MISSION: Tell Him My Feelings

26 2 0
                                    

Gabi na pala, di ko man lang namalayan ang oras. Dahil kay neil kaya di ako makapag-isip ng maayos... Nasaktan talaga ako sa sinabi nya, But thanks to that na realize ko ang totoo pero may sisa pa akong n REALIZE.Just for one day lahat ata na realize ko kulang na lang ma realize ko na lahat na pala ng lalake nagkakagusto na sa akin eh...Joke lang hehe...

Alas syete na ako ng gabi nagising, huhuhu, mahihirapan na naman ako matulog:(...

Ano kaya ang dapat kong gawin? Seryosohin ko nakaya ang mga biro ko dati kay neil? Baka di naman sya maniwala eh...Hay...Ewan! Bukas ko na lang yan iisipin...

"VICKY!",haa! Patay! nakalimutan ko na namang maghugas ng kaldero, yari na naman ako kay Nanay.

"Di ka na naman naghugas ng kaldero!", Ah lola ko nga pala- mukha syang masungit pero sa totoo lang sobrng sungit nya haha, may pagkamabait at nakakatawa yung tawa nya haha.Kahit ganyan sya yan nirerespeto ko sya at ginagalang, at sya na rin ang halos nag palaki sa aming mag kakapatid hay...Kaso araw-araw nya akong pinapagalitan eh...hay nakakasawa na nga eh...Lumabas na lang ako para maghugas ng kaldero at mamaya umusok pa ang ilong ng lola ko eh...Tsk!Tsk!Tsk!

marami pa akong pinag daanan bago ako mapunta sa side ng lola ko kaya graetful ako sa kanya sa pag-aaruga samin...Pero kahit na ganon may ugali talaga ang lola ko kaya kinasanayan na namin hehe.

......................................................................................................................................................................................

Shocks! Ang lamig ng tubig! Brrrr... Bakit pa kasi umaga at hapon ang pasok sa Zambales eh, pwede ba kahit hapon na lang.Tsk! 4 kasi ako palaging naliligo at walang palya yun...hahaha.

Natapos na ang lahat, nakaligo na kami at nakakain na rin. Hinihintay na lang namin si lolo namin para mahatid kami sa school.Si kapatid kong bunso, Lheonard, at si pinsan, Jeremy, ay kapwa gade four sa Sto.Rosario elementary school kaya doon sila hinahatid.Si ate ko jennifer, ayon nagtanan na saayang nga sya eh-maganda sya at kinakatakutan namin ni kapatid nung mga grade four pa lang ako at nasa masinloc pa lang kami-, si pinsan kong si Sanzhiela-na pinaka maganda saming mag-pipinsan - at si kapatid nyang si cyrine ay hinihahatid sa may carenderia nila sa may palengke. Si cyrine ay grade six naman sa iba elementary school at si Sanzhiela , also known as Pokwan/poks, ay third year high school sa RMTU;hahaha sikat nga sya sa school nila at sobrang ganda nya eh,madaming manliligaw at di sya nawawalan ng BF.Samantalang ako Di mukhang Ducog ,haixt...

Si lolo ko nga pala-mataba at palaging masaya, mapagbiro din at ang taong madaling makapang=asar sa lola ko haha... Nakakatawa nga pagkinukwento nila ang lovestory nila samin eh haha...

Salamat at naka sakay na rin sa tric... On the way to school na...Ay! Paano to? Paano pag si neil yung nadatnan ko sa room..? Ano kaya ang gagawin ko? Tulungan nyo po ako...

haaaaaah! Buti na lang at bukas na ang classroom namin. Makapasok na nga...

"Ah!", Sh*t ! Si Neil! uwaaah anong gagawin ko nakatingin sya sa akin. Malungkot ata sya?

flashback

"Di ako maka pag concentrate!"

Hmmp! Inirapan ko sya at di na lang pinansin, NIlagpasan ko syang parang hangin at natulog sa may upuan ko habang naghihintay kila shynna...

