Chapter 56 (Dream House)

233 4 1
                                    

"Vallo! Grabe ilang araw ka lang nawala ay wala pa ring pinagbago. 33 pa rin ang waist line mo." Bungad ko kay Vallo at niyakap ko siya. Kinurot naman niya ako sa bewang.


"Gaga! Ikaw, napikot mo na ba yang ex mo?" Tanong niya at umikot lang mga mata ko.


"Tsk. Asa ka namang pipikutin ko yan." Pagtataray ko pero ng lingunin ko siya ay napanganga siya at nag-taas ng kilay saka ngumisi.


"Argh!" Inis kong ungol at umupo na lang.


"Muntik na nga eh." Parinig niya at tumawa ang mag-fiance.


"Really Marco? That's my man." Proud na sabi ni Troy at nakipag-fist bump kay Marco.


"Hoy ang yabang mo ah. Huwag nga kayong maniwala sa pinagsasasabi ng ulupong na yan." Umirap ak at tumawa silang lahat.


"Vallo huwag mong sabihing naniniwala ka sa ugok na'to?" Turo ko kay Marco pero tumawa lang siya at tumango. Hinampas ko siya sa braso at ngumuso ako.


"Bakit Abby, hindi ba?" Tanong ni Vallo at umirap ako. Hindi ako nakasagot. Oo na, muntik nang magkaputukan kungdi lng dumating-


"Ewan ko sa inyo!" Bulyaw ko at ngumisi lang silang lahat. Nakakainis. Pinagtutulungan nila ako. Naku buti na lang wala si Mika. Isa pa naman yung magaling na mang-asar . Baka isiwalat noon ang sikreto ko sa bayaw niya. Lalo ng lumaki ang ego ng kupal na'to.


"Anong gusto mong inumin  o kainin Abby?" Tanong sa akin ni Vallo at umupo na kami ng ayos. Binuksan ni Marco ang dala niyang laptop. Ako naman ay kinuha ang mga blueprints na inihanda namin.


"Ikaw na bahala" I shrugged my shoulders and she nodded her head.


"Saan niyo ba balak itayo ang dream house niyo?" Tanong ko kay Vallo ng nakangiti.


"Sa Batangas. Sa atin." Tugon niya.


"Ano bang tipo niyong bahay?"


"Syempre medyo malaki kasi, malaki din ang titira."Biro niya at natawa ako.


"So do you want a mansion type of a house?" Tanong ko.


"Pwede. Pero huwag yung nakaka-intimidate ang design. Tapos yung kulay, gusto ko blend ng white, cream, at different shades of blue." Sumimsim siya sa juice at idinantay naman ni Troy ang braso niya sa likod ni Vallo.


"Ikaw Troy any suggestion?" Lumingon ako kay Troy na nakatingin kay Vallo. Bumaling siya sa akin at ngumisi.


"Nah. Basta siya ang kasama ko sa bahay. I will always be at home." Sabi niya.


"Okay. I will present to the both of you my design. Actually dream house ko siya. Dinesign ko noong college but I want to lend you the design. Paunang wedding gift." Nagulat ako sa sinabi ni Marco. Nag-design siya ng dream house noong college? Saan, dito sa Pinas o sa US?

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now