"Tama. Mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni dad."
~
Khyle's POV
Hindi ko maiwasang maging malunkot. It's been a while since namatay si Dad. 5 years na ata? Kami lang ni Kylie ang naging saksi pagkat wala na si mom. Pero mas nalungkot ako para kay Kylie. Mas close kasi sila ni Dad. Yayakapin ko sana siya nang tumunog ang school speaker.
"Attention. Calling Khyle and Kylie Mendoza. Khyle and Kylie Mendoza. Please proceed to Class E right now. " Nagtinginan kami sa isa't-isa at mukhang pareho ang iniisip namin. Late na kami.
"Late na tayo."Pag-uuna niya. Knew it. "Alam ko." Hindi na kami nagsalita pa at tumakbo nalang papuntang Class E. Buti nalang at andito na kami sa fourth floor.
~
"Nasaan na ba ang dalawang iyon?!" Isang malakas na sigaw ang narinig namin habang papalapit pa lamang kami sa classroom. "Si Principal Duris ba 'yun?"
"Patay tayo dito Kylie. Ikaw kasi eh. Ang drama mo!"
"Anong ako?! Ikaw ang na late, hindi ako. "
"Ano? Atras na tayo??"
Tatalikod na sana kami ni Kylie nang may narinig kaming isang galit na matand- este principal.
"MENDOZA!"
Dahan dahan kaming humarap at nakita mamin si Principal Duris na galit na galit habang nakatingin naman sa amin ang mga estudyante ng class E sa kanyang likuran.
"Both of you are late. I don't want this to happen again. Kaya huwag niyo nang aksayin ang oras ko and do your job." Dahan dahan niyang sinabi.
"Opo.." sagot namin dalawa ni Kylie.
Pumasok na si Principal Duris at dahil sa takot na baka sila'y madamay pa ay bumalik ma rin ang mga estudyante ng class E sa kanilang mga upuan. Pumasok na rin kami at pumwesto sa harapan kasama ang principal.
"Class E. This is Khyle and Kylie Mendoza. They will be your temporary teacher at magtuturo sila ng cookery at assassination habang wala si Teacher Solomon. Kaya kung ano ang sasabihin nila, susundin ninyo. Treat them as your teachers during class hours. Am I clear Class E?"
"OPO" Sagot ng class E sa kanya.
Binigyan kami ng death glare ni principal Duris bago siya tuluyan nang umalis sa classroom at naiwan kami kasama ang Class E.
Hindi nagsalita si Kylie kaya ako ang nauna.
"Okaay! Sa araw na ito, we will evaluate kung ano na ang nalalaman ninyo tunkol sa cookery at assassination mula sa inyong previous teacher."
Siniko ko si Kylie, senyales na siya naman ang magsasalita.
"Ikaw na." Bulong ko.
"Ibibigay namin ang mga papel na ito at ang gagawin lang ninyo ay sasagutin ito sa buong period." Saan galing ang papel?
"Pero kapag may mag iingay, lagot kayong lahat sa akin." Dagdag niya.
Walang nagsalita sa class E kaya sinimulan ko nang ibinigay ang mga papel. Umupo si Kylie sa upuan sa harap. Pero isa lang ang upuan kaya naglibot ako sa classroom para sila'y mabantayan.
Habang naglalakad, isang napaka pamilyar na itsura ang sumalubong sa akin.
Shin? Kaya pala nawawala siya pag Sabado. Sa Class E pala siya, akala ko Class B? Tatanungin ko nalang siya pagkatapos nito.
~
Ilang minuto na ang nakakalipas, hindi pa tapos ang Class E sa ibinigay namin na test. Nahihirapan ata sila. Siyempre dapat lang, isa yata ito sa mga exams ng Class 2-A.
YOU ARE READING
Twinception [PLOT AND EVERYTHING WILL BE UPDATED]
Teen Fiction[Description will be updated. Language will be changed to English soon] Twins have gone on a mission to kill, but their target is in a school wherein they have to swap in order to conceal their identities. In this absurd sibling adventure, what coul...