Chapter 42 (Kwento)

433 5 0
                                    


"Hello? Troy... That fast? Okay... Thank you, man... Yes, I'm coming." Ibinaba ni Marco ang tawag at nilingon ako.

"Stay here. Huwag kang masyadong umibo. Pagbubuksan ko lang si Troy." Tumango ako at hinalikan niya ako ng mabilis at tumayo na para pumunta sa pinto. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang yabag ng paa nila.

"Idol na talaga kita Marco. Holy shit-"

"Uhm... Hi, Troy."

"Tangina ka Marco. Abby tell me did he rape you?"

"What the fuck are you saying Troy?"

"Eh bakit ganyan ang itsura niya? Mukha siyang na-gang bang-"

"Marco!"

Nagulat ako ng sinuntok ni Marco si Troy sa mukha at agad dumugo ang bibig ni Troy.

"Don't you dare talk to her like that. Baka makalimutan kong magkaibigan tayo." Kinuwelyuhan ni Marco si Troy at itinaas lang ni Troy ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Damn you. I'm sorry man. Chill. Nagulat lang ako okay? Pasensiya na. Pasensiya na din Abby." Lumuwag ang pagkakahawak ni Marco sa kwelyo ni Troy.

"Okay lang. Pasensiya na din kung naistorbo ka naming."

"Ohh. Don't mind it. Tinulungan din naman ako ng gagong ito na suyuin ang kaibigan mo." Nanlaki ang mata ko at namula ang pisngi ko. So sila pala talaga ni Vallo?

"Nasaan ang wheel chair?" Nakakunot nong tanong ni Marco at lumiwanag ang mukha ni Troy.

"Ohh. I forgot. Nasa labas pa ng pinto. Balikan ko lang saglit." Tumango si Marco at lumapit sa akin.

"Hey." Ngumiti ako ng kinuha niya ang kamay ko.

"Don't be so hard on your friend. Baka kung makita ko si Vallo na ganito ang itsura kasama siya ay mas malala pa ang magiging reaksiyon ko." Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang aking daliri at pumikit siya.

"I'm sorry. Ayoko lang na bumaba ang tingin nila sayo." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Marco eto na." Tumayo si Marco at tinulungan si Troy na ibuka ang wheel chair.

"Let's go baby." Sabi niya at dahan-dahan akong binuhat at maingat na pinaupo sa wheel chair. Hinalikan niya ako sa noon ng makaupo na ako ng ayos.

"Now you inspire me Marco. Paano kaya kung gawin ko din it okay Vallo? Ang sumira ng kama at kinabukasan ay hindi palakadin dahil sa sakit ng balakang." Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba.

"Don't talk to me about that topic in front of my girlfriend." Irap ni Marco at tinulak na ang wheel chair palabas. Humalakhak lang si Troy at sumunod na sa amin.

Habang pababa kami at paalis ng hotel ay pana'y ang singhapan ng nadadaanan naming mga tao. Nang nasa harapan na kami ng kotse ni Marco ay dahan-dahan niya akong dineposito sa passenger's seat at inilagay niya sa likod ang wheel chair. Si Troy naman ay sumakay na sa sarili niyang kotse.

"Matulog ka muna. Gigisingin kita kapag nasa apartment ninyo na tayo." Tumango ako at hinalikan niya ako sa pisngi. Pinatunog niya ang stereo at kumalma ako sa isang pamilyar na kanta hanggang sa tuluyan na akong hinatak ng antok.

Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing that makes us feel alive

We keep this love in this photograph

"Abby. Wake up... Hey." Nagising ako sa marahang tapik ni Marco sa aking pisngi. Ngumiti siya at lumabas para kuhanin ang wheel chair. Binuksan niya ang pinto ng kotse sa gilid ko at binuhat ako para paupuin sa wheel chair. Itinulak niya ito at pumasok na kami sa apartment.

Confusion and Temptation (DWS #1)Where stories live. Discover now