"Rebecca?", god so persisstent! Di ba nya alam na nasaktan ako sa sinabi nya? Of all the nerve!

Mas magandang di ko sya pansinin kaysa masaktan ko pa sya sa sasabihin ko.

"Galit ka ba?", ganun lang kadaling sabihin yun para sa kanya!!! God You're hopeless!

"Galit? HINDI naman ako galit eh..." patay halata ang sarcasm, sabi na eh iba ang gusto kong sabihin sa nararamdaman ko....

Neil, lumayo ka na sakin . Ayaw kitang masaktan kasi mahal kita, kasi mabait ka, at caring sa girls; ayaw mong may nasasaktang babae dahil sa'yo....

"Ano ba ang nagawa ko?", puppy eyes? Thats BS....Grrrr.

"Wala..! ", makalabas na nga lang at baka lalo pa syang masaktan sa mga ipapamukha ko sa kanya... Bago ako makalayo ay hinablot nya ang ka amay ko," ANO BA?! Bitawan mo ko! Wala ka na mang pakialam sa akin di ba? Wala kang pakialam sa nararamdaman ko! Dahil ang turing mo lang sakin eh kaibigan..." sh*t , bakit ba lumuluha ako ng dahil lang sa manhid na to."... Dahil para sa'yo lahat ng gingawa ko ay biro! Di mo ba pansin na pag inaasar ka nila kay hyacinth nasasaktan ako, dahil, Neil, mahal kita. Di mo ba naiintindihan yon? Sa tingin mo bakit tawag ko sa'yo 'mahal'? Kasi talagang mahal kita!", oh my gawd! I hate my self ... Crying because of you, I, too am hopeless...

"Sorry.",yumuko sya habang nagso-sorry. Bakit ka nag aapologize? dahil ba di mo kayang suklian ang pagmamahal ko?

Ng muli akong magsalita ay kalmado na ako,"Alam ko una pa lang wala na akong pag-asa sayo. Kaya, di mo kailangang mag-sorry", ngumiti ako to ease the tension .

"SOrry din kung may na sabi akong masama sa'yo na ikinasama ng loob ko", ewan ko ba, kahit anong gawin nya gwapo pa din sya...Tumitig sya sakin at bigla na naman syang nag-blush... Wala pa ako sa mood tumawa ng bongang bonga eh kaya pa demure muna." Haha.."

Tutal nasabi ko naman ng totoo na lahat ng sinasabi ko up till now, kkakaririn ko nho ito ng bongang bonga..." Neil..." Npalingon sya sakin pero nagba-blush pa din sya, ahhh it made my hart skip a beat.... So cute>.<.

"... Alam kong wala na akong pag-asa sa'yo, wala man si hya o wala, wala talaga akong pag-asa sa'yo, ne?", ngumiti ako dahil sa expression nya na pinakita sakin.Malungkot ito at may halong pakikiramay,"Ito ang tatandaan mo..." , hay bumalik na rin ang sigla ng buhay ko..Yata! "... Gagawin ko pa rin ang lahat para mahalin mo ako! Kuntento na ako kahit di maging tayo, basta alam ko na mahal mo ako, Tapos! Period, walang kasunod. Ne?", SYempre pa cute unti at sabay eye-to-eye kay neil, and that causes him to blush again and his blushing causes me to fall in love with him more and my heart beating faster.

Napa ngiti si Neil ," Goodluck!". Oh my gosh! Sinabi nya ba yung goodluck.

"Neil?!", bigla ulit syang nag-blush.

"Wala!", aba'y manigaw ba? "Sory ulit dahil na sigawan kita"

"Ahahahahahahahahahahahahahahahaha!" Lols XD.

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

bakit sa dinamidami ng pwedeng karibal, si bestfiend ko pa ang matinding karibal ko....

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

4th chapter: "Friends or Love?"

Sensya na ha! Mahal kita eh!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon