Chapter 49: Halloween.

969 39 5
                                    


SACHIKO.

Halloween na, dalawin mo naman Harry Potter yung puso kong patay na patay sayo . HAHAHAHA

Makorny.

"Bessu anong gagamitin mong costume mamaya?" Nga pala. Ano nga palang gagamitin ko mamaya?

"Huh wala" saad ko.

"Anong wala?" Pagtatanong nya.

"Wala e, tara sa baba magluto si mommy " saad ko. Andito kami ngayon sa bahay. Gusto nya daw kasing ma'meet si mommy.

"Tara tara gusto ko yan" basta pagkain ang bilis. Napagpasyahan naming bumaba nagugutom na rin kasi ako.

"Oh mukang may gutom na at bumaba" pangbungad ni mommy pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng kusina.

"Ah hello po tita" pangbungad ni pierre. Dere-deretso lang ako patungo sa ref bahala silang dalwa na mag usap.

"Annyeong hija, have a seat, sachi luto na tong niluluto ko. Kain na kayo" pagtatawag ni mommy. Parang napakalayo ko naman masyado kung makatawag. E nasa likod nya lang naman ako.

"Ano yan?" Pagtatanong ko. Actually cookies sya na hugis oblong Hahaha.

"Sachi obvious cookies" saad ni pierre.

"Haha o eto gatas o" saad ulit ni mommy.

"May niluto din akong spaghetti gusto nyo ba? Wait lang ikukuha ko kayo" dagdag pa nya. Kaya kami ni pierre walang sawa sa pagkain. Masarap naman e.

*******
Kasalukuyan kaming naghahanda para mamaya sa halloween party. Ano bang isusuot ko? Anong costume ko?

"Bessu alam ko na mag ala Harley queen ka dali na." Saad ni pierre.

"Loka masyadong daring yun. Ayoko nga. " saad ko saka nagpalinga linga. Harley queen. Hmmm parang maganda nga yun a

"Ihh bagay kaya sayo. Maputi ka tapos mahaba yang buhok mo,tapos kyaaa, wait tatawagan ko na yung make up artist namin" singhal ni pierre. Ano pa bang magagawa ko. Wala rin naman akong susuotin.

"Ikaw anong sayo?" Pagtatanong ko.

"Hmm white lady kasi si erl ghost din e kyaaaaa" bahagya naman akong natawa sa sinabi nya. Maloko.

Maya maya'y dumating narin yung make up artist na tinawagan nya. At wow ha. Kumpleto dala narin yung costume namin.

"Hija you look so gorgeous, bagay na bagay sayo si Harley Queen" napangiti na lang ako ng pilit habang sinasabi nya yun. Bakit kasi eto pa. Dapat pala nagwhite lady na lang ako.

The Bullied Princess.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon