Akala ko tahimik at simple lang ang magiging buhay ko ngayong 2nd year ako, pero....
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Hay.... Grabe ang aga-aga nagtatalumpati si Edora.... Hay....
Ako nga pala si rebecca, 13 years of age and 2nd year high school sa ZNHS... Simple lang ako , di kagandahan pero di panget,di maputi,,di katangkaran, makulit,pasaway,masayahin,malakas ang boses, madaldal at komedyante ng tropa, yan si ako haha.Mahaba din nga pala ang buhok ko at foul mouthed.
At eto na... parating na si Shynna-ang bestfriend ko since grade VI, maganda sya , maputi ,mas matangkad sakin,pasaway,masayahin, kengkoy at kami ang tandem haha...Kaso maganda nga sya pero di sya marunong mag ayos ng buhok XD haha maiksi na nga ung buhok nya eh,hay...
"Rebecca? Nakita mo ba si linard?", bulong nya saakin ng nakalapit na sya.
"Hindi eh.Bakit?" bulong ko din sa kanya pero di ko na sya nilingon.
"Tsk. Nasa kanya kasi yung laruan ko eh!" mahina lang ang pagkakasabe nya pero halata ang pagkainis nya.
"Ibabalik nya rin yun. Remember classmatez tayo", napatingin na ako ngayon sa kanya...
Natapos na ang flag ceremony ng wala man lang akong naintindihan dahil sa nakikipagdaldalan din ako... Nagpunta na kami ni shynna sa classroom at nadatnan ang buong klase na masayang nag-uusap at nagtatawanan... Ikaw ba naman eh TWO months lang naman kayong di magkita alangan di nyo ma-miss ang isa't isa , di ba?
At eto na ,nakita na namin si linard - friend ko nga pala sya since grade six din, tropa namin ni shynna; lalaki sya ( o hindi? Ewan), mataba sya, makulit pasaway at may pagka seryoso depende sa pinag-uusapan.
"Linard?" masama ang tingin ni shynna kay linard.
"Bakit?" patay malisya naman si linard.
"AKIN NA NGA YAN!" sabay hablot sa maliit na stufftoy na hawak ni Linard.
"Manahimik ka nga shynna!", pagsaway ni roseber kay shynna na sisigaw na naman sana; si roseber nga pala, bestfriend ko. Pasaway din sya yan, di talaga maganda , di rin maputi at may katangkaran lang ng kaunti sa akin, ang pinaka maarte saming tropa, may pagka maharot din ... ahhahaha tamang panlalait lang noh haha... Di ko nga alam kung paano kami naging sobrang close eh haha.
"Ikaw din Roseber!" pilit na sigaw ni Liezl para malakas pero kahit na yun na yung pinaka malakas nyang boses, yung pa lang yung normal voice ko eh hehe. Oh ito si Liezl, ang pinaka matangkad sa grupo namin, pinaka mahinhin in the level na pinagkakamalan na syan maarte, malapad ang noo nya at may unique na pagkain ng ice cream haha, pero mabait yan hehe.
Dumating na ang guro namin , si shynna ay natatrantang umupo sa upuan nya dahil inabutan sya ng titser namin na nakatayo sa mismong harapan. Naghagalpakan nga ang lahat kay shynna eh , napahiya na nga barado pa kay Roseber at Liezl.
Naglapag ang titser namin ng class record nya at nag umpisang mag salita."good morning class. Ako nga pala ang class adviser nyo, ako si Mrs.Tolentino at magiging guro nyo ako sa T.L.E sa third at fourth grading"
Lahat ay nagreact dahil sa mukha talagang mabait si ma'am kahit anong anggulo mo pa tignan...
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
BINABASA MO ANG
Sensya na ha! Mahal kita eh!
Storie d'amorelove story, sori po sa pag gamit ng bad words but this is how this story should be! at nandito din po ang mga bagay na kinakaharap ng karaniwang mga teenager, about love man o family... Enjoyin nyo po sana..:) Arigatou!