Chapter 53: PiErl.

928 36 3
                                    


PIERRE

"Marunong ka bang sumayaw?" Pagtatanong ni erl. Obvious ba erl malamang OO.

"Ano bang problema mo huh?" Saad nya ulit. Diko sya iniimikan e.

"None of your business" saad ko.

"Mr. Thompson Ms. Labissiere anong problema lagi na lang kayong magKaaway" sigaw nung prof namin

"Lq" sigaw nung mga kaklase namin.

LQ sarap pakinggan kahit sa magsyota lang naman.

"Eto po kasing si baby galit na naman sakin" nadako ang tingin ko kay erl na nakatingin lang sakin ng deretso at seryoso.

*dug dug dug*

"Ayieeeeeeeeee"sigawan ng mga kaklase namin.

"LQ naman pala e, o tama na ang pag ibig mag practice na ulit kayo." Sigaw nung prof namin.

Ako ayun tahimik lang di makapag react sa sinabi nya. Aasa na naman ba ako.

"Focus" ani nya.

Nagpatuloy Lang kami sa pagpapractice. Di ako makasunod. Kada hakbang nya hahakbang din ako. Wala talaga ako sa sarili ko.

"Hey focus" saad nya sabay tingin sakin ng deretso. Napatigil ako sa pagsayaw. Actually parehas kami.

Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Nakatunganga lang ako sa kanya.

"Sorry" ani nya. Nagulat ako sa sinabi nya. Sorry for what?

Agad akong tumungo at umupo sa bleachers pagkatapos na pagkatapos ng practice. Palagi akong nandito. Tinatanaw si erl sa malayo. Kasama nya yung nililigawan nya. </3 saklap :( aaminin ko talaga inlove na inlove ako sa kanya. Crush ko sya since grade 6. Kaklase ko sya simula grade 4. Pero nung grade 6 lang ako nahulog/nafall sa kanya. Sa totoo lang kaya ako dito pumasok kasi andito sya.hindi sya nagtataka na crush ko sya kasi sino nga ba ako. Di hamak na Nerd lang naman ako. Panget. Kasalungat sa mga babaeng nililigawan nya. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mata ko. Sakit kasi e. Ang tagal tagal ko ng nagpaparamdam sa kanya wala pa rin. Every valentines day lagi ko syang binibigyan. Isa ako sa mga babaeng nag aadmire sa kanya. Pero syempre di ako nagpapakilala sa kanya. Hanggang tanaw lang ako. Hanggang tanaw lang sa masayang sya kasama yung taong gusto nya.

Dinukot ko yung cellphone ko sa pocket ko . Nakita ko sa screen yung itsura ko.

Maganda ba ako?

"Hahaha pierre di ka maganda wag kang tanga" nasabi ko na lang. Bakit di ko kaya itry na mag ayos?

Ano bang itsura ko? May salamin na makapal. Braces. Hindi naman ako geek na geek. Makinis naman yung muka ko, kulang lang saayos yung kilay ko hmmm. Okay tomorrow hahaha.

Agad akong bumalik sa gym kung san kami nagpapractice pero mukang mali ata. Nakita ko si erl kasama yung nililigawan nya na nag uusap. Awwwtsss

Napaiwas ako ng tingin ng tumingin sya sakin.

*booooogssshhhh*

Aray. Sa sobrang lakas nung pagkakabangga sakin nung lalaki napaupo ako ng wala sa oras at wrong move naituon ko yung kamay ko sa sahig. Araayyyy. Nalaglag din yung salamin ko. Asan na yun. Ayokong makita nila akong walang salamin.

The Bullied Princess.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon