CHAPTER TWENTY-TWO

454 23 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

Northwood condominuim,10:00 a.m.

Nagising ang dalaga sa isang di pamilyar na kwarto. Ramdam niya ang pagkirot ng balikat niya at ulo. Napahawak siya sa ulo niya at nakapang may benda ito.

Shit! Where am I?

Ang huling naaalala niya ay noong nabangga siya sa isang poste. Pinagmasdan niya ang paligid, black and white ang motif ng kwarto. Halatang panlalaki.

Hindi kaya nakuha ako ng Excalibur? Pero paano naman nila nalaman na ako ang heir ng Exodus? At paniguradong papatayin ako ng mga yun. Pero bakit buhay pa rin ako?

"Mabuti naman at gising ka na." Agad siyang napalingon sa may pintuan at doon niya nakita ang binata.

"Alvarez."

"You've been sleeping for almost 5 days. Kala ko nga comatose ka na."
"What? 5 days? Anong ginagawa ko dito? Anong lugar ba to?" sunod-sunod na tanong niya.

"Nasa unit kita. Sila Eros ang nagsugod sayo sa ospital." Lumapit ang binata at naupo sa harapan ng dalaga.

"Sino ka ba talaga Elloisa Samonte?! Wag na wag kang magsisinungaling kundi matutuluyan ka sa akin." Pagbabanta ni Dean at tinutukan niya ang dalaga ng caliber 38.

"Woah!! Relax lang Alvarez. Hindi mo ako kailangang tutukan niyan. Sasabihin ko naman eh."

"Muntik mo ng masagasaan si Eros ng gabing iyon. Nang makilala ka, agad kang sinugod sa ospital. May tama ka ng bala sa balikat. Pagkatapos may pumuntang lalaki sa kwarto mo at akmang babarilin ka mabuti na lang at agad akong pumunta kundi patay ka na. Talagang di ka bubuhayin. Ano ka ba talaga? Sindikato ka ba?" Umiling si Empress.

"Taga mafia ako."

Mafia WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon