Chapter 10 (Home Again)

580 10 0
                                    

Nagising ako sa isang tunog ng lobong pinakawalan ng hangin. Pfffft...Puta ang baho! Bumangon ako at nag-mulat ng mata. Anong klaseng amoy yun? Amoy nilabon na itlog na bulok tapos kinalamyasang patis. Tangina.

Oh, Abby! Sigaw ni Mika at nag-tatakbo patungo sa akin. Umatras naman ako.

Wow, ha! Parang ako yung na-ospital sa ating dalawa kung maka-iwas ka. Sarkastiko niyang sabi at inirapan ako.

Umalis ka nga. Ang baho pa rin. Nasaan na sina Mama? Tanong ko.

Woah-? Oh my gosh! Paano mo nalamang narito sila! I can speak to a ghost. It's real. I tought, I tought. Pfft...Umutot ako. Hihi. Nag-peace sign siya at nag-tatakbo sa c.r.

Narinig ko ang pag-bukas ng pinto at niluwa noon sina Mama, ate Tin, at ate Angel. May dala silang take-out sa Jollibee.

Abby! Tumili si Mama na parang kinikilig at sinunggaban ako ng yakap. Hinimas na naman niya ang braso ko at pinisil-pisil yoon.

Kailan ka pa nagising? Naiiyak si Mama ng hinarap niya ako. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko din siya. Tumulo na lang ang luha ko.

Ma kelan pa ako tulog? Humihikbi kong tanong.

Tatlong araw na simula ng dumating kami, Abby. Sabi ni ate Tin at kumuha siya ng table at doon inilagay ang pagkain. Nasa tabi niya si ate Angel na nag-sisimula ng kumain. Pre-mature baby si ate Angel kaya ganoon ang leeg niya. Hindi rin siya pala-imik. Tatlong araw na but still he's not here. He probably didn't care at all.

Umupo ako ng ayos sa gilid ng kama malapit sa table para sumalo ng pagkain. Katabi ko si Mama, katapat namin sina ate Tin at ate Angel. Samantalang ang kadadating lang nasi Vallo ay naka-upo sa sofa na may hawak na cellphone at sa katabi niya ay supot ng Angel's burger. Kinuha ni ate Tin ang pagkain at dinistribute sa amin.

Tin, lead mo muna ang parayer. Ngumiti si Mama at tumungo na. Ganun din ang ginawa ko at pinagsaklop ang aking kamay.

Yes Lord, thank you po sa pagkaing nasa harapan namin at nawa po'y mag-bigay kalakasan ito sa amin. Lalong-lalo na kay Abby. Salamat po sa pag-gabay ninyo sa aming lahat. Bless our food, in Jesus name. Amen.

Amen. Sabay-sabay kaming tumingala at hinawakan na ang disposable spoon and fork. Habang ginagayat ko ang kulat golden brown at malutong na balat ng chickenjoy ay umagos ang katas nito. Ang lambot ng karne. Tinitigan ko ang chickenjoy gaya ng pagtitig ko sa mga mata ni Marco. Nanunuot ang bawat sarap sa unang kita palang. Naglagay na ako ng kanin at tinapat sa bibig ko ng-

Pfft..Brrt...Pfft... Tunog galing sa banyo at umalingasaw ang masangsang na amoy. Lintek na! Ilang taon ba siyang hindi tumae? Ang baho! Amoy tubig sa imburnal.

Ano ba yan! Nag-takip ng ilong si Mama at binuksan ang pinto para lumabas ang amoy. Bumukas ang pinto ng banyo at nakita ko si Mika na naka-ngiti. Yung ngiti ni Riley Reid everytime na natatapos ang porn videos niya.

Oh, bakit? Na-realize niyo na ba kung gaano ako kaganda? Ngumiti siya at inilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

Kinaumagahan ay inilabas na ako sa ospital. Sakay kami ngayon ng tricycle papunta sa apartment. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan yuon. Tatag nito ah. 3 days, still 30%! Kaya love ko itong cellphone na ito eh. Buti pa ito nag-tatagal, eh kami nga. Wala pa ngang nauumpisahan, ending na agad. Tss.

I heard what happened. Get well soon. Nabasa ko ang text ni Eiriz, seatmate ko sa aking last subject.

Abby. I heard you're in the hospital. Condolonce. Huh? Dafuq. Text ni Kyle. Nyeta din itong hinayupak na ito. Ginawa ba naman daw akong patay.

Nag-scroll down pa ako pero wala talaga. Oo na. Aaminin ko na. Inaantay kong magparamdam siya. Wala ba talaga? Kasi ako, miss ko na siya. Yung kalandian niya, yung malambot at mapula niyang labi at yung matambok niyang pwet. Ako kaya? Sumagi man lang sa isip niya?

Abby. Late ata ang drama mo. Andito na tayo sa tapat ng apartment. Sabi ji Mika at lumabas na siya sa tricycle at walang dalang gamit. Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko.

Abby, pagkatapos maipasok itong mga gamit sa loob ay uuwi na kami sa Batangas. May aattendan pang senior's night si Tin mamayang gabi. Kinuha ni Mama ang bag sa likod at sinakbit sa balikat niya.

Opo, Ma. Nag-lakad na ako papasok sa loob dala ang iba pang gamit. Pinatong ko ang aking dalang bag sa kama ko at lumabas para pumuntang salas.

Abby. Yumakap sa akin si ate Angel. Ingat ka ah. Bulong niya at hinalikan ko siya sa pisngi. Lumapit sa akin si ate Tin.

Lagi kang magdadasal Abby ha. Huwag ka nang magpapa-ospital ulit. Sabi niya at yumakap sa akin. Saan naman ako? Pa-albularyo? Tsk.

Naka-alis na sina Mama at bumalik ako sa loob para pumunta sa salas. Naabutan ko si Vallo na nakaupo sa wooden couch hawak ang cellphone at naka-lip bite. Tiningnan ko ang cellphone ko para malaman ang oras. 11:47. Bumuntong hininga ako. Back to normal na naman. Ang tanging silbi na lang ng cellphone na ito ay: alarm clock, music at camera. Ipinatikim lang sa akin ni Marco kung anong tunay na halaga ng cellphone.

Magsisimula ako sa umaga. Na kung paano niya ako ginigising gamit ang malamig niyang boses sa tuwing tatawag siya. Ang pag-agaw miya sa aking cellphone para mahawakan ang aking kamay. Kapag kakain kami, pasimple siyang kukuha ng litrato ng pagkain pero hagip ang ngiti ko kasi syempre, pagkain kaharap ko eh. Sa kung paano niya laging pinapaalala na ako lang ang babae sa mundo. Bago matulog ay ang boses niya ang huli kong maririnig at nag-iiwan siya labi ng ngiti sa aking pag-tulog dahil sa harana niya. Nasaan ka na ba? Mahirap aminin pero, oo mahal kita.

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now