Chapter 42: Danger.

945 40 2
                                    


SACHIKO.

okay, okay okay. How to calm? Putek bakit nya kasi ako niyakap. Required ba yun? Di naman ata. Bakit KINIKILIG AKOOOO.

"Sachiiiiiiii" sinigawan na ako sa tenga may kasama pang palo sa braso. Aba masakit.

"Aray ano ba?" Saad ko. Nyemas na pierre to.

"Kaninang kanina pa akong nagsasalita dito di ka naman nakikinig. Lutang ka na naman" ani nya. Talaga? Lutang na naman ako.

"Sorry naman" saad ko. Tinuon ko yung paningin ko sa labas ng bintana. Pero mukang mali ata . Nakita ko si maxx na naglalaro ng soccer kasama yung mga kagrupo nya. Parang nag s'slow mo yung paligid habang tumatakbo sya. Tapos pawis na pawis na sya. Bakit ang hot nya pag ganun. Ay mali cool pala. Tapos nagb'bounce yung buhok nya habang tumatakbo sya. Yung mga ngiti nya sa labi ang tamis. Lalo syang gumagwapo pag ngumi-ngiti sya at paglumalabas ang mapuputi nyang ngipin.

*dug dug dug*

Bakit nararamdaman ko na naman yung weird na ganitong feeling?

"Inlove ka na" nadako naman ang tingin ko kay pierre na nakatingin din pala sa field kung san naglalaro sila maxx at ang mga kagrupo nya.

"Huh?" Patay malisya kung saad.

"Wag ka ng mag patay malisya bessu, gusto mo na sya diba?" Saad nya at tumingin sa mga mata ko. Seryoso sya.

"Ano ka ba haha tara kain na lang tayo" pag aaya ko. Pero mukang di sya natinag.

"Bessu hindi naman masamang umamin diba? " saad nya.

"Pierre kasi ahm haha wa-wala namang masama diba?" Saad ko dito .

"Masamang?" Psh alam naman ih.

"Wala namang masamang mainlove diba?" Saad ko.

"Oo naman, wag lang bessu sa maling tao" saad nya sabay ngiti sakin.

******

Umuulan na naman. Psh ano ba yan. Pababa na sana ako ng hagdan ng maalala kong nasa room pa nga pala yung payong ko. Kaya ayun wala akong nagawa kung di balikan yun. Layo pa naman din ng room namin sa Main gate kaasar. Di pa man ako nakakapasok sa room tanaw ko na si maxx na nag aayos ng gamit nya.

*gulp*

Hala, anong gagawin ko kukunin ko pa kaya yun? Nahihiya ako. Nag p'flashback kasi sa utak ko yung nangyari. Tingin sa langit. Umuulan na talaga. Ah bahala na kukunin ko na lang.

Dali dali kong pinihit yung doorknob at dali dali rin akong pumasok sa room. Asan na yun? Hala, dito ko lang yun inilagay. Bwiset naman.

"Sayo ba to?" Halos manginig ako ng magsalita si maxx mula sa likod ko. Nilingon ko naman ito upang makumpira kung sakin nga yung payong na yon. Payong ko nga.

"Ah o'oo akin na" ani ko.

"Psh sorry sakin na to, iniwanan mo e" ani nya. Aba, maloko to a.

"Huh? Akin na yan wala akong gagamitin" saad ko.

"Bumili, masyado kang pabaya" ani nya.

Okay, pabaya ako. Edi sayo na.

"Kainin mo,sayo na" saad ko sabay takbo palabas. Bahala na. Susugod na lang ako sa ulan.

Takbo , takbo, takbo. Basang basa na ako ng ulan. Nakakainis talaga yang maxx na yan.

Nakalabas na ako latlahat sa School wala pa rin si manong? Aba manong asan ka na?

*whoooshshhhhooo*

Ang lamig. Paunti na ng paunti yung mga estudyanteng dumadaan dito.Nagsisimula na akong kabahan. May tambay kasi dun sa tapat ko. 2 lalaki. Feel kong nakatingin sila sakin. Tapos mga naninigarilyo pa. Nakakatakot . Maya maya biglang lumakad yung dalwang lalaki palapit sakin. Anong gagawin ko?

"Miss solo ka ata?" Guy1

"Gusto mo sama ka samin" guy2

"No thanks" saad ko. Kunwari chill  pero sa loob loob ko. Takot na takot na ako. Hindi ako pwedeng tumakbo, mabagal akong manakbo.

"Aba pabebe pa pare" guy2

Oh please lord, help me guide me. Tulong please. Sana may dumating na saviour.

"Miss sama ka na, dadalhin ka na namin sa langit" guy 1

"Kayo na lang. Sama nyo yung kapatid nyong babae" saad ko.

"Aba gago to a dinadamay mo yung kapatid namin" guy2

"Mas gago kayo, may nanay, ate at kapatid kayong babae tapos mang gaganto kayo, ano na lang mararamdaman nila pag ginanto rin sila. Isipin nyo na lang na may kapamilya kayong babae" buong tapang kong harapan na nasabi sa kanila yun..

"Aba paawa pare, halika na nga" guy1 sabay higit sa braso. Nanglaban ako ng nanglaban.

"Tulongggggg, bitawan nyo ko, maawa na po kayooo" higit pa rin sila ng higit sakin. Niiyak na ako. Anong gagawin ko?

Maxxxxx tulonggggg.

Hinihigit pa rin nila ako. Wala ng lumalabas sa bibig ko. Tanging pag iyak na lang ang kaya kong gawin ngayon.

"Mga pre mali naman ata yan?" Nabuhayan akobng marinig ko yung boses na yun.

Maxx.

Oh thanks papa god.

"Bro humanap ka ng iba na lang samin na to e dami pa dya-------" dina natapos pa yung sasabihiin nung lakaki ng suntukin na sya ni maxx .

Yung isa naman ayun natakot ata, nanakbo paalis. Samantalang yung nasuntok dali daling tumayo sabay takbo.

Di ko napigilan yung sarili ko. Nayakap ko sya ng wala sa oras. Nagulat din ako sa ginawa ko, pero siguro sa sobrang takot ko na may mangyari sakin laking  pasasalamat ko talaga sa kanya. Dahil kung wala sya diko na alam ang gagawin ko.

***********
Malapit na guys :* :) Vote and comment.

ⓒShangster.

The Bullied Princess.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon