan  at kinakabahan ako. This can't be happening. Hanggang ngayon sya parin, si Ara parin ang mahal ko. Iba na pala social accounts nya kaya wala kaming gaanung balita sa kanya dito sa Pinas, all I know is she's safe and living a good life in the US ayun na din sa mommy nya. Pinatawad na ako ng family nya kasabay nun ang pakiusap na hayaan ko na daw si Ara kung san sya masaya, pwede ko syang sundan agad sa US pero I know she needs time to heal. Nalaman ko mga paghihirap sakin ni Ara, thanks to her friends na pinahirapan din ako bago ako napatawad. Gago ako eh, kaya ako ang sinisisi nila kung bakit umalis si Ara, well tama naman sila. Friend ko na din sila ngayon kaya nagshare ng info sakin si Cienne.. Sabi nya pinublic na daw ni Ara ang private accounts nya sa fb, twitter and IG.





Syempre hinanap ko agad.... Parang binagsakan ako ng langit sa mga nakikita ko. I know she's cool and hot pero bakit ganito ang mga pictures nila ni Mika? Damn! Parang nung college lang din, naalala ko may shippers sila ng KARA, di ko naman alam na pati sa US magkakaron sila ng tagasuporta. What happened to my Ara?





Hindi naman sya girly manamit dati pa pero ang manly ng aura nya ngayon  kahit suit na pambabae naman ang suot nya at si Mika naman parang lalong gumanda. Inistalk ko ang accounts nya since nakapublic naman na. Nasasaktan ako, dati puro pictures namin o pictures ko inaupload nya,  ngayon puro vacations nilang dalawa ni Mika sa iba't-ibang bansa ang nakikita ko sa IG nya. I'm jealous, tangina selos na selos ako! Yung mga nagfafollow sa kanya mga taga ibang bansa at yung iba naman mga OFW, iniwasan talaga nila ang mga naiwan nila dito sa pilipinas. Oo na, pati accounts ni Mika tiningnan ko. Sikat silang dalawa nung college kasi volleyball player sila at nagmomodel din pero mas masasabi ko na sikat sila ngayon dahil sa trabaho nila, lalo na si Mika. Tangina naman, tangina talaga!





May mga nakatag na picture kay Ara, mas dumami ata nagkakagusto sa kanyang babae pero ang nakakainis eh lahat halos ng mga babaeng nagtatag sa kanya minimention din si Mika. May picture na naka tag kay Ara kasama ang isang tisay "be mine atty" ang caption.. Nagcomment sa Mika ng "MINE" tas nagcomment din si Ara ng "MIKA's" tas may mga comments pa yung iba ng "Atty is well guarded by Dra", "clingy as ever", "you two already"...



Napapaluha na ako. Selos na selos na talaga ako at  nasasaktan na rin. Magbestfriend sila for pete's sake! I prayed hard na sana wala pa syang boyfriend, dapat pala sinama ko na yung "sana wala din syang girlfriend". Of all people yung bestfriend nya pa talaga na alam kong una nya pang minahal sakin. Ironic as fuck.

Jeron: Anu ng plano mo? May kasama pala ako, isa rin yang nagsisi sa ginawa nya kay Mika. At katulad ko napatawad na sya ng bullies at siguradong nalilito na din to ngayon sa nangyayari.

Me: I'll make her fall for me again. Babawiin ko sya. I can't lose her now, ngayon pa bang nakikita ko na sya sa malapitan? Mas minahal ko sya nung iwan nya ko kaya gagawin ko lahat ng kaya ko para magkaayos kami.

Jeron: They looked happy. Kaya mo bang sirain yun? Kasi ako makakalaban mo pag gumawa ka ng kahit anung makakasakit kay Mika.

Me: Walang masasaktan. Bro anu ba? Tingin mo ba sila talaga? Kasi ako hindi ako naniniwala. Nagsisi na talaga sya sa masamang plano nya kay Ye dati.

Jeron: Pinipilit ko naman isipin na walang sila pero sa lahat ng nakikita ko? Ramdam ko na meron na. I'm not even sure if I'm good enough for Mika now.












Hi guys! Sabay tayong maguluhan😂✌🏻️

Changed...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon