CHAPTER THIRTY-FOUR

430 20 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

Bata palang si Empress ay mulat na siya sa kalakaran ng mafia. Alam niyang isang mafia boss ang kanyang ama at hawak nito ang pinakamalaking grupo sa mafia world, ang Exodus.

Mula pagkabata ay hinasa na siya sa paggamit ng iba't ibang armas. Mula sa mga mababa at matataas na uri ng baril, katana, samurai at iba pa. Natutunan din niya ang mga self-defense moves.

Hanggang isang araw, ay may kasamang mga bata ang kanyang ama. Pinakilala ng kanyang ama ang mga bata na miyembro na ng grupo. Si Laxus, Brixton at Frield.

Hindi sinasadyang marinig ng batang si Empress ang pag-uusap ng kanyang ama at ang dating adviser nito na si Herbert.

"Ang isa sa mga batang dinala ko ay anak ko."

"Paano mo naman nasabi yan Gray?"

"Anak ko siya sa babaeng nakilala ko noom sa isang bar. Nang makita ko ang bata ay nakaramdam ako ng lukso ng dugo. Nakumpirma ko ito ng makita ko ang kanyang ina at ang resulta ng DNA."

"Alin sa mga bata ang anak mo?"

"Frield. Si Frield Lachrima."

"Alam niya bang ama ka niya?"

"Oo. Alam niya pero binigyan ko siya ng instruction na huwag ipagsasabi na ama niya ako. Ang alam ng lahat, si Empress ang nag-iisa kong anak."

"Ngayong dalawa na ang anak mo, sino ang magiging heir mo?"

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa napag-iisipan ang bagay na yan."

Mula noon ay tumatak sa kanyang isipan na magkapatid sila ni Frield. Napapansin niya noon ang pagtitig ng bata sa kanya. Gusto man niya itong lapitan at kilalanin, hindi naman niya ito magawa. Tuwing tatangkain niya ay madalas wala ang bata o di kaya'y siya naman ang wala.

Noong labingwalong taong gulang siya ay nakausap niya ang kanyang ama tungkol sa pamamahala ng Exodus.

"Ikaw ang magiging tagapagmana ko Empress. Sa iyo ko ipagkakatiwala ang grupong ito."

"Pero bakit sa akin ama? Bakit hindi kay Frield?" Tila nagulat pa ang kanyang ama sa narinig.

"Paano mong nalaman ang bagay na yan?"

"It doesn't matter ama. Bakit ako? Ang batas ay kung sino ang panganay ay siya ang heir. Matanda ng dalawang taon si Frield sa akin, siya ang panganay ng Grayson kaya dapat siya ang heir."

"Empress,katulad ng sinabi ko, sa iyo ko ipagkakatiwala ang Exodus. Sa totoo lang wala akong tiwala sa batang iyon. Alam kong ineexpect niya na siya ang hahawak ng grupo. At ang alam ko ay may plano na agad siya dito na hindi makakabuti sa buong Exodus. Mahina ang batang iyon. Hinahayaan niyang diktahan siya ng kanyang damdamin."

"Pero ama hindi pa rin iyan sapat na dahilan. Wala ka namang ibidensya na may plano nga siya."

"Empress, alam ko ang mga nangyayari sa paligid. Kaya huwag ka ng mangatwiran pa. Ikaw ang heiress ng Exodus. At alam ng lahat na ikaw lang ang anak ko."

"Ama..."

"May mga property akong ipinangalan sa kanya. Hanggang ngayon din ay Lachrima ang gamit niyang apilyido. Ang kundisyon ko ay ganito, kapag may nangyari sa akin at involve siya ay mawawalan siya ng karapatang maging Grayson. Wala ni isang kusing siyang makukuha sa akin. Alam ko ang ugali ni Frield. Alam ko ang likaw ng kanyang bituka."

"Pero nagiging unfair ka ama. Bakit di mo na lang ibigay kahit ganoon siya."

"Anak, ito sana ang hiling ko sayo. Huwag kang mag-aalinlangang patayin ang taong papatay sa akin. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Buhay sa buhay."

"Ama naman, wag kang magsalita ng ganyan."

Nang mga panahong ito, ay nalaman ni Frield na hindi siya ang heir ng Exodus. Sobrang sumama ang loob niya. Dito nabuhay ang galit niya para sa ama. Hindi na nga siya pinakilalang anak sa buong grupo, naging isang hamak lamang na tauhan ng kanyang ama, nagtatago sa anino ng kanyang kapatid, ang simpleng kahilingan niya ay hindi pa pinagbigyan. Ang mahawakan ang Exodus. Ang dami niyang plano para sa grupo pero nawala ito na parang bula ng ipakilala ng kanyang ama si Empress bilang tagapagmana ng Exodus.

Dito na pumasok ang rival group na Excalibur. Ginamit nila ang galit ni Frield para sa kanilang plano, ang pabagsakin ang Exodus at maghari sila sa underground society. Dito nila nirecruit at binigyan ng posisyon si Frield. Isa siya sa mga high counsil ng Excalibur.

At pagkatapos nga ng dalawang taon, sa isang madilim na bahagi ng highway patungong Baguio city nagtapos ang buhay ni Timothy Grayson o mas kilala sa pangalang Gray, ang leader ng Excalibur.

Sino nga ba ang makakapag-isip na sarili niyang anak ang kumitil ng kanyang buhay?

Mafia WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon