CHAPTER FOURTY-ONE

362 21 0
                                    

CHAPTER FOURTY-ONE

"Are you ready?" Tanong ni Laxus sa dalaga. Kasalukuyan silang nakaupo sa sarili nilang motor di kalayuan sa isang bahay.

"Yup. Ikaw?"

"Kanina pa."

"Okay na ba ang lahat?" Tumango naman ang binata.

Ngayong gabi ay pasasabugin nila ang hideout ng Excalibur na nakalagay sa mapa na binigay ni Eve. Ilang gabi din nila ito minanmanan, alam na nila kung ilan ang tauhan sa loob at kung sino ang counsel na nakatira dito.

Pasado alas onse na ng gabi ng may humintong isang itim na range rover at bumaba ang isang lalaki na nasa mid 40's na.

"Ngayon na." Utos ni Empress at may pinindot naman na isang remote si Laxus. Kasabay nito ang pagsabog ng buong bahay. Napayuko agad at nagtago sa may kotse niya dahil sa pagsabog. Sa lakas nito ay talagang walang mabubuhay.

Bawat sulok ng bahay ay tinaniman ng isang IED (improvise explosive device) na mismong si Laxus ang gumawa. Isa ito sa mga pinagmamalaking produkto ng Exodus. Sa lakas nito ay kayang sumira ng isang building na kasing taas ng Empire State Building ng America.

Agad lumapit ang dalaga sa lalaking nagtago at tinutukan ito ng calibre 45 sa ulo.

"Kamusta na Sir Anton?" Tanong niya. Tila nagulat naman ang lalaki sa sinabi ng dalaga.

Antonio Meneses, dean ng education department ng Brighton University.

"Hindi ko akalaing isa ka sa mga counsel ng Excalibur."

"Pakiusap huwag mo akong papatayin Ms.Grayson."

"Sure, sa isang kondisyon, saan nagtatago ang pinuno niyo?" Umiling ang lalaki.

"Hindi ko alam. Walang nakakaalam maliban kay Igneel."

"Okay. Thanks for the info." At pinaputok na niya ang baril. Agad bumulagta ang lalaki.

"Tama si Eve. Mukhang si Igneel lang ang nakakaalam, young lady."

Mafia WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon