Chapter 17: Awkward.

1.2K 58 2
                                    


SACHIKO.

Natapos ang weekend at ayun masaya naman. Nakilala ko ng husto yung mama ko. Ang ganda pala talaga nya nung kabataan nya. Mag ka muka nga daw kami e. Pero iba ako sa kanya ngayon haha. Nerd kasi ako. Sya hindi, peymus popular sya sa school nila. Queen bee din sya. Wow lang. Samantalang ako kilala sa school bilang bullied princess. Ibang iba sa kanya. Pero kilala din naman ako sa school na matalino. In short Nerd hahahaha.

"SACHIIIIIIIIIIIIII" nagulat naman ako ng may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko aissssshhhhh.

Pierre.

"Wahhh imissyou sachi tara may ipapakita ako sayo" hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinigit na ako nito sa kung saan.

Maya maya pay nakarating na kami sa Garden. Woww ang ganda. Puro flowers tapos wahhh basta ang peaceful tignan. Naaliw ako sa garden. Yung feeling na mawawala yung problema mo. Ang saya dito. Nakakagaan ng loob. :)

"Do you like it?" 😮 bakit parang nag iba yung boses ni pierre? Paglingon ko mula sa likod nagulat ako ng makita ko si Klay.

*dug dug dug*

Hala anong ginagawa nya dito? Bakit,bakit ganto yung nararamdaman ko sa kanya. May something e. Pero parang mas may something kay maxx. Teka. Aissshhh.

"Ah haha ah oo, hmm ang ganda hehe" nahihiya ako kay klay. Hindi ko alam kung bakit. Feeling koy nagtataksil ako sa kanya  wow ha nagtataksil lakas ko naman.

"Sorry nga pala about dun sa kahapon" saad nya kasabay ng pagkamot nito sa kanyang ulo. Hahaha ako nga yung may kasalanan e.

"Ah haha naku naku, o-ok lang, ako nga dapat yung humingi ng sorry kasi natarayan kita hehe, sorry" saad ko sabay wink. Nahihiya talaga ako sa kanya.

"Ahm haha ok lang, ah ano hmm tara na mag ta-time na rin naman" saad nya. Aww medyo na- disappoint naman ako dun hahaha. Pero ayos lang at least ok na kami :))

*******
Nakatingin lang ako kay maam habang nagtuturo ito. Aissshh bakit ayaw pumasok ng nga lessons ni maam sa utak ko. Kahit naman alam ko na yun kaylangan ko pa ding malaman yun ng husto. Para to sa Ekonomiya ko HAHAHA ..

"OK class dismiss" di ko namamalayan ang oras. Recess na pala. Ang bilis ah masyado na akong wala sa sarili.

"Ok 5 vs. 5" napatingin naman ako dun. Sino pa yun? Si black yung grupo nila kausap si erl. Ano na naman kayang binabalak ng mga to. Tsss baka mag aaway sila? Hala bakit naman? Sinong dahilan? Ano ang dahilan. Naku naku, wag lang talaga mababangasan muka ni klay at hoo ako talaga makakalaban nila :))

"Sachi tara na sa canteen" saad ni pierre na kanina pa palang naghihintay.

"Naku wait lang mag sasauli pa ako ng libro sa library e, kung gusto mo mauna ka na" saad ko at saka binitbit ang mga librong binasa ko kanina.

"Tulungan na kita" nagulat naman ako ng may biglang kumuha ng mga libro ko.

Si Jestin pala. Nakakatuwa sya sa totoo lang. Mabait sya di tulad ni maxx. Magbabarkada kasi sila. Sya pati yung pinakang tahimik sa kanila. Di naman sa sobrang tahimik. Bipolar daw kasi to. May pag ka sweg sya, tapos singkit na maputi. Cute nga nya e.

The Bullied Princess.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon