CHAPTER THIRTY

396 18 0
                                    

CHAPTER THIRTY

La Carlota Ground, 8:00 p.m

Matamang nakatingin sina Laxus at ang dalaga sa mga grupong nagtitipon sa La Carlota Ground. Nakasakay sila sa isang Range Rover na pagmamay-ari ni Laxus na nakaparada sa may bukana ng ground.

Isinalaysay ni Empress ang kanyang ginawang pagsunod sa isang miyembro ng Excalibur na si Eva Marie at ang kanyang natuklasan.

Hindi makapagsalita ang binata sa kanyang nalaman. Isa sa malapit na tao ang traydor sa kanila. At ito pa mismo ang pumatay sa dating pinuno nila.

"I can't believe this! Of all the people siya pa? Ang tanga ko young lady! Ang tanga-tanga ko!! Ni hindi man lang ako naghinala sa kanya!" Paghihimutok ni Laxus. Naihilamus niya ang mga kamay dahil sa kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya, siya mismo ang naglapit kay Empress sa panganib.

"Kaya pala!! Kaya pala wala akong nalaman sa insidenteng kinasangkutan mo young lady! Kasi siya mismo ang kasabwat ng mga kalaban!"

"Siya ang nagsabi kung sino ang heiress ng Exodus. Maging ang planong paghahanap sa heir ng grupo nila. Kaya pala napakahirap silang makita ay dahil may alam na sila sa plano. Alam na nilang kapag nakita ang heir nila ay papatayin natin ito."

"Anong plano mo young lady?" Tanong ni Laxus.

"Ang gusto ko alisin ang mga tao sa main house natin. Tanging ako at ikaw lang ang maaaring pumasok. Ilipat mo ang mga tao natin sa mga offices natin. Then palitan lahat ng mga cctv sa mansion at sa mga offices. Alam kong may access siya sa mga ito at palitan ang security ng ating intelligence at portal. Mas higpitan ang security ng mga ito. Kailangang walang makaalam nito Laxus. Sa ngayon, ay tatanggalan natin siya ng mga mata sa grupo." Paliwanag ng dalaga.

"Okay. Masusunod young lady."

"Pagpapatulong tayo sa mga Death Slayers. Sila lang ang puwedeng pagkatiwalaan natin sa ngayon." Dagdag pa ni Empress na agad na sinang-ayunan ng binata.

Mafia WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon