EPILOGUE

885 24 4
                                    

EPILOGUE

Exodus main house,9:00 p.m.

Palalim na ang gabi pero nagsisimula pa lang ang kasiyahan sa mansyon ng Exodus. Ilang buwan na ang nakalipas mula ng matapos ang sigalot ng Exodus at Excalibur. Marami man ang namatay pero ang mahalaga ay natapos na din. Nanatiling pinakamalakas ang grupong ito samantala ang Excalibur ay naglaho na lang na parang bula.

Unti-unting bumabangon ang Exodus. Naisaayos ang mga nasirang hideouts o offices maging ang main house ay naayos na din.

"Nasaan na si Empress?" Tanong ni Dean habang lumilinga-linga sa paligid. Napailing naman sina Eros sa gawi ng grim reaper.

"Seriously DA?! Kaninang hapon pa kayo magkasama tapos hinahanap mo pa rin? "-Eros

"Saka ano ka ba? Ang mga babae ay maraming ginagawa sa sarili niyan. I'm sure nagpapaganda pa iyon."-Andress

"Hindi naman na niya kailangang magpaganda pa."

"Ang cheesy mo!! Buset!!"-Eros

"May I have your attention please?" Napalingon sila kay Laxus na nasa taas ng entablado.

"For the past months, ang dami na nating pinagdaanan. There had been a big chaos in our group. Nasubok ang katatagan natin. Pero dahil dito napatunayan natin eventhough Gray left us, natuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Pinatunayan natin na kaya natin ang kalaban! Na tayo pa rin ang makapangyarihan! Nagpapasalamat ako sa mga taong tumulong sa atin. Napakalaki ng naitulong nila para marating ang kinalalagyan natin ngayon. Death Slayers thank you so much for everything. At higit sa lahat, maraming salamat sa ating young lady. Ginawa niya ang lahat para sa grupong ito. Ibinigay niya ang lahat para sa atin. Hindi kakayanin ng grupo kung wala ka young lady. So ladies ang gentlemen, I present to you the new leader of Exodus, lets welcome Madam Empress Grayson!"
umakyat ang dalaga sa entablado. Nakasuot ito ng isang pulang evening gown, ang buhok nito ay nakamessy bun, may mga dyamante sa leeg nito. Napakaganda ng bagong pinuno ng Exodus.

"Wag kang matulala DA!! Tulo laway ka na o!"-Andress

"Shut up Supremo!"

Damn, bakit ang ganda niya? Para siyang dyosa.

"Thank you for the introduction Laxus. Maraming salamat sa mainit niyong pagtanggap sa akin. Wala na akong masasabi pa. Exodus, ipagpapatuloy ko ang nasimulan ng aking ama. Ang kanyang mga layunin at hangarin ng grupong ito. Mabuhay tayong lahat!"

"Mabuhay ang Exodus!"

"Mabuhay si Madam Empress!"

...

"Ang ganda mo." Papuri ni Dean sa dalaga. Kasalukuyan silang nasa garden ng mansyon.

"Salamat." Kahit medyo madilim ay nakita ng binata ang pagpula ng pisngi ng dalaga.

"You're blushing."

"Hindi ah! Blush on lang yan!" At hinampas sa braso ang dalaga.

"Salamat sa lahat Dean. Lagi kang nandyan para sa akin. Hindi mo ako iniwan."

"Wala iyon. Para sayo gagawin ko ang lahat. Kahit buhay ko itataya ko para sayo. Empress, alam mong may nararamdaman ako para sayo." Tumango naman ang dalaga.

"Oo. At ganoon din ako sayo."

"Gusto ko sanang magkaroon tayo ng isang label. Para naman alam natin ang papel sa isa't isa. Empress, mahal na mahal kita. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Natatakot ako na kung hindi pa ako kikilos ay baka maagaw ka ng kung sino sa akin. Empress, will you be my girl?"

"No." Nawala ang ngiti ng binata.

"What? Why? May mahal ka na bang iba?"

"Mahal kita. Pero aba tsong di mo ko paghihirapan? Manligaw ka muna oy! Porket same tayo ng feelings tayo na agad!"

What the?! Paano ba manligaw?

E N D

Mafia WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon