I Had Decided.

30 2 1
                                    

Ako nga pala ulit si Rebecca, isang dalagang nagmamahal ng lubos sa isang tao na kahit kailan ay di mapapa sa akin sa kadahilanang ayaw ng tadhana (chos) . Ang pagmamahal kong yun ay nagresulta sa isang bangaan sa pagitan ko at ng aking kaibigan sa kadahilanang mahal nya rin ang lalaking minamahal ko...

9:30 AM, II-2's room at ZNHS.

Di ako makapag concentrate dahil sa mga bagy na di malinaw para sa akin. Mahal ko si Neil pero mahal ko din si Roseber, isa pa pinili ko ang kaibigan kesa sa pagmamahal. Arrggh..! Ano bang dapat kong gawin!!! di ko na alam kung dapat ba pagpatuloy ko pa ang pagmamahal ko kay Neil o just give up, tutal ganun din naman yun eh.

"oh, Rebecca di ka mag recess?", mukhang troubled sakin si shynna ah.

"Ala akong gana", ang tamlay-tamlay ko talaga at wala ako sa mood kumain simula pa kagabi.Di ko na alam ang mga nangyayari sakin.

"LoveNat yan", para bagang tinitignan nya ako mula ulo hangang paa at tumatango-tango pa itong si Charlyn P.

Tinitigan ko sya habang nakasalumbaba ako. "LoveNat? Wala namang gamot doon eh", yan na lang ang nasabi ko at tama sya LoveNat nga talaga ata ito.

"Neil! Kailangan daw ni rebecca ng KissPirin at YakapSule mo!"

Napatayo ako at tinakpan ko ang bibig ni Linard sa sobrang daldal at lakas ng pagsigaw nya.

"Gaga! Siraulo! Wag nyo akong pinagtitripan ah. Problemado na nga yung tao eh!"

Ang sama na nga ng pakiramdam ko eh dagdagan pa nila.

"Ano yun?"

Shit! Dumating pa ang major problem ko, pati ba naman yung sinigaw ni linard patulan.

"Kailangan daw ni Rebecca ng Ki-"

Tinignan ko na ng masama si Linard at pinanlakihan ng mata, " 'Ge tuloy mo lang. Tignan nating kung di babaha ng dugo dito.Sige lang!"

"Eih! Di na mabiro" inuuntog nya ako ng pwet nya at tawa ng tawa, yung pang nang aasar at kinikilig at the same time.

"Di naman kasi nakakatuwa eh"

"Ano ba kasi yun?" Inosenteng tanong lang, imposibleng di nya marinig yun eh Dyan lang naman sya sa may row 1 sa unahan.

"Wala nga eh", medyo sarcastic na ako.

Napakamot sya sa ulo nya at umalis na lang. Nag " Aiiyiee" sila ng sabay-sabay at umupo na lang ako.

Umalis sila para bumili ng pagkain nila at ako ay yumuko na lang sa may desk ko para magpahinga at pumikit.

Pagnaaalala ko ang mga sinabi ko kahapon sa tingin ko ay kailangan kong piliin si Roseber, tutal mas tumatagal talaga ang Friendship kaysa sa commitment, PERO wala naman kaming commitment ni Neil eh hahaha... Natatawa na lang talaga ako sa sarili ko hahaha ...

May bumangga sa upuan ko, tumingala ako at tumingin sa likod ko at nakita ko ang tingin sa akin ni roseber, mataray at walang sinasanto. "Excuse me! Hmfp!" Sabay exit nya.

Ayaw ko ng ganyan si Roseber, ang sakit sa dibdib pag ganyan sa akin si Roseber...

.

.

.

.

.

Lunch Time

As usual, sama-sama kaming kumain ni Liezl at Shynna.

"Rebecca, kumain ka ng marami at di ko ito mauubos", hinahatian ko kasi si Liezl sa baon nya.

"Wala talaga kasi akong gana eh, pasensya"

"Don't let it bother you", sabi ni Shynna sa'kin.

I have this surprise at the same time mocking look on my face to somehow tease her,  " Shit...!"

Tumayo ako at sumigaw, " ...Guys, si Shynna Mae S. Valiente, nag- english! OH MY GOSH!!!"

Sabay tawanan namin ni Liezl.

"Gago!" , hahaha yan na lang ang nasabi ni Shynna.

Kahit gaano pa din ako kasaya ay dama ko pa din ang lungkot na dulot ng desisyon ni Roseber.

"Shynna, I think I had decided.", ang sinabi ko habang naka ngiti pero sa ginawa ko ay lalo pang nadama ni Shynna na Troubled at malungkot ako.

"Ano yun?", pagtataka ni Liezl na para bang wala sya kahapon sa conversation namin.

We look at her with an awe face to show her how her stupidity caused her," Bakit?!", yan lang ang nasabi nya sa amin.

"MAbuti pang layuan ko na si Neil para kay Roseber", malungkot pero naka ngiti kong sabi kay Shynna.

"Sure ka ba dyan te?", tanong nya sa akin. Ngumiti lang ako sa tanong nya dahil kahit ako di sure pero alam ko yun yung kailangan kong gawin para mag stay ang relationship namin.

.

.

.

.

Mga quarter to 1 ng hapon

"Boss Tsuna!", pambungad na sigaw sa akin ni Charlyn P.

"Oh? Bakit Hayato?, ang reply ko naman sa kanya.

"Laro daw tayo, nagyayaya yung Baka-chi*",sabi nya na para bang naiirita pero masaya.

*Stupid cow sa english yung baka-chi, from the anime Katekyo Hitman Reborn*

"Ano daw'ng laro?"

"Patin daw"

"Patin? ... Game!"

Tumayo ako at naglakad palabas, paglabas ko ay naandoon din si Roseber ngumiti ako sa kanya pero umiwas sya sa ngiti ko. Sa tingin ko kailangan ko talagang isa katuparan ang lahat para bumalik na kami sa dati ni Roseber.

"Rebecca, sasama ka?", nasa likod ko kasi yung nagtanong kaya di ko alam kung sino yun.

"Oo naman. Ako pa! Ha! Ha! Ha!",paglingon ko sa likod ko ay si Neil pala yung nagsalita at nagtanong.

"Kawawa naman si Neil. Di makasama sa laro namin", pang-0aasar ni Shynna na nagme-make face pa para lang asarin si Neil.

"Ok lang", kalmadong sabi naman ni Neil na di man lang natatablan ng pang aasar ni Shynna.

At nainis si Shynna na Lambo namin sa Family namin ... Kami ay isang mafia family na ang pangalan ay Vongola Family, at ako ang boss nila, a.k.a. Tsuna.

Hahaha, syempre malalaman nyo rin ang pinagmulan ng pamilya namin sa susunod na Especial chapter, dahil panigurado di nyo masyadong type yun kaya especial na lang. Maiksi lang yun so bear with it hahaha XD . Pero next time na lang.

Special Chapter: Making of Vongola  Family

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sensya na ha! Mahal kita eh!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon