CHAPTER NINETEEN

470 17 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

Starlight Condominium, 9:30 p.m.

Matamang nakatitig si Empress sa kanyang laptop at pinagmamasdan ang profile ng Death Slayers. Sa isang portal ng isang gangster website ay napasok niya ito at kinuha ang lahat ng impormasyon ng grupo.

Napapataas na lang ang kanyang kilay sa mga nababasang achievements. Katulad ng hundred versus one, kung saan isang daang grupo laban sa kanila. Nakaya nilang manalo sa labang iyon.

Pero may isang bagay ang nakapukaw talaga ng pansin niya. Ang Death Slayers ay nasa ilalim ng isang mafia group na Lussuria.

Ang Lussuria ay kilala sa pagbebenta ng mga drugs, katulad ng coccaine, heroin, fly amore, ecstacy at marijuana.

"Samonte, gusto kong sumali ka sa grupo ko. Malaking tulong ka sa buong Death Slayers."

Dahil dito ay may naiisip siyang plano.

May I should reconsider him. Mukhang malaki ang maitutulong ng asungot na iyon.

Napatingin siya sa may beranda niya. Nakita niya ang isang pigura ng lalaki na sumisilip sa loob ng unit. Napalaki ang mata niya ng makitang may hawak itong baril. Mabuti na lang at patay ang ilaw ng buong unit. Dahan dahan niyang pinatay ang laptop at gumapang pababa ng kama at kinuha ang isang pistol sa ilalim ng unan niya.

Napagtanto niyang tatlong lalaki ang nakapasok sa unit niya. Tinutok niya ang kanyang baril sa lalaking palapit sa kinaroroonan niya at pinaputukan ito.

Agad natumba ang lalaki at dahil dito ay nagpaulan na ng bala ang dalawa pang lalaki. Napasiksik siya sa ilalim ng kama niya. Nang tumigil na ang pagpapaputok ay lumabas siya at pinaputukan ang lalaki ngunit nakailag ito.

Hindi niya napansin ang isa pang lalaki kaya nabaril siya nito sa balikat.

"Fuck!!"

Binaril niya agad ito at natamaan ang lalaki sa ulo. Nagulat siya ng biglang pilipitin ng isa pang lalaki ang kamay niya dahilan para mabitawan ang kanyang baril.

Sinuntok siya ng lalaki at napaatras siya. Ginantihan niya ito ng sipa sa ulo at natumba ito. Kinubabawan niya ito at inundayan ng sunod-sunod na suntok.

"Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?!" Tanong niya.

Bigla itong tumayo at hinagis siya palayo, tumama siya sa kanto ng isang lamesa.

"You need to die!" Sigaw ng lalaki. Sinugod siya nito at pinagtatadyakan sa sikmura. Habang tinatadyakan ay nakakuha siya ng tyempo. Nakuha niya ang baril na tumalsik kanina at binaril ang lalaki.

Nanghihina siyang tumayo at lumabas ng unit, pag labas niya ay saktong pagbukas ng elevator at tumambad ang mga lalaking nakaitim at may dalang matataas na kalibre ng baril.

"Shit!! Hindi nila ako bubuhayin!"

Agad siyang pumasok ulit ng unit at nilock ang pinto. Lumabas siya ng teresa at tumalon sa kabilang teresa. Doon ay tumalon siya sa isang bintana at pumasok doon.

Nagulat pa ang tao na nandoon pero di na niya ito pinansin. Paglabas ng unit na iyon ay dumaan siya sa fire exit papunta sa parking lot.

Pagdating doon ay agad siyang sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot paalis.

Dahil sa mga tama niya ay nakaramdam na siya ng panghihina at pagkahilo. Di niya agad napansin ang pagtawid ng isang tao kaya kinabig niya ang kotse at bumangga sa isang poste. Tumama ang ulo niya sa manibela dahilan upang mawalan siya ng malay.

Mafia WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon